Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga kilusang masa laban sa mga imperyalistang dikta, lumalakas sa buong daigdig

 Read this article in English

Sa iba�t ibang dako ng mundo, kumikilos ang milyun-milyong aping mamamayan upang igiit ang kanilang mga interes at karapatan at labanan ang "globalisasyon" at iba pang dikta ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB).

Nitong unang linggo ng Hunyo, nagbantang magwelga ang mahigit 950,000 manggagawa sa Germany upang maggiit ng 6.5% pagtaas sa kanilang sahod. Kaugnay nito, nagbanta rin ng welga ang mahigit 300,000 manggagawa mula sa sektor ng seguro, bangko at serbisyo. Mula pa noong kalagitnaan ng Mayo, inilunsad ang ganitong mga pagkilos sa Berlin at iba pang lunsod ng Germany sa kauna-unahang pagkakataon mula 1920.

Noong Abril 16, may 13 milyon manggagawa sa Italy ang naglunsad ng malawakang welga na ipinanawagan ng Confederazione Generale Italiana del Lavoro (CGIL), ang pinakamalaking pederasyon ng mga unyon sa bansa. Kaugnay nito, dalawang milyong mamamayan ang naglunsad ng mga aksyong masa sa lansangan sa iba�t ibang lugar sa bansa. Dalawang milyong manggagawa rin ang nagrali sa Rome noong Marso 23.

Inilunsad ng mga manggagawa ang mga pagkilos na ito upang tutulan ang plano ng gubyerno ni Silvio Berlusconi na baguhin ang mga batas sa paggawa sa bansa upang maging mas madali ang pagsisisante at iba pang anyo ng pang-aapi sa mga manggagawa.

Sa India, mahigit 10 milyong empleyado ng gubyerno ang naglunsad ng pangkalahatang welga noong Agosto 2001 upang iprotesta ang planong pribatisasyon ng mga korporasyon ng kuryente.

Noong Agosto 2001 din, iniulat ng Congress of South African Trade Unions na umabot sa limang milyong manggagawa ang nagwelga laban sa planong pribatisasyon na itinutulak ng IMF.

Noong Hunyo 2000 sa Argentina, umabot sa 7.2 milyong manggagawa ang sumuporta sa 24-oras na pangkalahatang welga upang tutulan ang mga bagong batas sa paggawa na ipinataw ng IMF, kabilang ang ibayong pagpapababa sa minimum na sahod at pensyon.

Sa Africa, milyun-milyong mamamayan ang tumututol sa patakarang pribatisasyon at deregulasyon ng IMF.

Sa Angola, libu-libong manggagawa mula sa pampublikong sektor ang naglunsad ng apat na araw na welga laban sa programang pribatisasyon ng gubyerno at laban sa pakanang pagpapababa sa minimum na sahod.

Nagkaroon din ng malalaking pagkilos sa Kenya, Malawi, Zambia at Mozambique laban sa mga kundisyong ipinapataw ng IMF kapalit ng ipinapautang nito sa kani-kanilang gubyerno.

Noong Disyembre 2001, bago tuluyang gumuho ang sistemang pampinansya ng bansa, naganap sa Argentina ang dalawang araw ng madudugong protesta laban sa mga hakbang ng pagtitipid ng gubyerno. Noong Mayo 2000, umabot sa 80,000 ang nagpahayag ng pagtutol sa mga hakbang pagtitipid ng gubyerno na dikta ng IMF.

Sa Bolivia, humantong sa pagdedeklara ng batas militar at pag-atras ng dalawang dayuhang kumpanya sa bansa ang ilang linggong protesta ng mamamayan doon laban sa planong pribatisasyon ng sistema sa tubig. Daan-daang libo ang tuluy-tuloy na naglunsad ng mga rali, kabilang ang mga unyon ng mga manggagawa, mga guro, ilampung organisasyon at pederasyon ng mga magsasaka at mga estudyante.

Sa Ecuador, ilampung libo ang naglunsad ng mga welga, protesta at mga pag-aalsa laban sa dolyarisasyon (pag-abanduna sa sariling salapi at paggamit sa dolyar ng US bilang kapalit) ng kanilang ekonomya at iba pang dikta ng IMF. Naging matingkad ang protesta ng mga pambansang minorya sa umpisa ng taong 2000 na nilahukan ng 40,000 katao. Batas militar ang tugon ng gubyernong Ecuadorian noong Pebrero 2001 sa malalawak na pag-aalsa ng mamamayan.

Noong Pebrero 2002, mahigit 50,000 mamamayan ang naglunsad ng demonstrasyon sa Porto Alegre, Brazil upang tutulan ang "globalisasyon".

Nagkaroon din ng gayong mga pagkilos sa Costa Rica, El Salvador, Colombia, Paraguay, Peru at Venezuela.

Nagkaroon ng mga anti-"globalisasyong" pagkilos sa Belgium, United Kingdom at iba pang bansa sa Europe.

Sa Turkey, libu-libo ang nagprotesta noong Marso 2001 laban sa planong "pansalba" ng IMF sa pinalubog nitong ekonomya ng bansa. Noong Setyembre 2001, tinutulan ng mamamayan ang plano ng IMF, kasabwat ang gubyerno rito para itaas ang presyo ng langis, ipako ang sahod sa pinakamababang antas at "repormahin" ang pagbubuwis.

Sa South Korea, mahigit 20,000 manggagawa ang nagrali noong Setyembre 2000 upang labanan ang pribatisasyon at restructuring (pagrereorganisa) ng mga korporasyon na magreresulta sa malawakang tanggalan.

Mayroon ding mga protesta sa Indonesia, Malaysia, Thailand at Pilipinas.

 


Previous articleBack to topNext article

Hunyo 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan ang mabilis na nag-iibayong armadong interbensyon ng US sa bansa

Komedya sa Senado at Kongreso
Basic Education Curriculum ng DepEd:
Dagdag na salot sa sistema ng edukasyon

Kolonyal na oryentasyon
Matrikula muling tumaas ngayong pasukan
Kampanya sa niyugan:
Bikol, umaani ng tagumpay

Tulungan sa pagsasaka:
Ang lusong ni Mang Jose

DYnastiya sa Isabela
Mga anti-mamamayang negosyo ni Dy sa Isabela, poprotektahan ng CAFGU
Pananalanta ng pasistang estado
Tugon ng mamamayan sa mga lansakang paglabag sa mga karapatang-tao sa Oriental Mindoro
Mga anti-globalisasyong pagkilos, sumusulong
Mga kilusang masa laban sa mga imperyalistang dikta, lumalakas sa buong daigdig
Palayain ang mga detenidong pulitikal sa buong mundo!
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.