Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Mahigit 11,000 magsasaka, nakinabang sa rebolusyong agraryo sa Hilagang Silangang Mindanao

 Read this article in English

Umabot na sa 11,343 magsasaka ang nakinabang sa rebolusyong agraryo mula Abril 2001 hanggang Abril 2002 sa iba�t ibang mga sonang gerilya sa rehiyon ng Hilagang Silangang Mindanao. Sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pakikibaka, nagawa ng mga magsasaka na itaas ang sahod ng mga manggagawang bukid at ang presyo ng kanilang mga produkto, ibaba ang upa sa lupa at usura at igiit ang kanilang karapatang magsaka. Ayon sa Lingkawas, rebolusyonaryong pahayagang masa sa rehiyon, nailunsad ang 23 kampanyang may iba�t ibang anyo at tagal sa mahigit 60 baryo sa loob ng isang taon.

Sumusunod ang ilan sa mga nailunsad at naipagwaging mga aksyon ng mga organisasyong masa:

  • Pagpapataas sa sahod para sa lahat ng klase ng trabaho sa pagsasaka sa Las Nieves, Agusan del Norte. Ang dating P70 ay naging P80 bawat araw. Libre na pati ang almusal at pananghalian. Mahigit 200 pamilya ang nabenepisyuhan nito. Naimpluwensyahan ang lima pang kanugnog na baryo. Naipagwagi rin ang gayong pagpapataas ng sahod sa San Agustin at Tandag sa Surigao del Sur at Butuan City sa Agusan del Norte.
  • Pagpapataas din ng sahod sa pagpitas ng kalamansi, mula P30 tungong P40 bawat netbag sa Bayugan at Sibagat, Agusan del Sur.
  • Pagpapataas sa presyo ng lakatan mula P2.50 tungong P5.00 bawat kilo; at ng latundan mula P2.00 tungong P4.50 bawat kilo sa dalawang baryo sa Lianga, Surigao del Sur. Ang morado na dating hindi binibili ay tig-P5.00 na ang bayad bawat pagbubuhat. Sa Agusan del Norte, ipinagbawal ng apat na komersyante ang pagpapataas sa presyo ng latundan tungong P9-9.50 bawat bundak (1-2 piling). Ngunit nang makita nilang handa ang mga magsasaka na magbenta sa ibang komersyante at palakasin ang kanilang kooperatiba, napilitan silang bilhin na rin ang saging sa presyong itinakda ng mga magsasaka.
  • Pagpigil sa pag-agaw ng kanilang lupa para gawing plantasyon ng palm sa limang baryo sa Bayugan.
  • Sa Agusan del Norte, panimulang nabago ang sistema ng sa upa sa lupa pabor sa kasam�.
  • Paglulunsad ng ligal na pakikibaka para sa pagpapataas ng presyo ng abaka sa limang bayan ng Surigao del Sur. Hinadlangan ito ni Vice Gov. Lib Navarro. Sa kabila nito, tulad ng naganap sa Agusan del Norte, naghanap ang mga magaabaka ng ibang mapagbebentahan kasabay ng pagpapalakas sa kanilang kooperatiba.

Patuloy na pinauunlad ang iba�t ibang anyo ng kooperasyon ng masa para mapahusay ang produksyon at ang antas ng kanilang kabuhayan. Pana-panahong isinusulong ang kampanyang "balik-sakahan" sa mga lugar na napalayas ang mga magsasaka dahil sa hamletting at operasyong militar ng AFP noong dekada 1980 hanggang dekada 1990.

 


Previous articleBack to topNext article

Hulyo 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Rebolusyonaryong pakikibaka, pag-asa para sa tunay na repormang agraryo

VLT/DPS, punung-puno ng katiwalian
Mga Ulat Koresponsal:
Mahigit 11,000 magsasaka, nakinabang sa rebolusyong agraryo sa Hilagang Silangang Mindanao
Mga Ulat Koresponsal:
Matagumpay na kampanyang Kontra-usura, inilunsad sa Cagayan

Kalagayan ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita:
Matabang lupa para sa rebolusyon

Guingona, pinatalsik sa DFA dahil sa pagkontra sa Balikatan
Panghihimasok militar ng US
US, niyayanig ng mga iskandalong pampinansya
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.