![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sumusulong ang mga pakikibaka ng mamamayan ng Timog Katagalugan laban sa malawakang pangangamkam ng lupa, lantarang pasistang paghahari ng rehimeng US-Estrada sa rehiyon, at lumalaganap na mga operasyong landfill at quarrying. Pagpapalit-gamit ng lupa. Tinututulan ng mga organisasyong magsasaka�t mangingisda ang malawakang pangaagaw at pagpapalit-gamit ng mga panginoong maylupa at mga lokal at dayuhang kapitalista sa lupang sakahan, pangisdaan, mga komunidad sa baybaying dagat at kagubatan. Kabilang sa mga nilalabanan nila ay ang Harbortown ng Fil- Estate, Sta. Lucia Realty at Manila Southcoast Development Corporation sa Nasugbu, Batangas; ang Batulao Nature City sa 1,300 ektaryang sakahan sa Patugo, Balayan; ang Pentaport Project sa North Quezon; ang kumbersyon ng Lawa ng Laguna at Lawa ng Taal at ang pagsasapribado sa halos lahat ng mga baybayin ng rehiyon. Bukod sa paglalantad ng mga magbubukid at mamamalakaya sa malawakang dislokasyon, kahirapan at kagutumang dulot sa kanila ng pagpapalit-gamit sa lupa, itinataguyod rin nila ang panawagan para sa tunay na reporma sa lupa. Militarisasyon. Tuluy-tuloy na inilalantad at nilalabanan ng mamamayan ng Timog Katagalugan ang Oplan Makabayan ng rehimeng US-Estrada na sa loob ng mahigit isang taong implementasyon ay nagresulta na sa 378 biktima ng iligal na pag-aresto, tortyur at pagkulong, 225 pamilyang biktima ng iligal na panghahalughog at sapilitang pagpapalikas, 14 na bahay na winasak ng militar, 14 na biktima ng salbeyds, 23 kaso ng masaker at lima ang pagdukot. Sa kasalukuyan, 12 batalyong tropang panagupa ng AFP, dalawang batalyon ng PNP, mga kagawad ng CAFGU at iba pang pwersang paramilitar ang nakapakat sa rehiyon. Quarrying. Binabatikos ng mamamayan ang dumaraming mga quarry na pumipinsala sa mamamayan at kalikasan. Ang walang patumanggang quarrying ay bahagi ng mga programa ng CALABARZON at MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) at pinakikinabangan ng mga planta ng kuryente, kalsada, internasyunal na daungan, subdibisyon at industrial estates. Sa ngayon, pangunahing mga quarry site sa rehiyon ang Rizal; Laguna; Sariaya, Quezon; Maragondon at Ternate, Cavite; at Tuy at Ilijan, Batangas. Basura. Tinututulan din ang walang kapararakang pagtatambak ng lumalaking bolyum ng basura sa mga landfill sa Timog Katagalugan. Ang tone-toneladang basurang mula sa Maynila at sa mga pagawaang multinasyunal at transnasyunal, na itinatambak sa San Mateo, Rizal; Carmona, Cavite; at sa Mabitac at Paete, Laguna ay mapanganib sa kalusugan ng mamamayan at nakasisira sa kapaligiran. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|