|
|
Araw ng palengke ang Oktubre 13. Maraming magsasaka ang nahikayat na sumama sa panawagang ibrinodkas ng istrimer na isinabit sa palengke ng Baggao: "Sumama sa kumprontasyon! Itaas ang presyo ng mais!" Noong Oktubre 14, sa pamumuno ng KAGIMONGAN (Alyansa ng mga Magsasaka sa Cagayan), hinarap ng mga magsasaka ang apat na lokal na komersyante-usurero upang igiit ang mga sumusunod na kahilingan:
Malalaking tagumpay ang nakamit ng mga magsasaka sa sama-sama nilang pagkilos at pagpupursigi sa pakikiharap sa mga komersyante-usurero upang igiit ang kanilang kahilingan. Subalit hindi naging madali ang pagkamit ng tagumpay. Sunud-sunod na pulong ang idinaos ng mga magsasaka upang pagtibayin ang kanilang hanay at pagkaisahan ang kanilang mga hakbang. Sa unang pakikipagdayalogo sa mga komersyante na itinakda ng mga magsasaka noong Oktubre 5 ay wala ni isang humarap sa kanila. Nagpulong muli ang mga magsasaka at nag-iba ng taktika �- isa-isa nilang pinuntahan ang mga komersyante-usurero at mas malaking bilang ang humarap, hindi na lamang ang mga lider-magsasaka. Una nilang pinuntahan si Sofronio Calimaran, pinakamalaking komersyante-usurero na sumasaklaw sa Sto. Domingo, Baggao. Hindi siya pumayag na itaas ang presyo ng mais. Noong Oktubre 7, hinarap nila si Nena Caculitan, isa ring komersyante-usurero. Pumayag siyang itaas ang presyo mula P6.30 tungong P6.70 kada kilo. Muling nagpulong ang mga magsasaka upang ibwelo ang kampanya. Nanawagan sila para sa malawakang pulong-kumprontasyon sa lahat ng mga komersyante-usurero sa Baggao at mobilisasyon sa Tuguegarao City. Ikinasa nila ang pagpapatindi ng kampanya na itinaon sa Linggo ng mga Magsasaka noong Oktubre 13-17, 2002. Sa Tuguegarao City, sinubukan ng mga magsasaka na makipagdayalogo sa mga upisyal ng prubinsya sa kapitolyo ngunit walang humarap sa kanila. Nagpadala naman sila ng delegasyon sa Tuguegarao upang kumprontahin si Magno Y. Lim, isang komersyanteng may operasyong saklaw-prubinsya. Sa kumprontasyon, pumayag si Lim na itaas ang presyo ng mais hanggang P7.00/kilo at ilibre ang transportasyon mula Baggao. Dahil dito, napilitan na ring pumayag ang apat pang komersyanteng taga-Baggao na itaas ang presyo ng binibili nilang mais mula sa mga magsasaka.
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|