Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Lumalakas, lumalawak ang rebolusyonaryong unyonismo

 Read this article in English

Mula nang idaos ang Ikalawang Pambansang Kumperensya ng Rebolusyonaryong Kilusang Manggagawa noong Setyembre 1998, tuluy-tuloy na nagtagumpay ang rebolusyonaryong kilusang manggagawa laluna sa pagbubuo at konsolidasyon ng Partido sa kanilang hanay. Ayon sa mga kasama sa ilalim ng Pambansang Kagawaran sa Organisasyon, ito ay kongkretong resulta ng wastong mga patakaran at tungkulin na tinukoy noong 1998.

Kasabay ng inabot na mahusay na pagsisinsin ng rebolusyonaryong pag-oorganisa ng mga manggagawa hanggang sa pagtatayo ng mga rebolusyonaryong unyon at sangay sa Partido sa mga pabrika, pinag-iibayo rin ng mga kasama ang pag-oorganisa sa napakarami pang mga manggagawang hindi napapabilang sa isang unyon, gayundin ang mga unyong napapailalim sa mga dilawang pederasyon at liderato.

Sa loob ng tatlong-taong programang binalangkas ng kumperensya, lumaki nang 300% ang bilang ng mga myembro ng Partido at aktibista sa mga unyon. Mula 1998 hanggang katapusan ng 2002, lumaki rin nang 70% ang bilang ng mga unyon na nasasaklaw ng kagawaran.

Nagpapatuloy ang mabilis na tantos ng pag-unlad hanggang sa kasalukuyan. Sa ngayon, 60% ng mga nasasaklaw na unyon ay mga rebolusyonaryong unyon o kaya�y nasa iba�t ibang antas ng pag-unlad tungo sa pagiging rebolusyonaryong unyon.

Sa isang rebolusyonaryong unyon, signipikanteng bilang ng mga kasapi ay mga myembro ng Partido. Nakapaglulunsad na ito ng mga lokal na pakikibakang nakatuon sa pagpapataas sa antas ng kabuhayan at paggigiit sa mga demokratikong karapatan ng kasapian nito. Aktibo ang mga nabanggit na unyong ito sa pakikibaka sa anti-manggagawa, anti-unyon at anti-welgang opensiba ng estado. Aktibo rin silang lumalahok sa mga pagkilos laban sa tumitinding pasismo at interbensyong militar ng US at mulat sa kanilang papel sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan.

Pagbubuo ng Partido. Sa ngayon, hindi tinatakdaan ng maksimum ang maaaring maging bilang ng mga kasapi ng sangay ng Partido. Bagamat may ilang maliliit na sangay na kinabibilangan ng kulang sa 15 kasapi, karaniwan na ang mga sangay na mahigit 30 ang myembro. Sa isa sa pinakamauunlad na pabrikang saklaw ng kagawaran, mahigit 60% ng mga manggagawa ay kasapi ng sangay ng Partido.

Sa karanasan nitong nakaraang limang taon, mabilis na nabubuo ang Partido at rebolusyonaryong kilusang lihim. Naging susi rito ang mahigpit na pagtalima sa mga resolusyon hinggil sa solidong pag-oorganisa sa mga pabrika. Isang halimbawa ang isang pabrikang nakapag-organisa ng sangay at kilusang lihim ng mga aktibista sa loob lamang ng tatlong buwan mula nang maugnayan ang unang kontak na manggagawa. Pagkaraan ng lima pang buwan, lumaki pa nang mahigit anim na beses ang bilang ng mga kasapi ng Partido.

Pinanday ng karanasan. Ibayong bumilis ang pag-oorganisa sa pabrika nang mapanday ang mga manggagawa sa matinding pakikibaka para ipagtanggol ang kanilang karapatang mag-unyon.

Ilang beses nang nagtatangkang magtayo ng unyon ang mga manggagawa subalit hindi sila nagtagumpay dahil mga dilawang pederasyon ang kanilang naugnayan. Nagtagumpay na lamang silang itayo ang isang tunay, palaban at makabayang unyon nang maugnayan sila ng isang militanteng pederasyon.

Subalit naging mabilis din ang reaksyon ng kapitalista. Nang mapansin nito ang mga panimulang hakbang ng mga manggagawa na magbuo ng unyon, tinangka ng kapitalista na ilabas ang lahat ng makina at ituloy ang operasyon sa ibang lugar. Hindi ito pinayagan ng mga manggagawa. Binarikadahan nila ang mga pasukan at labasan ng pabrika hanggang wala nang magawa ang kapitalista kundi makipagnegosasyon sa kanila. Ngayon ay kinikilala na ng kapitalista ang unyon at nagaganap na ang negosasyon para sa collective bargaining agreement.

Laban sa dilawan. Sa isa pang pabrika, naglunsad ng pakikibaka ang mga manggagawa upang makawala sa kuko ng dilawang pederasyon. Ilang taong nagpursigi ang mga manggagawa para mapatalsik ang kanilang dilawang mga lider.

Sa proseso ng matinding pakikibaka, ibayong napanday ang mga manggagawa. Dumami ang bilang ng mga aktibistang nakapaloob sa mga lihim na grupo. Sa loob ng tatlong buwan ay naitatag din ang isang katamtamang-laking sangay. Mahigit doble ang inilaki nito pagkaraan pa ng tatlong buwan. May gawaing pag-oorganisa sa hanay ng mga manggagawang arawan at buwanan ang sahod, sa mga superbisor at maging sa mga gwardya ng pabrika. Isang malaking sangay ang nangangasiwa sa gawain ng Partido sa iba�t ibang grupo ng sangay sa pabrika.

Dahil sa laki ng inabot na bilang ng mga myembro ng Partido, may kakayahan na itong gumanap ng gawain sa labas ng pabrika. Karamihan sa kanila ay nag-oorganisa sa mga tabing pabrika at sa mga komunidad sa paligid.

Suporta sa armadong pakikibaka. Isa sa pangunahing gawain ng mga sangay at rebolusyonaryong unyon dito ang sumuporta sa armadong pakikibaka. Bawat sangay ay may sinusuportahang larangang gerilya sa mga rehiyong pinakanangangailangan ng tulong. Tuluy-tuloy silang nagpapalitaw ng materyal na suporta, kabilang ang mga baril, bala at iba pang kagamitang militar. Subalit pinakamahalaga pa ring ambag ng rebolusyonaryong kilusang manggagawa rito ang ilampung bagong mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan na napalilitaw nila taun-taon.

Kamakailan, marami sa daan-daang kontraktwal na manggagawang sinipa sa trabaho ang nagpasyang tumungo na sa kanayunan at sumapi sa BHB.

Dalawa lamang ang mga pabrikang ito sa marami pang pabrika sa buong kapuluan na pinagmumulan ng batayang lakas ng Partido at rebolusyonaryong kilusan.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Oktubre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Gloria Macapagal-Arroyo, numero unong ipokrita

Igiit at ipagtanggol ang ligal at demokratikong pakikibaka ng mamamayan
Pagmasaker sa apat na aktibista sa Compostela Valley, mariing kinundena
Sa Ilocos-Cordillera
Mga kasinungalingan ng AFP, binatikos ng BHB

Milyun-milyong pisong nakawan sa PAGCOR
Lumalakas, lumalawak ang rebolusyonaryong unyonismo
Gera ng mga tribo at ang bodong sa Cordillera
Sa Ibayong Dagat:
Tunggalian sa Middle East

US at Israel, umaani ng malawak na pagkundena

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.