Pagsuspinde ng GRP sa usapang pangkapayapaan, binatikos ng NDFP
Sinuspinde ng GRP nitong Hunyo 14 ang pakikipag-usap nito sa NDFP bilang protesta diumano sa pagpaparusa ng BHB sa pusakal na pasista at kontra-rebolusyonaryong si dating Col. Rodolfo Aguinaldo (tingnan ang kaugnay na balita sa "Bwitre ng Cagayan"). Sa pamamagitan ng magkahiwalay na mga pahayag nina Luis Jalandoni (tagapangulo ng NDFP panel) at Jose Ma. Sison (punong pampulitikang konsultant ng NDFP), mariing binatikos ng NDFP ang makaisang-panig at di rasonableng hakbangin ng GRP.
Sinabi ni Jalandoni na ang pagsuspinde ng GRP sa usapang pangkapayapaan sa ngalan ng manonortyur na si Aguinaldo ay isang gahiganteng kabalintunaan. Si Aguinaldo ay nasa talaan ng Amnesty International bilang isang nangungunang manonortyur sa Pilipinas. Dahil sa iresponsableng hakbanging ito ng negotiating panel ng GRP, sinabi ni Sison na �handa ang NDFP na itigil ang pakikipag negosasyon sa GRP hanggang matapos ang paghahari ng pang kating Macapagal-Arroyo.� |
Idiniin ni Jalandoni na ang paggigiit ng NDFP sa implementasyon ng CARHRIHL ay nakabatay mismo sa "kahiya-hiyang kawalang-kakayahan o pagtanggi ng GRP na parusahan o sagkaan ang mga tauhan nitong lumalabag sa mga karapatang-tao at internasyunal na makataong batas". Ang GRP, ani Jalandoni, ay nabigo o tumangging gawaran ng katarungan ang halos 10,000 biktima ng diktadurang Marcos na nanalo sa isinampa nilang kaso sa US federal court sa Hawaii. "Sa kaso ni Aguinaldo, ang daan-daang biktima ng kanyang sadistikong kahayupan ay naghintay nang halos 30 taon bago matugunan ang kanilang mga hinaing."
Sinabi ni Jalandoni na sa kabila ng pagkakaroon ng katayuang sibilyan ni Aguinaldo nitong huling mga taon, nagpatuloy ito sa mga gawaing militar. "Namayagpag siya habang lulan ng mga armored personnel carrier, nagrekrut ng mga elemento sa notoryus na paramilitar na CAFGU at ginamit ang mga ito bilang sariling pribadong hukbo. Nagpatuloy siya sa gawaing paniktik. Bukod rito, sangkot siya sa iligal na droga, pagbibigay-proteksyon sa mga iligal na magtotroso at isa siyang kinatatakutang political warlord".
Kaugnay nito, sinabi ni Sison sa kanyang pahayag na ang ginawa ng negotiating panel ng GRP ay naglalatag ng katwiran para sa pagwawasak sa buong pakikipagnegosasyong pangkapayapaan sa NDFP.
Ani Sison, "kung iniisip ng GRP na ang pagtatanghal nito sa berdugo at manonortyur na si Aguinaldo bilang isang martir at santo ay mabuting dahilan para itigil ang pag-uusap, ano ang makapipigil sa NDFP na igiit muna ang katarungan para sa mga naging biktima ni Aguinaldo at para sa napakaraming iba pang biktimang naging desaparesido, mga tinortyur at pinaslang, mga biktima ng arson at sapilitang pagpapalikas sa ilalim ng iba't ibang rehimen ng GRP bago ito pumasok sa negosasyong pangkapayapaan?"
Kung magdedeklara ng tig-iisang araw man lamang na pagsuspinde ang NDFP para sa bawat isa sa daan-libong kataong nilabag ang karapatan sa ilalim ng rehimeng Marcos hanggang sa rehimeng Macapagal-Arroyo, aniya, walang magaganap na usapang pangkapayapaan kahit malaon nang lipas ang paghahari ni Macapagal-Arroyo.
Dahil sa iresponsableng hakbanging ito ng negotiating panel ng GRP, sinabi ni Sison na "handa ang NDFP na itigil ang pakikipagnegosasyon sa GRP hanggang matapos ang paghahari ng pangkating Macapagal-Arroyo." Idiniin niya na ang sosyo-ekonomiko at pampulitikang krisis ng naghaharing sistema ay napakapaborable para sa pagsusulong ng digmang bayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya.
Samantalang sinuportahan ng mga militarista ang suspensyon ng pag-uusap, binatikos ito ng mga progresibong pwersa at lahat ng mga interesado sa pagkamit ng kapayapaan. Ang pag-uwi ng negotiating panel ng GRP noong Hunyo 16 ay sinalubong ng mga aksyong protesta sa Ninoy Aquino International Airport.
Sa harap ng mga pagbatikos na ito, binawi ng GRP kinabukasan ang pagsuspinde sa pag-uusap. Ayon kay Silvestre Bello III, pinuno ng negotiating panel ng GRP, "ini-recess" lamang nila nang dalawang buwan ang pag-uusap at itutuloy ito sa Agosto.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|