Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Ang CIA, ang yaman ng mga Marcos at iba pang katiwalian sa likod ng pagbaligtad ni Salonga

 Read this article in English

Mula nang pinamunuan ni Salonga ang Presidential Commission on Good Government sa ilalim ng rehimeng Aquino, bumaligtad na siya sa dating pusisyon laban sa mga krimen ni Marcos. Nakinabang nang malaki si Salonga�at ang kanyang opereytor na anak na si Steve�sa PCGG, na naatasang bawiin ang mga nakaw na yaman ng mga Marcos. Nasangkot din sila noong panahon ng gubyernong Aquino at Ramos sa mga lihim na pakikipagkasundo kay Lucio Tan, kaugnay ng pagbabawas sa buwis na dapat bayaran nitong huli. Kaya hindi malayong may dumapo muli sa kanyang maruruming kamay na kabayaran mula sa mga Marcos kapalit ng pag-abswelto niya sa kanila.

Bago pa kay Salonga, si Gregg Jones, isang ahenteng eksperto sa psywar at upahang manunulat ng CIA ay naglabas ng isang anti-komunistang libro tungkol sa rebolusyonaryong kilusan sa bansa. Sa pamamagitan ng kanyang "The Red Revolution", binigyang-buhay niya ang bigong pagsisikap ni Marcos na baligtarin ang husga ng kasaysayan. Layunin ng US sa likod nito na mas mahigpit na pagkaisahin ang mga reaksyunaryong naghaharing uri sa paglaban sa Partido at sa rebolusyonaryong kilusang pinamumunuan nito.

Makabuluhan sa imperyalismo at sa naghaharing uri ang ginawang pagbaligtad ng paninindigan ni Salonga. Kabilang si Salonga sa mga nasaktan sa masaker sa Plaza Miranda at anumang sabihin niya ukol dito � gaano pa man kabuway ang batayan at gaano pa man kahungkag � ay nabibigyan ng kredibilidad. Nagsisilbi ito sa plano ng US na gawing lehitimo ang rehabilitasyon ng mga Marcos at ng kanilang yaman at pawiin ang isa sa pinakamalaking balakid sa pagkakaisa ng mga naghaharing uri sa bansa.

 


Previous articleBack to topNext article

31 Hulyo 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ang pagbabaligtad ng hatol sa mga pasistang krimen ng diktadurang Marcos

Ang CIA, ang yaman ng mga Marcos at iba pang katiwalian sa likod ng pagbaligtad ni Salonga
Mga Pangyayari noong Agosto 21 at Agosto 23, 1971:
"Tumatahak sa landas ng diktadura-militar" - PKP

Mga kasinungalingan ng mga "testigo" nina Marcos, Gregg Jones at Salonga kaugnay ng pagbomba sa Plaza Miranda
Ilang sipi mula sa sinumpaang salaysay ni Manuel Reyes Bogtong ng Presidential Security Unit (March 14, 1989)
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.