|
|
Tatlong tropa ng 80th IB ng Philippine Army ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dating Pulang mandirigma na si Armando dela Cruz noong Enero 28 sa Sityo Angelo, Barangay Lumutan, Tanay, Rizal. Nangyari ito habang nasa kalagitnaan ng kanilang operasyong militar ang mga sundalo. Nakilala ang tatlong pinatay na sina Cpl. Lacambra, PFC Morales at PFC Jobelado. Si dela Cruz ay mapayapang namumuhay sa kanilang lugar nang siya ay pwersahang pasukuin ng militar noong 2003. Ginawa siyang giya sa mga operasyong militar laban sa BHB. Labag ito sa kanyang kagustuhan dahil nagdudulot lamang ng kapinsalaan sa buhay at kabuhayan ng mga magsasaka at katutubo ang mga operasyong militar na ito, ayon kay Armando �Ka Ruben� Guevarra, tagapagsalita ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC) ng BHB-Rizal. Labis din ang pang-aabusong dinanas ni dela Cruz sa kamay ng mga abusadong militar sa pangunguna ng kanyang handler na si Cpl. Lacambra. Dahil dito, nagpasya siyang tumakas. Binaril niya ang tatlong sundalo nang isama siya sa operasyon at agad siyang umugnay sa BHB, bitbit ang mga armas ng tatlong tropa. Sa ngayon ay nasa pangangalaga siya ng BHB at nasa teritoryong saklaw ng demokratikong gubyernong bayan, ligtas sa operasyon ng militar. Ayon sa NAAC, ang pagpatay ni dela Cruz sa tatlong elemento ng militar ay patunay na bigung-bigo ang AFP sa layunin nitong kabigin ang mga damdamin at isipan ng mamamayan.
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|