Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Ka Bert Olalia�dakilang bayani ng uring manggagawa

 Read this article in English

Ginunita noong Agosto 5 ang sandantaong anibersaryo ng kapanganakan ni Felixberto �Ka Bert� Olalia, isang mahusay na komunista, palabang unyonista, beterano ng militanteng kilusang paggawa sa Pilipinas at tagapagtatag ng Kilusang Mayo Uno (KMU).

Sinalamin ng buhay ni Ka Bert kapwa ang mga pasakit na dinanas at mga tagumpay na natamo ng kilusang paggawa sa bansa.

Ipinanganak siya sa isang maralitang pamilya sa Tarlac noong Agosto 5, 1904 at nagsimulang maghanapbuhay sa

edad na 16. Una siyang nagtrabaho sa isang pabrika ng sapatos sa Maynila kung saan niya pinangunahan ang pagtatayo ng unyon para maipaglaban ang mas makataong kalagayang paggawa para sa mga manggagawa. Itinatag niya noong 1920 ang Uni�n de Chineleros y Zapateros de Filipinos, ang isa sa pinakaunang unyong pang-industriya sa bansa. Nagsilbi siyang kalihim nito mula 1920 hanggang 1925 at presidente mula 1925 hanggang 1940.

Mula�t sapul, hindi ihiniwalay ni Ka Bert ang kanyang pagiging unyonista sa paglahok sa pangkalahatang demokratikong kilusang nagtataguyod sa interes at kapakanan ng nakararaming mamamayang pinagsasamantalahan at inaapi. Noong 1939, naging pangkalahatang kalihim siya ng Katipunan ng mga Anakpawis sa Pilipinas kung saan niya nakasama si Ka Crisanto Evangelista at iba pang makabayang lider na lumalaban para sa independensya laban sa kolonyalismong Amerikano.

Nang sumalakay ang mga imperyalistang Hapon, naging kumander si Ka Bert ng Hukbong Bayan Laban sa Hapon sa Manila Capital Region. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama siya sa mga nagtatag ng Congress of Labor Organizations, ang noo�y pinakamalaki at pinakamalakas na pederasyon. Kaanib dito ang malalaking unyon sa mga pribadong kumpanya at tanggapan ng gubyerno tulad ng Meralco, Nawasa, National Development Corporation, Manila Railroad and Railways at Engineering Island. Naging presidente rin siya ng Katipunan ng mga Kaisahang Manggagawa (KKM). Sa unang National Labor-Management Conference na ginanap noong Hulyo 1951, siya ang nagsilbing kinatawan ng sektor ng paggawa.

Binuwag ang KKM nang arestuhin si Ka Bert noong 1951 sa malawakang kampanyang panunupil laban sa militanteng unyonismo. Kabilang din sa mga dinakip at ikinulong si Ka Amado V. Hernandez.

Nang palayain si Ka Bert noong 1954, itinatag niya ang Confederation of Labor in the Philippines.

Muli siyang dinakip at ikinulong noong 1956 sa kasong rebelyon. Sa kabila ng gayong mga panggigipit ng estado, nagpursigi siya sa pag-oorganisa sa mga manggagawa. Di nagtagal pagkalaya niya, itinatag niya noong 1957 ang National Federation of Labor Unions (NAFLU). Naging pangalawang tagapangulo siya ng Katipunan ng Manggagawang Pilipino noong 1959, bise-presidente ng Lapiang Manggagawa noong 1962 at tagapangulo ng Malayang Samahang Magsasaka noong 1964. Naging aktibo rin siya sa Movement for the Advancement of Nationalism noong 1966.

Nang ipataw ang batas militar noong 1972, muling dinanas ni Ka Bert at ng militanteng unyonismo ang kamay na bakal na nagbawal sa lahat ng unyon at pagwewelga. Dinakip si Ka Bert noong Oktubre 1972 at mahigit apat na buwang ikinulong sa kasong subersyon. Sa kabila nito, matapang siyang nanindigan para sa kapakanan di lamang ng mga manggagawa kundi ng lahat ng mamamayang nagnanais ng kalayaan at demokrasya. Naging bahagi siya ng Komiteng Tagapagpaganap ng National Democratic Front (NDF) noong maagang bahagi ng dekada 1980. Naging kasapi rin si Ka Bert ng muling itinatag na Partido Komunista ng Pilipinas.

Noong 1980, matapos ang halos isang dekadang pamumuno sa pagsisikap ng militanteng kilusang paggawa na sumulong sa kabila ng matinding pasistang teror, pinamunuan ni Ka Bert ang mapangahas na pagtatatag ng KMU. Puong libong manggagawa at iba pang sektor ang sumuway sa mga restriksyong ipinataw ng diktadurang Marcos at nagtipon sa Araneta Coliseum sa Quezon City para pagtibayin ang pagtatatag ng patriyotiko at militanteng sentro ng paggawa. Mula noon, epektibong nakapamuno ang KMU sa pagpapalakas at pagsusulong ng tunay, militante at makabayang kilusang paggawa sa Pilipinas.

Nagimbal ang diktadura sa ipinamamalas na tapang at pagkakaisa ng organisadong paggawa kasama ang buong nakikibakang sambayanan. Di nagtagal ay muling tinangka ng rehimeng Marcos na bigwasan ang militanteng kilusang paggawa. Inaresto si Ka Bert at iba pang militanteng lider-manggagawa noong Agosto 13, 1982 sa kasong sedisyon at subersyon.

Sa kanyang edad at maselang kalusugan, ibinartolina ng rehimen si Ka Bert, bagay na hindi na nakayanan ng kanyang katawan. Lumala ang kanyang sakit sa puso at namatay siya sa kumplikasyong pulmonya noong Disyembre 4, 1983, sa ikawalong buwan ng kanyang pagkakakulong.

Isang araw bago siya pumanaw, nagawa pa niyang magpaabot ng mensahe sa mga manggagawang nagrarali sa Plaza Miranda. Sa kabila ng kahinaan ng kanyang katawan, ramdam sa kanyang mensahe ang sigla ng kanyang palabang diwa at ang makauring pagkamuhi para sa mga nagpiit sa kanya at sumisiil sa mamamayan. Ang lipunang Pilipino sa ilalim ng diktadurang US-Marcos, aniya, ay isang malaking bartolina. Ang mamamayan ay busabos, pinagsasamantalahan at pulubi. Mas mapalad pa, ani Ka Bert, ang mga alagang aso at tuta ni Irene Marcos, (anak ng diktador), dahil nakakakain sila sa oras, naipapagamot at nakatira pa sa palasyo.

Kung nabubuhay pa ngayon si Ka Bert, tiyak na nasa unahan pa rin siya ng mga pakikibaka ng uring manggagawa at iba pang pinagsasamantalahan at inaaping mamamayan, laluna�t walang sintindi ang atake ng estado ngayon sa kanilang karapatan at kagalingan.

Halos lahat ng ipinaglaban ni Ka Bert at ng militanteng kilusang unyon, tulad ng pagpapaikli sa oras ng paggawa mula 12 tungong walong oras, ang Magna Carta of Labor, ang Women and Child Labor Law, ang Minimum Wage Law at iba pa ay ibinasura na ng papet at reaksyunaryong estadong instrumento ng mga dayong kapitalista at lokal na burgesyang kumprador.

Sa sandaantaong anibersaryo ng kapanganakan ni Ka Bert at dalawang dekadang nagdaan mula sa kanyang pagpanaw, ang palabang diwa at pamana ni Ka Bert ay nananatiling buhay na buhay sa militanteng kilusang paggawa na nagpupunyagi sa laban ng uring manggagawa para sa kagyat na pagpapalaya ng kanilang uri at ng buong sambayanang Pilipino mula sa dayuhan at lokal na pagsasamantala at pang-aapi at para sa sosyalismo.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Agosto 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Tinatahak ng AFP ang landas ng kabiguan

Matinding korapsyon sa AFP
Ang garapal na pagpatay kay Jessica Chavez
Mga Ulat Koresponsal:
Pananaig ng rebolusyonaryong kilusan sa Southern Tagalog

Pagpapaigting ng pampulitikang interbensyon ng US sa bansa:
Paggamit sa prosesong pangkapayapaan

Tumitinding pakikibakang unyon sa SMC
Ka Bert Olalia�dakilang bayani ng uring manggagawa
Matatagumpay na opensiba ng BHB
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.