![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Mula Nobyembre 2002, puspusan nang nilalabanan ng mga domestic helper (DH) sa Hongkong na galing sa Pilipinas, Thailand, Sri Lanka, Nepal at Indonesia ang pinakabagong kontra-manggagawang pakana ng gubyerno rito. Sa panahong ito, binalak ng Hongkong na simulan ang pagpapataw ng HK$500-750 (P3,250-P4,875 sa palitang P6.50=HK$1) buwis sa sahod ng mga DH. Noong Disyembre, mahigit 5,000 DH mula sa 100 grupo ng mga migranteng Asyano ang nagmartsa sa mga lansangan ng Hongkong. Nangako ang mga DH na masusundan pa ito ng mas malaki, mas madalas at mas malawak na mga protesta kung hindi iaatras ng gubyerno ng Hongkong ang panukala. Pinangunahan ito ng Asian Migrants Coordinating Body at United Filipinos in Hongkong. Mariing tinututulan ng mga DH ang panukala dahil lalo lamang nitong kakainin ang kakarampot na sahod na tinatanggap nila kapalit ng halos 24-oras, pitong-araw na serbisyo nila sa mga pamilya ng Hongkong. Sa isang pag-aaral na isinagawa ng Mission for Filipino Migrant Workers (MFMW), sa kabuuang HK$3,670 hanggang HK$4,119 na tinatanggap ng ordinaryong DH, 66% (P15,971) nito ay ginagastos ng mga DH para sa kanilang mga pinansyal na pangangailangan sa loob ng Hongkong. (Tingnan ang tsart) Saan napunta ang sahod?
Pinagkunan: Mission for Filipino Migrant Workers Aabot lamang sa HK$1,278.35/buwan (P8,307) o HK$42.91/araw (P278.90) ang regular na naipapadala ng isang DH sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Napakaliit nito kumpara sa mahigit P500/araw o P15,000/buwan na pangangailangan ng isang pamilya sa Pilipinas. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|