Ang unos ng paglaban sa globalisasyon
Puu-puong libong mamamayan sa buong mundo ang nagprotesta kasabay ng pagpupulong ng World Trade Organization (WTO) noong Disyembre 1 sa Seattle, Washington sa United States. Niyanig ng protesta ang Seattle, ang London sa United Kingdom at ang iba�t ibang mga sentrong lunsod sa Europa, Amerika Latina at Asya kabilang na ang Maynila. Ang mga nagpuprotesta ay sinalubong ng kamay na bakal ng mga reaksyunaryo sa desperasyong itaguyod at ipagtanggol ang �globalisasyon� at pangalagaan ang interes ng malaking monopolyong kapital.
Kapugay-pugay ang ipinamalas na tapang at militansya ng mga nagprotesta laluna ang mga manggagawa at mamamayang Amerikano at ang anti-WTO na delegasyong internasyunal na tumindig sa harap ng panunupil ng mga National Guards ng US sa Seattle. Sa kabila ng todong paggamit ng tirgas, pepper spray, armalayt at rubber bullets upang supilin ang protesta, di nabuwag ang hanay ng nagngangalit na mamamayan at sa halip ay lalong nag -ipon ng lakas sa protestang nagtagal ng apat na araw.
Tanda ng nag-aalimpuyong galit sa iba�t ibang panig ng daigdig ang mga protestang ito laban sa �globalisasyon�. Nasa gulugod nitong protestang anti-�globalisasyon� at anti-WTO ang mga manggagawa sa mga bansang industriyal at ang mga anakpawis ng mga bansa ng Ikatlong Daigdig na pawang biktima ng mga patakaran ng mababang sahod, liberalisasyon, kumbersyon ng mga lupain, pribatisasyon at iba pang kaakibat ng �globalisasyon�. Kabilang din sa hanay ng mga lumalaban sa WTO at �globalisasyon� ang iba�t ibang mga panggitnang pwersa at grupong petiburges na tumutuligsa sa pagyurak sa edukasyon, kapaligiran, karapatang-tao at iba pang mga lehitimong interes.
Ang nagpapatuloy na kampanya ng malalaking monopolyong kapitalista na alisin ang lahat ng restriksyon para mabigyan ng buong laya ang kanilang mga operasyon laluna sa mga bansang malakolonyal ay patuloy na lumilikha ng mga kundisyong nakapananalasa sa mga anakpawis. Mabilis na nalalantad ang kahungkagan ng ipinagmamalaking �pag-unlad� na idudulot ng �globalisasyon�. Mabilis ding napupukaw ang mamamayan sa buong mundo na tumindig at labanan ang liberalisasyon, pribatisasyon, deregulasyon at denasyunalisasyon at ang mga kaakibat na patakarang nagpapahirap at nangaapi sa kanila.
Mataba ang lupa upang mabilis na umusbong muli at sumulong ang militanteng kilusang antiimperyalista sa buong daigdig. Tungkulin ng proletaryado na tipunin dito ang pinakamalawak na hanay ng mamamayan at magsilbing gulugod at gabay nito.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|