Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga pagkilos sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa

 Read this article in English

Muling ipinakita ng proletaryado sa buong mundo ang kanilang makauring pagkakaisa at lakas nitong Mayo 1. Sa iba't ibang dako ng daigdig, bumuhos ang mga manggagawa sa lansangan, kasama ang iba pang inaaping uri at sektor sa kani-kanilang mga bansa, dala-dala ang mga makauri, demokratiko at patriyotikong kahilingan ng mamamayan at paglaban sa imperyalismo at lokal na reaksyon.

Sa Cuba: Mahigit isang milyong mamamayan ang bumuhos sa sentro ng Cuba upang makiisa sa panawagan ng gubyernong Castro laban sa panggigipit at pang-aapi ng imperyalismong US sa kanilang bansa.

Russia: Daan-daang libong Ruso ang sumali sa mga martsa at rali sa iba't ibang bahagi ng bansa, dala-dala ang mga pulang bandila at iba pang simbolo ng maningning na kasaysayan ng sosyalismo sa bansa. Sa Moscow, hindi bababa sa 140,000 ang sumali sa demonstrasyon laban sa kapitalistang sistema sa bansa.

Turkey: Ilampung libo ang bumuhos sa lansangan ng Istanbul upang kundenahin ang mga pang-ekonomyang patakarang dikta ng IMF na ipinatutupad ng gubyerno roon. Kinundena rin nila ang terorismo ng Israel laban sa mamamayang Palestino. Sa silangang bahagi ng Turkey, marahas na binuwag ng mga pulis ang rali.

Italy: Hindi bababa sa 75,000 myembro ng mga unyon ang sumali sa rali sa Bologna. Habang may dalang pulang mga bulaklak, nanawagan sila "para sa kapayapaan, trabaho, pagtatanggol ng mga karapatan at laban sa terorismo".

Spain: Umabot sa 60,000 manggagawa ang sumali sa rali sa Madrid na pinamunuan ng iba't ibang grupo sa paggawa. Paghahanda ito para sa pangkalahatang welga sakaling bawiin ng gubyerno ang mga panlipunang seguro para sa mga walang trabaho.

Indonesia: Libu-libong manggagawa ang bumuhos sa lansangan upang ipanawagang kilanlin ng gubyerno ang Araw ng Paggawa, igiit ang mas mataas na minimum na sahod at ipatigil ang idinikta ng IMF na pag-aalis ng mga subsidyo sa langis at kuryente.

Croatia: Limang libong manggagawa ang nagmartsa sa Zagreb upang tutulan ang plano ng gubyerno na bawasan ang mga karapatan sa paggawa.

Greece: Sa Athens, bilang protesta sa pananalakay ng Israel sa Palestine, sinunog ng 3,000 manggagawa ang mga effigy nina Israel Prime Min. Ariel Sharon at US Pres. George W.Bush.

Hong Kong: Mahigit 500 piloto ang nagmartsa sa lansangan, kasabay ng mga manggagawang Pilipino roon, upang igiit ang pagkakaroon ng minimum na sahod at iprotesta ang papaliit na halaga ng kanilang sahod sa harap ng papalaking tubong kinakamal ng mga kumpanya sa airlines doon.

 


Previous articleBack to topNext article

Mayo 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan at labanan ang tuluy-tuloy at papataas na antas ng interbensyong militar ng US sa Pilipinas

Panghihimasok ng imperyalismong US
Walang habas na paglabag sa karapatang-tao sa Sulu
Usapang pangkapayapaan, isinara ng rehimen
Samantalahin ang tumitinding mga hidwaan ng mga reaksyunaryo
Tungkol sa planong Constitutional Convention
Langis, Kuryente, Tubig:
Protesta ng mamamayan sa pagtataas ng presyo at singil

Pagpapatalsik kay Macapagal-Arroyo iginiit nitong Mayo Uno
Mga pagkilos sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa
Rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa Nepal
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.