![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Taliwas na taliwas sa ipinapakitang pagkabukas ng Palestine, patuloy na tumatanggi ang gubyernong Israeli na gumawa ng mga kinakailangang hakbangin tungo sa paglutas ng ilang dekada nang tunggaliang Palestine-Israel. (Tingnan ang kaugnay na artikulo sa nagdaang isyu ng AB.)
Ang pinakabagong "solusyong" inihahapag ng "roadmap" ay nauna nang pinagtulungang buuin ng gubyernong US at mga kinatawan ng Israel, kaya nga't sadyang napakatagibang nito kontra sa interes ng Palestine. Pinakarurok nito umano ang minimithing malayang sariling estado ng Palestine na posible umanong maitayo na sa 2005. Pero bago ito maitayo, kailangang mapunuan muna ng Palestine ang maraming napakabigat at tagibang na mga kundisyon. Mabuo man ito, isang hilaw at di-independyenteng estado ang kalalabasan dahil panghihimasukan at pagpapasyahan ng Quartet (US, United Nations, European Union at Russia�ang grupong nagbuo ng "roadmap") ang lahat ng aspeto sa pagbubuo ng estado ng Palestine: anong gubyerno ang itatayo, paano ito itatayo, sino ang ihahalal dito, paano sila ihahalal, ano ang magiging mga patakaran ng estado, paano ito pagaganahin at iba pa. Sa pamamagitan ng "roadmap" at ng Quartet, inilalatag ng US ang walang-habas na panghihimasok nito sa mga panloob na usapin sa Palestine. "Posible" umanong mas bago pa ang 2005 ay maitayo ang "independyenteng estado" ng Palestine, pero ito'y kung ganito rin kaaga matutupad ng Palestine ang lahat ng mga kundisyong nakaatang dito. Gayunman, "pansamantala" lamang ang mga hangganan ng "estado" at magkakaroon lamang ito ng "ilang katangian" (attributes) ng soberanya at mapaiilalim pa rin ito sa superbisyon ng Quartet. Sa kabilang banda, sa mga sinakop lamang mula Marso 2001 itinatakdang kagyat na dapat umalis ang mga Israeli. Ang pag-alis ng mga mananakop sa mga teritoryong inokupa mula Setyembre 2000 hanggang Marso 2001 ay dedepende umano sa "security performance" o pagtugon ng Palestine sa kundisyong magdisarma. Bukod rito, walang malinaw na probisyong nagtatakda sa Israel na ibalik sa Palestine ang mga teritoryong sinakop bago ang Setyembre 2000. Pinalalabas ng "roadmap" na ang aksyon ng mga pwersang militar ng Israel ay pagdepensa-sa-sarili at reaksyon lamang sa pagkilos ng mga Palestino. Walang pagkilala sa katotohanan na ang marahas, iligal at imoral na okupasyon ng Israel sa Palestine ang nagbunsod sa mga Palestino na ipaglaban ang kanilang mga karapatan. ![]()
|
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|