![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Mahigit 500,000 drayber sa 24 prubinsya Naglunsad naman ng mga suportang kilos protesta sa iba't ibang "strike centers" ng mga nagwewelgang drayber ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Bayan Muna, Anak Pawis, Gabriela Women's Party, Migrante at Anak ng Bayan. Iginigiit ng mga drayber ang P1.50 dagdag sa pasahe at pag-atras sa presyo ng langis. Bunga ng kanilang pagkilos, napilitang magbigay ng pisong diskwento nitong Marso 5 ang Petron, Shell at Caltex kada litro ng krudo sa mga istasyon ng gasolina sa Metro Manila at mga prubinsya. Nakukulangan ang mga tsuper sa napakaliit at temproraryo lamang na diskwentong napiga mula sa mga kumpanya ng langis sa presyo ng krudo. Mula nang ipatupad ang deregulasyon sa presyo ng langis noong Abril 1996 hanggang nitong umpisa ng 2004, nagkaroon ng 58 ulit na pagtataas sa presyo ng langis na nagresulta sa 224% abereyds na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Samantala, ipinako ng gubyerno ang pasahe, kaya't solong binabalikat ng mga tsuper ang pagtaas sa presyo ng krudong konsumo nila at tuluy-tuloy na lumiit ang kanilang kita. Ayon sa IBON Databank, ang gastos kada araw para sa isang karaniwang pamilya sa Metro Manila ay mahigit P560 samantalang kumikita lamang ang isang tsuper ng P160 sa bawat 12 oras na pasada. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|