Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Maghanda laban sa ibayong panghihimasok militar ng US, paigtingin at isulong ang digmang bayan

 Read this article in English

Mensahe sa ika-33 Anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan

Ni Armando Liwanag
Tagapangulo
Komite Sentral
Partido Komunista ng Pilipinas

Sa ika-33 anibersaryo ng pagtatatag ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), nagpupugay tayo sa lahat ng Pulang kumander at mandirigma at pinararangalan ang lahat ng mga rebolusyonaryong martir at bayani sa lahat ng kanilang masikhay na pakikibaka at mga sakripisyo sa paglilingkod sa bayan.

Ang Bagong Hukbong Bayan ay nagsisilbi ngayong maningning na rebolusyonaryong instrumento ng proletaryado at mamamayan para agawin ang kapangyarihang pampulitika at ipagtanggol ang mga demokratikong organo ng kapangyarihang pampulitika. Tinitiyak ng hukbong bayan ang pag-unlad ng demokratikong gubyernong bayan sa kanayunan kahit habang nakatrentsera pa ang mga reaksyunaryo sa kalunsuran.

Mahigit tatlong siglong lumaban ang sambayanang Pilipino upang lumaya mula sa kolonyal na paghaharing Espanyol. Mahigit isang siglo na nilang nilalabanan ang imperyalistang dominasyon ng US at mga lokal na reaksyunaryo at ipagpapatuloy nila ito.

Sa nakaraang 33 taon, inaruga at pinaunlad nila ang sariling rebolusyonaryong hukbo. Ito ay hukbong namumukod sa pagbigo sa mga pagtatangka ng imperyalismong US at mga lokal na reaksyunaryo na supilin ang rebolusyon. Kabilang ito ngayon sa pinakamahuhusay na hukbong bayan sa daigdig.

I. Mga tagumpay ng Bagong Hukbong Bayan

Binabati natin ang Bagong Hukbong Bayan sa lahat ng tagumpay sa pulitika, militar at organisasyon na nakamit nito sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas sa demokratikong rebolusyong bayan laban sa imperyalismong US at mga lokal na mapagsamantalang uring malalaking kumprador at panginoong maylupa.

Binabati natin ang Bagong Hukbong Bayan sa lahat ng tagumpay sa pulitika, militar at organisasyon na nakamit nito sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas sa demokratikong rebolusyong bayan laban sa imperyalismong US at mga lokal na mapag-samantalang uring malalaking kumprador at panginoong maylupa.

Ang mga tagumpay na ito ay bunga ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto at ng muling pagpapatibay sa pangkalahatang linya ng bagong demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan laban sa naghaharing sistemang malakolonyal at malapyudal. Ang perspektiba ay ipundar at itayo ang sosyalismo sa Pilipinas hanggang magapi na ng sangkatauhan ang imperyalismo at maabot ang pinakalayuning komunismo.

Nabigo at nagapi ng kilusang pagwawasto ang mga kontrarebolusyonaryong opensiba ng mga imperyalista at lokal na reaksyunaryo, mga ayaw magwastong "Kaliwa" at Kanang oportunista, rebisyunista at likidasyunista at lahat ng klase ng anti-komunistang petiburges, kabilang ang burges liberal, populista, Trotskyista at iba pa.

Ang iilang ayaw magwastong oportunista at rebisyunista at mga pusakal na kriminal, lalo na yaong mga responsable sa madudugong witch hunt (pagtugis sa pinaghihinalaang mga espiya) at malalalang kaso ng pagnanakaw ng pondo ay naitiwalag na sa rebolusyonaryong kilusan at ilan sa kanila ay lumantad na bilang mga taksil sa rebolusyonaryong adhikain sa pamamagitan ng hayagang pagiging mga ahente ng reaksyunaryong gubyerno, laluna sa mga ahensya ng psywar at paniktik.

Salamat sa kilusang pagwawasto, nagkamit ang mamamayan at mga rebolusyonaryong pwersa ng madadagundong na tagumpay sa lahat ng anyo ng pakikibaka, ligal at iligal, armado at di armado. Ang pinakamahahalagang tagumpay ay nasa ibayo pang pagbubuo ng hukbong bayan at pagsusulong ng digmang bayan. Ang mga pagsulong ng hukbong bayan ay nagbibigay-katiyakan sa mga pagsulong ng buong rebolusyonaryong kilusang masa.

Sa pagtahak sa kasalukuyang yugto ng estratehikong depensiba, naglulunsad ang BHB ng malaganap at masinsing pakikidigmang gerilya batay sa papalawak at papalalim na baseng masa. Ang integral na kumbinasyon ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka, reporma sa lupa at pagtatayo ng baseng masa (kabilang ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika at mga organisasyong masa) ay nakapaglatag ng matatag na batayang antipyudal ng bagong demokratikong rebolusyon sa pamumuno ng proletaryado.

Umaabot sa libu-libo ang kabuuang bilang ng mga Pulang mandirigma, katumbas ng ilang rehimyento o brigada. Lumaki ito nang 222% mula 1980 hanggang 2001 at nang 53% mula 1994 hanggang 2001. Ang bilang ng matataas na kalibreng riple ay umaabot din sa libu-libo at lumaki nang 197% mula 1980 hanggang 2001.

Ang proporsyon ng mga Pulang mandirigma sa malalakas na riple ay 1.5 sa bawat isa (1.5:1). Ang mga pultaym na Pulang mandirigma ng BHB ay dinaragdagan ng mga yunit milisya na tumatayong lokal na pwersang pulis ng rebolusyonaryong gubyerno at nagsisilbing suporta at reserbang pwersa ng hukbong bayan. Dinaragdagan pa sila ng mga yunit sa pagtatanggol-sa-sarili na binubuo ng lahat ng kalalakihan at kababaihang may mahusay na pangangatawan sa mga organisasyong masa.

Napaunlad ng Partido ang kilusang masa kapwa sa kanayunan at kalunsuran. Mula sa kilusang masa sa kanayunan humahango ang BHB ng mga Pulang mandirigma, na karamiha�y magsasaka. Mula sa kilusang masa sa kalunsuran, naaakit ng BHB ang mga manggagawa at mga kabataang nakapag-aral upang magserbisyo sa hanay nito at sa mamamayan sa kanayunan.

Upang palakihin ang sinasabi nitong tagumpay laban sa hukbong bayan noong ikalawang hati ng dekada 1980, pinalolobo ng kaaway sa 25,000 ang bilang noon ng mga Pulang mandirigmang may malalakas na riple. Hindi totoo ang bilang na ito. Hindi humigit sa 6,000 ang mga riple ng BHB noong 1985 bago pa man matasa ang pinsala-sa-sarili na dulot ng Kampanyang Ahos sa Mindanao.

Ang panlabang kakayahan ng mga pultaym na Pulang mandirigma ay dapat pinunan ng mga lokal na milisya, mga yunit sa pagtatanggol-sa-sarili at ng baseng masa sa kabuuan. Sa halip, pinahina ito ng linya ng "estratehikong kontra-opensiba", ng linya ng "Pulang Purok-Puting Purok" sa Mindanao at iba pang "Kaliwang" oportunistang tunguhin sa iba�t ibang rehiyon sa iba�t ibang panahon.

Sadyang nakaugnay ang paglawak ng BHB sa paglawak ng Partido. Ipinakikita ng pinakahuling datos na ang Partido ay lumawak nang 235% mula 1980 hanggang 2001 at nang 129% mula 1994 hanggang 2001. Sa bawat Pulang mandirigma, may 3.5 kasapi ng Partido na nasa loob at labas ng mga larangang gerilya.

Napaunlad ng Partido ang kilusang masa kapwa sa kanayunan at kalunsuran. Mula sa kilusang masa sa kanayunan humahango ang BHB ng mga Pulang mandirigma, na karamiha�y magsasaka. Mula sa kilusang masa sa kalunsuran, naaakit ng BHB ang mga manggagawa at mga kabataang nakapag-aral upang magserbisyo sa hanay nito at sa mamamayan sa kanayunan.

Kumikilos ngayon ang BHB sa 128 larangang gerilya. Sumasaklaw ang mga ito sa 823 o 54% ng kabuuang bilang ng mga bayan at lunsod sa Pilipinas. Saklaw nito ang 8,500 baryo o 18% ng kabuuang bilang ng mga baryo sa Pilipinas. Ang bilang ng mga baryong nakikilusan ng BHB ay lumaki nang 71% mula 1980 hanggang 2001 at nang 28% mula 1994 hanggang 2001.

Lumaki nang 71% ang kasapian ng mga organisasyong masa (organisadong baseng masa) mula 1980 hanggang 2001 at nang 235% mula 1994 hanggang 2001. Gayunman, naghuhumiyaw ang pangangailangang palakihin ang kasapian ng mga organisasyong masa relatibo sa mga di organisadong tagasuporta at simpatisador. Ilang ulit na mas marami ang masang tagasuporta at simpatisador kumpara sa mga naging kasapi ng mga organisasyong masa.

Karaniwang dalawang platun ng BHB ang kumikilos sa bawat larangang gerilya. Ang dati nang mga larangang gerilya ay may di kukulangin sa tatlong platun, habang mas kaunti yaong sa mga mas bago. Ang isang platun ay karaniwang sumasaklaw ng tatlong bayan at ang isang iskwad ay sumasaklaw ng humigit-kumulang 11 baryo.

Sa isang larangang gerilya, karaniwang may isang platun na nagsisilbing sentro de grabidad at isa o higit pang platun na mas nakadispers. Relatibong konsentrado ang platun na nagsisilbing sentro de grabidad upang epektibo nitong maisagawa ang mga tungkuling iniaatas dito ng kumand ng larangang gerilya.

Sa mga taktikal na opensiba, maaaring punan ng pangunahing yunit gerilya ang armadong lakas nito at pagkabihasa sa tereyn sa pamamagitan ng pagsanib sa mas nakadispers na mga sekundaryong yunit gerilya. Naisasaalang-alang sa laki at dalas ng mga taktikal na opensiba ang pangangailangang palakihin ang lakas-sandata ng BHB at palawakin at konsolidahin ang baseng masa lampas sa kakayahan ng kaaway na wasakin ito.

Naisasaalang-alang sa laki at dalas ng mga taktikal na opensiba ang pangangailangang palakihin ang lakas-sandata ng BHB at palawakin at konsolidahin ang baseng masa lampas sa kakayahan ng kaaway na wasakin ito.

Ang pinakakonsolidadong mga baryo ay may regular at halal na mga organo ng kapangyarihang pampulitikang nakabatay sa mga ganap na rebolusyonaryong organisasyong masa. Ang mga baryong mas mababa ang antas ng konsolidasyon ay may mga komiteng pang-organisa ng baryo na tumatayong hinirang na pansamantalang organo ng kapangyarihang pampulitika at mga komiteng pang-organisa at grupong pang-organisa ng mamamayan. Sa mga baryong pinalalawakan ng hukbong bayan, inaalagaan at pinauunlad ang mga lihim na kontak, grupong tagapag-ugnay at grupong pang-organisa.

Masigla at matagumpay na naisusulong ang susing kampanya sa reporma sa lupa sa mga konsolidadong lugar. Ang iba pa ay kinabibilangan ng mga kampanya sa edukasyong masa, pagpapaunlad ng produksyon sa agrikultura at suplementaryong hanapbuhay, pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan, pagsusulong ng mga aktibidad pangkultura, pagsasanay sa milisya at yunit sa depensa-sa-sarili, paglutas sa mga alitan sa hanay ng masa at iba pa.

Mahal ng mamamayan ang hukbong bayan. Ibinibigay nila ang kanilang pinakamahuhusay na anak upang maglingkod sa hukbong ito. Nag-aambag sila para sa pagmamantine at pagpapalawak nito. Tinutulungan nila ang mga pamilya ng mga Pulang mandirigma. Nadaragdagan ang kanilang pagnanais at kakayahang sumuporta sa hukbong bayan kapag nakikinabang sila sa reporma sa lupa at iba pang kampanyang masa.

Nagsasagawa ang BHB ng produksyon upang tustusan ang bahagi ng pangangailangan nito bukod pa sa mga kontribusyon ng masa. Ang pangangailangan ng BHB sa armas at iba pang kagamitang pandigma ay natutugunan sa pamamagitan ng matatagumpay na taktikal na opensiba laban sa mga pwersa ng kaaway. Ang BHB rin ang epektibong instrumento sa pagpapatupad ng patakaran sa pagbubuwis ng demokratikong gubyernong bayan.

Higit kailanman, naitaas ng Bagong Hukbong Bayan ang antas ng rebolusyonaryong kamulatan at panlabang kakayahan nito. Sa kasaysayan ng sambayanang Pilipino, kailanma�y hindi nagkaroon ng rebolusyonaryong hukbong kasingtatag, kasing-mapamaraan at kasingsigasig ng Bagong Hukbong Bayan sa pagsusulong ng digmang bayan upang lubusin ang bagong-demokratikong rebolusyon.

Nakapagkamit ang Bagong Hukbong Bayan ng mayamang karanasan at armadong lakas sa digmang bayan. Handang-handa ito laban sa mga kampanyang militar ng panunupil na isinasagawa ng lokal na mga reaksyunaryo gayundin laban sa tuwirang panghihimasok militar ng US. Nakahanda itong maglunsad ng digma ng pambansang pagpapalaya laban sa digmang pananalakay ng US.

II. Paborableng mga kundisyon sa daigdig

Ang obhetibong kalagayan sa daigdig ay napakapaborable sa pagsulong ng rebolusyong Pilipino. Napatunayang bangkarote ang pagbaling ng US sa patakaran ng globalisasyon ng "malayang pamilihan". Napalala nito ang mga problemang di nalutas ng mga imperyalista sa pamamagitan ng pagpabor sa patakarang Keynesian hanggang huling bahagi ng dekada 1970. Sa loob lamang ng dalawang dekada mula 1980, naisadlak ng kasalukuyang pagbaling sa neoliberal na patakarang globalisasyon ng "malayang pamilihan" ang pandaigdigang sistemang kapitalista sa pinakamalalang krisis mula noong Great Depression.

Sa loob lamang ng dalawang dekada mula 1980, naisadlak ng kasalukuyang pagbaling sa neoliberal na patakarang globalisasyon ng �malayang pamilihan� ang pandaigdigang sistemang kapitalista sa pinakamalalang krisis mula noong Great Depression.

Sa di pa napapantayang bilis, labis nitong naikonsentra at naisentralisa ang kapital sa pinansya sa pangunahing imperyalistang bansa, ang US. Ngunit ang bansang ito ay binabayo ngayon ng krisis sa sobrang produksyon sa lahat ng klaseng produkto at ng pagbagsak ng pinansya (financial meltdown). Mula sa pagputok ng "bulang high-tech" hanggang sa pagkabangkrap ng kumpanyang Enron, na pinakamalaki sa kasaysayan, nalantad ang oligarkiya sa pinansya ng US bilang dambuhalang manggagantsong nagnanakaw ng mga pondong pampensyon at impok ng napakaraming mamamayan.

Ang pagbagsak ng "bagong ekonomya" ng US sa nakaraang dalawang taon ay nagresulta sa laganap na pagkawasak ng ekonomya at pinansya, sa kapinsalaan ng proletaryado at mamamayan sa mismong US at sa buong daigdig. Lumubha ang malaon nang krisis sa Japan. Ang euro zone (mga bansa sa Europe na gumagamit ng salaping euro) ay dumaranas din ngayon ng masidhing krisis. Ang pinakamalubhang nabibiktima ay ang mamamayan sa ikatlong daigdig at mga bansa sa dating blokeng Sobyet.

Ang naghaharing pangkating Bush ay walang maihapag na solusyon sa lumalalang krisis liban sa dagdag pang dosis ng parehong "neoliberal" na lason, na pinatungan pa ng iskema para sa malakihang pagpapataas ng produksyong militar at gastusin ng gubyerno para sa militar at pambansang depensa. Lalong naging mapandigma at labis na mapanghinala ang US matapos ang mga atake sa World Trade Center at Pentagon noong Setyembre 11.

Para umano sa paglulunsad ng pandaigdigang gera laban sa terorismo, pinagtibay ng US ang Patriot Act at iba pang mapaniil na batas at hakbangin at itinulak ang katulad na mga pasistang batas sa buong mundo. Sinisikap ng propaganda ng US na mang-upat at magsustine ng isterya upang isulong ang pasismo at suportahan ang mga digmang agresyon ng US.

Ang malubhang krisis ng US at ng pandaigdigang sistemang kapitalista ay nagdudulot ng nakalulunos na pagdurusa sa malawak na masa ng sambayanan. Subalit ang mismong pagsidhi ng pang-aapi at pagsasamantala ay nagtutulak sa mamamayan na maglunsad ng mas maraming aksyong protesta at rebolusyonaryong paglaban.

Apat na mayor na kontradiksyon ang umiigting sa iba�t ibang bilis. Ang mga ito ay yaong sa pagitan ng mga imperyalistang kapangyarihan at mga aping bansa at mamamayan, sa pagitan ng mga imperyalistang kapangyarihan at mga bansa o estadong naggigiit ng kasarinlan, sa hanay mismo ng mga imperyalistang kapangyarihan at sa pagitan ng monopolyong burgesya at proletaryado sa mga imperyalistang bansa.

Subalit ang mismong pagsidhi ng pang-aapi at pagsasamantala ay nagtutulak sa mamamayan na maglunsad ng mas maraming aksyong protesta at rebolusyonaryong paglaban.

Sa ilalim ng mapanlinlang na islogan ng globalisasyon ng "malayang pamilihan", ang katotohana�y lumiit ang pandaigdigang pamilihan sa nakaraang dalawang dekada. Ang direktang pamumuhunan at kalakalan ay lalo pang nakonsentra sa hanay ng US, Western Europe at Japan. Umagos ang kapital mula sa kalibliban ng pandaigdigang ekonomya tungo sa mga sentrong ito ng kapitalismo, pangunahin na sa US, sa anyo ng mga iniuuwing tubo at bayad-utang.

Naganap sa Asia, Africa, Latin America at mga paurong na bansa sa dating blokeng Sobyet ang malawakang pagkawasak ng mga pwersa sa produksyon. Matagal nang ginigipit ang mga ito ng krisis ng sobrang produksyon ng hilaw na materyales at mga saligang produktong industriyal at binabayo ng papalaking panlabas na utang at lalo pa ng ispekulasyon sa salapi, sapi at bono.

Humantong na sa pagsadsad at istagnasyon ng ekonomya ang ilang "bagong nag-iindustriyalisang ekonomya" noong dekada 1970 gayundin ang ilang "umuusbong na pamilihan" noong dekada 1990 (yaong nasa produksyon ng mga mala-manupakturang pang-eksport na may mabababang dagdag na halaga o simpleng nagbebenta ng mga produktong pangkonsumo mula sa mga imperyalistang bansa sa nakatataas na 10% ng lipunan).

Mahigit 80% ng sangkatauhan ay nasa ikatlong daigdig at mga paurong na bansa ng dating blokeng Sobyet. Sila ang pangunahing hinahagupit ng malawakang disempleyo, napakababang kita, mabigat na di-tuwirang buwis at nakakukubang pasaning utang. Dinaranas nila ang pinakamasahol na kahirapan bunga ng pang-aapi at pagsasamantala ng mga imperyalista at lokal na reaksyunaryo. Nag-iibayo ang paglulunsad nila ng mga protestang masa at rebolusyonaryong paglaban.

Naglalagablab ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa Colombia, India, Mexico, Nepal, Palestine, Peru, Pilipinas, Turkey at iba pang lugar. Gayunman, sa ilang bansa, ang mga reaksyunaryong pangkatin ay mabangis na naglalabanan at nagbabandila ng pinakareaksyunaryong mga islogan -- sobinista, relihiyosong pundamentalista, tribalista o etnosentrista, rasista at mga katulad nito. Saanman lumilitaw ang mga ito, maaaring samantalahin ng mga proletaryong rebolusyonaryo ang maigting na hidwaan sa hanay ng mga reaksyunaryo upang iabante ang rebolusyonaryong kilusan.

Noong panahon ng Cold War, inarmasan at ginamit ng US ang pinakareaksyunaryong mga pwersa upang atakehin ang mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan. Ilan sa mga reaksyunaryong pwersang ito, laluna ang ilang pundamentalistang grupong relihiyoso, ay bumaling na ngayon laban sa US bilang malaking demonyo matapos mabuwag ang Soviet Union. Sa kanila ibinibintang ng US ang mga atake noong Setyembre 11.

Noong panahon ng Cold War, inarmasan at ginamit ng US ang pinaka-reaksyunaryong mga pwersa upang atakehin ang mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan. Ilan sa mga reaksyunaryong pwersang ito, laluna ang ilang punda mentalistang grupong relihiyoso, ay bumaling na ngayon laban sa US bilang malaking demonyo matapos mabuwag ang Soviet Union.

Ang US ay naghihinala o kontra sa ilang estado. Isang puntong komun sa mga estadong ito ay ang kanilang pagiging mapaggiit o tunguhing maging mapaggiit ng pambansang kasarinlan sa iba�t ibang antas. Kabilang sa mga ito ang China, North Korea (DPRK), Cuba, Libya, Iraq, Yugoslavia (noong dekada 1990), Afghanistan (sa ilalim ng Taliban), Iran at Syria.

Kung minsan, ang mga estadong ito ay tahasang pumupusisyong antiimperyalista batay sa prinsipyo o bilang praktikal na hakbang sa harap ng lokal na mga kahilingang popular. Ngunit sa ibang pagkakataon, ang mga bansang ito�y hayagan ding naghahangad ng mga kunsesyon mula sa mga imperyalistang kapangyarihan sa ilang usapin, laluna kaugnay ng mga relasyong pang-ekonomya at pangkalakalan.

Nitong huling mga panahon, partikular matapos ang Cold War, ang pinakamalalaking digmang agresyon ay inilunsad laban sa Iraq, Yugoslavia at Afghanistan. Isang puntong komun sa nasabing mga digmang agresyon ng US ay ang pagsisikap ng US na pahigpitin ang kontrol nito sa mga pinagkukunan at ruta ng suplay ng langis at gas.

Makaraan ang mga atake noong Setyembre 11 at ang animo�y tagumpay ng digmang agresyon ng US sa Afghanistan, tahasan ngayong pinagbabantaan ng US ang ibang estado sa ngalan ng paglaban sa pandaigdigang terorismo at pagpigil sa paggamit ng mga sandatang nukleyar, biological at kemikal laban sa US.

Ang US ay may ilang listahan ng mga potensyal na bansang target ng mga pansansalang atake. Isa sa mga listahang ito ang tinaguriang "sentro ng kasamaan" na kinabibilangan ng Iraq, Iran at North Korea. Isa pa ang listahan ng 11 bansa (kabilang ang Pilipinas) na umano�y ayaw kundi man walang kakayahang puksain ang terorismo. Isa pa rin ang listahan ng mga bansang mayroong mga armas nukleyar (China) o may potensyal na magkaroon nito (North Korea, Iraq, Iran at iba pa) at diumano�y malamang na gagamit ng mga ito laban sa US o mga alyado ng US.

Hanggang nitong huli nakapagbubuo pa ang US ng mga koalisyon sa hanay ng mga imperyalistang kapangyarihan upang salakayin ang mga estadong target ng agresyon. Ngunit habang lumalao�y lalong pumupusisyon at umaaksyon nang solo ang US. Sinasalamin ng kasalukuyang unilateralismong ito ng US ang umiigting na mga kontradiksyon sa hanay ng mga imperyalistang kapangyarihan.

Likas sa mga imperyalistang kapangyarihan na magkampihan laban sa komun na kaaway (tulad ng mga mamamayan at mga bansang inaapi at pinagsasamantalahan nila, mga estadong anti-imperyalista at estadong sosyalista) o magbagu-bago ng hanayan laban sa isa�t isa sa tunggalian para sa muling paghahati ng daigdig, tulad noong bisperas ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong ika-20 siglo nang mag-agawan sila ng teritoryong pang-ekonomya at saklaw ng impluwensya.

Pilit ipinatatanggap sa uring manggagawa ang mataas na antas ng disempleyo, kawalan ng kita, pagguho ng mga pinaghirapang benepisyo at ang atake sa mga karapatang pangunyon at demokratiko. Kaya lalo�t lalong natutulak ang mga manggagawa na lumaban at makitunggali sa uri, sa pamamagitan ng mga welga at iba pang anyo ng aksyong masa kaagapay ang masang di proletaryo.

Pinatatampok na ng kasalukuyang inabot ng krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista ang kumpetisyon sa ekonomya at labanan sa pulitika ng mga imperyalistang kapangyarihan. Ang mga imperyalistang pagkukunwari at ang petiburges na ilusyon ng isang ekonomyang pandaigdig na walang hangganan at walang estado sa ilalim ng bandila ng neoliberalismo ay pinabubulaanan ng mga patakaran at hakbanging proteksyunista ng nangungunang imperyalista, ang US mismo.

Ang mga kontradiksyong pampulitika sa hanay ng mga imperyalistang kapangyarihan ay lalong malalantad at tatampok oras na tumindi ang polarisasyon ng mga kundisyong pang-ekonomya at panlipunan sa bawat imperyalistang bansa at kapag biglang bumigat ang presyur mula sa mga sigalot sa mga malakolonya, mga dependyenteng bansa at mga bansang naninindigan sa kasarinlan. Hinahawan ng monopolyong burgesya ang daan tungo sa digmaan sa pamamagitan ng pang-uupat at paggamit ng sobinismo, rasismo at pasismo upang ilihis ang mamamayan mula sa mga anti-imperyalista at makauring pakikitunggali o upang bigyang-katwiran ang brutal na panunupil sa mamamayan.

Nag-iinit ang kontradiksyon sa pagitan ng monopolyong burgesya at proletaryado sa mga imperyalistang bansa habang lumulubha ang pang-ekonomyang krisis. Pilit ipinatatanggap sa uring manggagawa ang mataas na antas ng disempleyo, kawalan ng kita, pagguho ng mga pinaghirapang benepisyo at ang atake sa mga karapatang pang-unyon at demokratiko. Kaya lalo�t lalong natutulak ang mga manggagawa na lumaban at makitunggali sa uri, sa pamamagitan ng mga welga at iba pang anyo ng aksyong masa kaagapay ang masang di proletaryo.

Nasaksihan natin ang kumulatibong paglaki ng mga pangkalahatang welga at mga aksyong protesta ng masa sa mga imperyalistang bansa mula noong 1989-91, kung kailan ipinagdiwang ng mga imperyalista ang disintegrasyon ng Soviet Union at mga rebisyunistang rehimen at ang malaking pagbawas sa bilang ng mga unyonisadong manggagawa mula 1945 hanggang 1990.

Subalit dulot ng malawakang pagkawasak ng mga produktibong pwersa maging sa mga imperyalistang bansa sa anyo ng tumataas na antas ng disempleyo, pagkakalugi at pagbabawas sa produksyon, malalim ngayon ang panlipunang diskuntento ng mga manggagawang mayroon at walang hanapbuhay, kababaihan, kabataan at imigranteng nasa pinakamabababang klase ng trabaho. Ang pinakahuling pagtitipon ng dalawang milyong mamamayan sa Rome at iba pang bahagi ng Italy upang iprotesta ang mga neoliberal na patakarang anti-mamamayan ang sa ngayo�y pinakamalaking pagpapamalas ng rebolusyonaryong potensyal sa isang industriyalisadong kapitalistang bansa.

Hindi makapagtipon sa alinmang imperyalistang bansa ang monopolyong burges na mga negosyante at pulitiko nang hindi magbubunsod ng mga aksyong protesta ng masa. Nagbunsod ng mga aksyong protesta ng masa ang mga pulong ng Group of 8, ng OECD, European Union, IMF, World Bank, WTO at iba pang entidad na dominado ng mga imperyalista. Ang Sagupaan sa Seattle noong Nobyembre 1999 ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mamamayan na maglunsad ng mga aksyong protesta laban sa imperyalistang globalisasyon.

Sa gitna ng malubhang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista, na pangunahing kinatatampukan ng krisis ng US, balewala ang mga banta ng mga imperyalistang US at ng mga papet nila sa Pilipinas na gagamitin ang lakas militar ng laban sa mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan.

Tiyak na iigting ang makauring tunggalian sa pagitan ng monopolyong burgesya at proletaryado habang tumitindi ang pang-aapi at pagsasamantala sa proletaryado. Tiyak na magkakaroon ito ng positibong interaksyon sa mga rebolusyonaryo at anti-imperyalistang pakikibaka ng mga aping bayan at mamamayan. Lahat ng rebolusyonaryong pakikibaka kapwa sa mga maunlad at atrasadong bansa ay tiyak na magkakamit ng mas malaking puwang para umunlad at magmaniobra habang nagtutunggalian ang mga imperyalistang kapangyarihan at habang nakakatunggali rin nila ang mga estadong naggigiit ng pambansang kasarinlan.

Sa gitna ng malubhang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista, na pangunahing kinatatampukan ng krisis ng US, balewala ang mga banta ng mga imperyalistang US at ng mga papet nila sa Pilipinas na gagamitin ang lakas militar ng US laban sa mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan. Nakikita ng mamamayang Pilipino ang nasa likod ng mga bantang ito at batid nila ang kabulukan ng pandaigdigang sistemang kapitalista at ng lokal na naghaharing sistema at ang bulnerabilidad ng mga ito bilang target ng rebolusyonaryong pakikibaka.

III. Paborableng Kalagayan sa Bansa

Ang Pilipinas ay isang malakolonyal at malapyudal na bahagi ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Ito�y isang mahirap na bansang di industriyalisado. Ang higit na nakararaming mamamayan ay nabubuhay sa mababa sa US$2.00 bawat araw at ang 40% ay nabubuhay sa US$0.75 o mas maliit pa bawat araw. Mahigit 85% ay nabubuhay sa sukdulang kahirapan. Dahil sa krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista, ang lokal na naghaharing sistema ng malalaking kumprador at panginoong maylupa ay di hamak na mas lugmok sa krisis kaysa sa mga industriyalisadong kapitalistang bansa.

Ang pagbaling mula sa patakarang maka-Keynesian tungong neoliberal sa pagtataguyod ng US at mga ahensyang multilateral tulad ng IMF, World Bank at WTO ay nangahulugan ng pagbawas sa upisyal na pautang na kunsesyunal. Ang direksyon ay ipaubaya sa mga dayuhang direktang pamumuhunan ang mga kumikitang linya ng negosyo at luwagan ang panlabas na pribadong pautang para sa kapakinabangan ng mga dayuhang monopolyo at malalaking kumprador.

Mula noong huling bahagi ng dekada 1970, paliit nang paliit ang kita ng Pilipinas sa eksport ng hilaw na materyales. Mula noong dekada 1990, ang mga order mula sa ibang bansa para sa iba�t ibang tipo ng mala-manupakturang may mababang dagdag na halaga (mga damit noong 1994 at inasembol na produktong elektronik noong 1996) ay isa-isang lumiit. Napunan ang mga depisit sa kalakalan ng mga remitans mula sa manggagawang kontraktwal sa ibang bansa at karagdagang komersyal na utang panlabas.

Kumakapit ang rehimeng Macapagal-Arroyo sa patakarang pabor sa globalisasyon ng �malayang pamilihan� na dikta ng US at mga ahensyang multilateral (IMF, World Bank at WTO), sa kabila ng mga mapanalantang epekto ng gayong patakaran.

Hindi pa nakababawi ang ekonomya ng Pilipinas mula sa krisis pampinansya noong 1997 sa Southeast Asia, na ibinunga ng sobrang produksyon ng mga malamanupakturang pang-eksport, sobra-sobrang pribadong konstruksyon ng mga gusaling pang-upisina at residensyal at walang restriksyong importasyon ng mga luho at paglabas ng dayuhang salapi.

Karaniwang pinaliliit ng reaksyunaryong gubyerno ang kwenta sa ambag ng agrikultura sa kabuuang pambansang produksyon. Ngunit ngayon ay sobra naman itong tinataya upang palabasin ang kathang-isip na 3.7% paglago. Sa katunayan, pininsala ng liberalisasyon ng import sa agrikultura ang produksyong agrikultural para sa lokal na konsumo gayundin para sa eksport.

Kumakapit ang rehimeng Macapagal-Arroyo sa patakarang pabor sa globalisasyon ng "malayang pamilihan" na dikta ng US at mga ahensyang multilateral (IMF, World Bank at WTO), sa kabila ng mga mapanalantang epekto ng gayong patakaran. Pinahina ng denasyunalisasyon, pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon ang ekonomya at gayundin ang papet na estado. Naging tagakulekta na lamang ng buwis ang estado sa gitna ng pagkawasak ng ekonomya at lipunan.

Lumalaki ang depisit sa badyet. Binabawasan ang panlipunang gastusin sa edukasyon, kalusugan, pabahay at imprastruktura habang binibigyan ng higit na prayoridad ang pagbabayad ng utang at gastusing militar.

Matapos ang mga atake noong Setyembre 11, madaling namanipula ng US ang rehimeng Macapagal-Arroyo upang gumanap bilang pinakamasugid na tagapagtaguyod ng patakarang agresyon at panghihimasok militar ng US sa ngalan ng paglulunsad ng pandaigdigang atake sa terorismo.

Kapalit ng mga pangakong dagdag na tuwirang pamumuhunan at kakarampot na tulong militar at pang-ekonomya ng US, pinahintulutan na ng rehimen pati ang paglahok ng mga pwersang pandigma ng US sa mga operasyong pangkombat sa Pilipinas. Pumasok na ang mga pwersang pangkombat ng US sa larangan ng labanan sa Basilan para labanan umano ang bandidong grupong Abu Sayyaf.

Nagsisikap ang rehimeng ihanda ang opinyong publiko para sa pagpasok ng mas marami pang tropang US kunwa�y para sa isang walang taning na serye ng mga magkasanib na ehersisyong militar. Sa katunayan ay nagbanta na ang pinakamatataas na upisyal ng rehimen na gagamitin ang pinagsanib na mga pwersang US at papet laban sa Bagong Hukbong Bayan at mga rebolusyonaryong pwersa ng Bangsamoro.

Hinahamak ng naghaharing pangkating Macapagal-Arroyo ang mamamayan at itinuturing silang walang respeto sa sariling pambansang soberanya at sa teritoryal na integridad ng sariling bansa. Ipinagpapalagay nitong napakapopular ng pagiging maka-imperyalista at anti-komunista ni Gng. Macapagal-Arroyo.

Hinahamak ng naghaharing pangkating Macapagal-Arroyo ang mamamayan at itinuturing silang walang respeto sa sariling pambansang soberanya at sa teritoryal na integridad ng sariling bansa. Ipinagpapalagay nitong napakapopular ng pagiging makaimperyalista at anti-komunista ni Gng. Macapagal- Arroyo.

Sa gayon, umaasa itong manatili sa poder hanggang at lagpas sa 2004 sa pamamagitan ng pagiging sagad-sagarang papet ng US at pagsunod sa lahat ng dikta nito, laluna sa mga usaping militar. Kaya ang pangkatin ay lalo�t lalong napapailalim ngayon sa kontrol at manipulasyon ng sagadsagarang maka-US na mga upisyal militar.

Habang dumarami sila, ang mga pwersang militar ng US sa Pilipinas ay tiyak na daranas ng mga kaswalti at walang-habas na mananalanta sa buhay at ari-arian ng mga Pilipino. Tiyak ding manggagahasa sila at gagawa ng iba pang karumal-dumal na krimen. Isa silang time bomb na maaaring sumabog sa mukha ng rehimen.

Sa direksyon ng mga Amerikanong tagapayong militar, pinaiigting ang psywar ng militar at pulis at mga kampanya ng panunupil laban sa mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan sa loob at labas ng mga larangang gerilya. Kahit ang mga ligal na aktibista at mga organisasyong masa ng pambansa-demokratikong kilusan ay binibiktima ng iba�t ibang atakeng pisikal, kabilang ang pagdukot, tortyur at pagpaslang. Laganap ang mga paglabag sa karapatang-tao.

Sunod sa mga yapak ng rehimeng Estrada, garapalang ipinatutupad ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang patakaran ng todo-todong digma laban sa mga rebolusyonaryong pwersang pinamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas at kinakatawan ng National Democratic Front of the Philippines sa negosasyong pangkapayapaan.

Lantaran nitong iginigiit na halinhan ng "back-channel talks" ang pormal na usapang pangkapayapaang isinasagawa ng mga panel sa negosasyon. Ang tanging layunin ng rehimen ay idikta sa NDFP ang mga kundisyon ng pagsuko. Arogante itong nagsasalita at kumikilos sa bigong pagsisikap na pagtakpan ang ibayong paghina, pagkahiwalay at desperasyon nito.

Ang pang-ekonomya at panlipunang krisis ng naghaharing sistema ay nagbubunsod ng walang kaparis na krisis sa pulitika. Tumatalas ang matinding bangayan ng mga reaksyunaryo sa negosyo, pulitika at militar.

Mula noong huling bahagi ng dekada 1960, lumalim at lumala ang kawalang-kakayahan ng mga reaksyunaryong uri na maghari sa dating paraan. Ang pasistang diktadurang Marcos ay isang desperadong pagtatangkang sagkaan ang pagsulong ng mga rebolusyonaryong pwersa. Subalit inilagay lamang nito sa panganib ang buong naghaharing sistema at iniudyok ang paglawak ng rebolusyonaryong armadong kilusan.

Inakala ng US at mga lokal na reaksyunaryo na ang anti-diktadurang pagpapabagsak kay Marcos ay lilikha ng ilusyon ng panunumbalik ng demokrasya. Subalit sa bawat rehimen ay lalong lumulubha ang palagiang krisis sosyo-ekonomiko at pampulitika ng sistema dulot ng pagkatuta, korapsyon at panunupil.

Ang istagnasyon ng malapyudal na ekonomya, ang papalaking depisit sa kalakalan, ang mabilis na paglaki ng lokal at panlabas na utang pampubliko at papalaking pagbaling sa mga utang komersyal na may mataas na interes ay nakalimita sa halagang kinukulimbat at pinaghahatian ng mga reaksyunaryong paksyon sa pulitika.

Inakala ng US at mga lokal na reaksyunaryo na ang antidiktadurang pagpapabagsak kay Marcos ay lilikha ng ilusyon ng panunumbalik ng demokrasya. Subalit sa bawat rehimen ay lalong lumulubha ang palagiang krisis sosyo-ekonomiko at pampulitika ng sistema dulot ng pagkatuta, korapsyon at panunupil.

Marami sa mga upisyal ng militar at pulisya ay nahahati sa mga paksyon dulot ng magkakasalungat na panig sa pulitika at pagpapatakbo ng magkakaribal na sindikatong kriminal na sangkot sa kidnap-for-ransom, ismagling, iligal na droga, prostitusyon at sugal. Ang kanilang mga amo at padrinong pulitiko ang nagpapalakas ng loob at kumakandili sa kanila. Itinuturing nilang napakaliit ang kanilang sweldo gayong mas madalas silang makatanggap ng umento kaysa mga burukratang sibil.

Katulad ni Marcos, pinatalsik si Estrada sa pamamagitan ng pampulitikang aksyong masa sa halip ng anumang nakatakdang konstitusyunal o ligal na paraan �- ibig sabihi�y pagbibitiw, impeachment o pana-panahong halalan. Lalo lamang nagiging malinaw ang di-konstitusyunal at iligal na katayuan ng kasalukuyang rehimen sa pagdidiin nito sa puntong hindi ang direktang pagkilos ng nakapangyayaring mamamayan ang nagluklok dito sa poder, kundi ang militar, simbahan at ang sobrang aktibong korte suprema.

Sa takot na kumilos ang mamamayan laban dito, hiniling ng rehimen kina dating pangulong Aquino at Ramos, kay Cardinal Sin at sa iba pang entidad na magpahayag ng pagtutol sa anumang kilusang masa para patalsikin ang isang nakaupong presidente.

Binabangungot ang rehimen sa panawagan ng Partido para sa pagbubuo ng isang malawak na nagkakaisang prente laban dito bilang kasalukuyang kaaway. Natatakot din ang pinakamasusugid na reaksyunaryo sa pahayag ng Partido na makapag-iipon ng lakas ang mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagpapabagsak sa mga naghaharing pangkatin hanggang magkaroon na ito ng sapat na lakas upang ibagsak ang buong naghaharing sistema, kasabay ang hukbong bayang umabot na sa estratehikong yugto ng pangkalahatang opensiba.

Umabot man sa 2004 ang kasalukuyang rehimen, dahil walang sapat na bilang ng mga mabuway at pansamantalang alyado mula sa hanay ng mga reaksyunaryo upang makabuo ng isang malawak na nagkakaisang prente na makapagpapabagsak dito, mananatili sa bentaheng pusisyon ang rebolusyonaryong kilusan dahil lalo itong magkakaroon ng batayan at inisyatiba sa paglaban sa rehimeng patuloy na umaalingasaw.

Magpapatuloy at tatalas ang mga kontradiksyon sa hanay ng mga reaksyunaryo. Kailangang magpunyagi sa pagbubuo ng isang malawak na nagkakaisang prente laban sa rehimen, gaano man kadali o katagal bago maibagsak ang rehimeng Macapagal-Arroyo. Ang pagsisikap na magbuo ng nagkakaisang prente ay makatutulong sa pagdepensa at pagsulong ng mga rebolusyonaryong pwersa. Napakahalagang magpalakas ang mga saligang rebolusyonaryong pwersa upang matiyak at madagdagan ang kanilang independensya at inisyatiba sa loob ng tuluy-tuloy na umuunlad na malawak na nagkakaisang prente.

Katulad sa Vietnam at sa buong Indochina kung saan nagapi ang digmang agresyon ng US, dapat maging handa tayong gamitin ang panlipunan at pisikal na tereyn ng Pilipinas upang makapagdulot ng matitinding pinsala sa nananakop na pwersang US at maglunsad ng mga aksyong pamarusa laban sa mga pang-ekonomya at kaugnay na interes ng US.

Habang patuloy na bumabaho ang rehimen dulot ng pangangayupapa sa US, pagpapalala ng krisis pang-ekonomya at panlipunan at pagiging tiwali, mapanlinlang at mapanupil, kinokoordina naman ng Partido ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka at ang nagkakaisang prente upang magdulot ng mga pamatay na dagok sa rehimen.

IV. Paigtingin at isulong ang digmang bayan

Dahil mayroon silang hukbong bayan, may instrumento ang sambayanang Pilipino sa pagsusulong ng kanilang pambansa at demokratikong mga karapatan at interes. Inaasahan nilang mapalalaya ang sarili mula sa saklot ng imperyalismong US at mga mapagsamantalang uri at magkamit ng malalaking tagumpay, mula sa bagong-demokratikong yugto hanggang sa sosyalistang yugto ng rebolusyong Pilipino.

Walang kamalay-malay ang US at mga lokal na reakyunaryo na nagsisilbi sila sa sambayanang Pilipino tuwing sasalakayin nila nang buong bangis at buong lupit ang mga rebolusyonaryong pwersa at ang mamamayan at nagbabantang pag-ibayuhin pa ang pagsalakay.

Armadong rebolusyon ang tugon ng Partido, hukbong bayan, nagkakaisang prente, mga organo ng kapangyarihang pampulitika at mga organisasyong masa sa armadong kontra-rebolusyon. Itinataas nila ang antas ng kanilang kapasyahan at kakayahang lumaban sa papatinding mga atake ng kaaway, kabilang ang banta ng ibayong panghihimasok at agresyong militar ng US.

Katulad sa Vietnam at sa buong Indochina kung saan nagapi ang digmang agresyon ng US, dapat maging handa tayong gamitin ang panlipunan at pisikal na tereyn ng Pilipinas upang makapagdulot ng matitinding pinsala sa nananakop na pwersang US at maglunsad ng mga aksyong pamarusa laban sa mga pang-ekonomya at kaugnay na interes ng US.

Dapat nating gawin ang lahat upang itaguyod ang pambansang soberanya ng sambayanang Pilipino at ang teritoryal na integridad ng Pilipinas. Sinisikap nating pigilan ang interbensyon at agresyong militar ng US. Ngunit kung hindi natin ito mapipigilan, dapat tayong lumaban nang mahusay at kamtin sa pamamagitan ng digma ng pambansang pagpapalaya ang malaon nang naantalang hustisya para sa 1.4 milyong Pilipinong pinaslang ng US nang sakupin nito ang Pilipinas mula 1899 hanggang 1916 at para sa di mabilang na Pilipinong biniktima ng pagsasamantala at pandarambong ng US sa napakahabang panahon.

Sinisikap nating pigilan ang interbensyon at agresyong militar ng US. Ngunit kung hindi natin ito mapipigilan, dapat tayong lumaban nang mahusay at kamtin sa pamamagitan ng digma ng pambansang pagpapalaya ang malaon nang naantalang hustisya para sa 1.4 milyong Pilipinong pinaslang ng US nang sakupin nito ang Pilipinas mula 1899 hanggang 1916 at para sa di mabilang na Pilipinong biniktima ng pagsasamantala at pandarambong ng US sa napakahabang panahon.

Kailanma�y hindi kinatakutan ng mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan ang lakas militar ng US, kabilang ang malalawak na base militar ng US noong panahon ng pasistang diktadurang Marcos, dahil unang-una na ay mayroon silang Bagong Hukbong Bayan na pinamumunuan ng Partido at nagpupunyagi sa estratehikong linya ng matagalang digmang bayan.

Napatunayan na ng BHB na kaya nitong mapanatili at dagdagan ang lakas nito laban sa matitinding balakid tulad ng pasistang diktadurang Marcos, presensya ng mga base militar ng US at ng lumalaking suplay ng armas mula sa US mula 1972 hanggang 1986. Mahigit sa dati ang estratehikong pagmamaliit natin sa imperyalismong US dahil mas lugmok sa krisis at mas banat na banat ito ngayon, at sa mga lokal na reaksyunaryo dahil mas mahina at mas bangkarote ang kanilang sistema.

Epektibo ang high-tech na kapangyarihang militar ng US sa pagbabanta at sa aktwal na pagwasak sa mga nakapirmi at lantad na mga istruktura ng mga target nitong gubyerno ng ibang bansa. Subalit hindi ito epektibo laban sa matagalang digmang bayan, na matagumpay na nailunsad sa China, Indochina at iba pang lugar. Upang seryosong labanan ang sambayanang Pilipino, kakailanganin ng US na magpadala ng marami pang tropang pangkombat sa Pilipinas at hayaan silang sumuong sa panganib na magtamo ng mga kaswalti.

Tinatanganan ng Partido at ng sambayanan ang BHB bilang pangunahing instrumento sa paggapi sa kaaway, pagtatayo ng baseng masa sa kanayunan, paghikayat sa lahat ng organisasyong masa at mga kampanyang masa para sa kapakinabangan ng mamamayan at para garantiyahan ang pag-unlad ng rebolusyonaryong panggugubyerno-sa-sarili ng mamamayan sa pamamagitan ng mga demokratikong organo ng kapangyarihang pampulitika.

Dapat magrekluta ng mga Pulang mandirigma mula sa mga lokal na milisya at organisayong masa. Dapat sistematikong ilunsad ang pulitiko-militar na pagsasanay ng mga Pulang kumander at mandirigma. Dapat ding paramihin at sanayin ang mga tauhang kailangan sa iba�t ibang departamento ng BHB habang lumalawak at umiigting ang digmang bayan.

Dapat dulutan ng BHB ng pamatay na mga dagok ang mga imperyalistang US at mga papet na pwersang militar at pulis, gaano man kasaklaw ang pakikialam at agresyon ng US laban sa mamamayan. Ang paraan para makapagpalakas ang BHB ay ang paglipol sa mga pwersa ng kaaway at pagsamsam ng mga armas at iba pang kagamitang pandigma mula sa kanila.

Ngayon din, ang Partido ay dapat magbuo ng pangkalahatang plano at maglabas ng gabay para sa BHB sa mga larangang gerilya upang palakihin ang lakas-sandata nito sa pamamagitan ng m