Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pambansang tigil-pasada, matagumpay na nailunsad

 Read this article in English

Matagumpay na nailunsad nitong Abril 18 ang isang pambansang tigil-pasada sa iba't ibang lunsod at bayan para igiit ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law at pagtigil sa walang rendang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo. Bahagi ito ng serye ng mga pagkilos na inilulunsad bilang preparasyon sa paggunita sa Araw ng Paggawa nitong taon. Buo itong sinuportahan ng mga manggagawa sa sektor ng industriya at serbisyo.

Ang welga sa transportasyon ay inilunsad ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON), Federation of Jeepney Operators and Drivers Associations of the Philippines (FEJODAP), Philippine Confederation of Drivers and Operators-Alliance of Concerned Transport Organizations (PCDO-ACTO), Alliance of Transport Operators and Drivers Associations of the Philippines (ALTODAP) at ng Integrated Metro Bus Operators Associations (IMBOA).

Ayon sa mga panimulang ulat, naparalisa ang 85-90% ng transportasyon sa Metro Manila, partikular sa Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas, Pasay, Marikina, Taguig, Pasig at San Juan.

Sa Bulacan, 100% paralisado ang transportasyon sa Malolos samantalang 90% naman ang paralisis sa Guiguinto, Balagtas at Meycauayan.

Sa Southern Tagalog, 75% ng mga ruta ng transportasyon sa Bi�an, Sta. Rosa, San Pedro, San Pablo at Los Ba�os sa Laguna ang naparalisa.

Sa Bicol, 98% ng mga pampublikong sasakyan sa Sorsogon at Camarines Sur ang hindi pumasada at 90% sa Albay.

Sa Cagayan de Oro, aabot sa 98% ng transportasyon, laluna ng mga habal-habal (motorsiklo) ang naparalisa sa welgang pinangunahan ng Solidarity Transport Alliance at ng Transport Federation.

Sa Davao City at mga karatig-prubinsya, nagsara ang mga upisina ng gubyerno nang magtagumpay ang Transport in Southern Mindanao for Solidarity, Independence and Nationalism (Transmission-Piston) na paralisahin ang 98% ng transportasyon.

Samantala, buong kapal ng mukha na binalewala ng mga kumpanya ng langis ang malawakang kahilingan ng mamamayan na itigil na ang linggu-linggong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo. Itinaas nila ang presyo ng gasolina, diesel, gaas at LPG nang 75 sentimo sa mismong araw ng pambansang welga sa transportasyon. Ayon sa kanila, itutuloy-tuloy pa rin nila ang lingguhang pagtataas hangga't hindi nila nababawi ang halos `2 sa bawat litro ng diesel at mahigit `3 sa gasolina. Nagbabala naman ang PISTON na ipagpapatuloy nito ang mga kilos-protesta hangga't hindi nairorolbak ang presyo ng langis at naibabasura ang Oil Deregulation Law.

Sa kaugnay na balita, naglunsad ng camp-out ang mga myembro ng Kilusang Mayo Uno at mga kapatid nitong organisasyon mula sa Central Luzon at Southern Tagalog sa harap ng kongreso mula Abril 11 hanggang 13. Iginigiit nila sa mga myembro ng kongreso ang kagyat na pagpasa ng panukalang dagdagan ng `125 ang arawang sahod ng lahat ng mga manggagawa. Ayon sa KMU, marapat lamang na ipasa na ang House Bill 345 na ilang taon nang hinaharang sa kongreso.

Kasabay nito, kinundena ng KMU ang patuloy na pagbabalewala ng Employers� Confederation of the Philippines (ECOP) sa makatarungang hinaing ng mga manggagawa. Sa halip, nagpapanukala ang ECOP ng pagrepaso ng Labor Code upang gawing ligal ang kontraktwalisasyon at pleksibilisasyon ng paggawa. Mariin nitong nilalabanan ang anumang panukala kaugnay sa pagtataas ng sahod at pagtitiyak ng mga karapatan ng mga manggagawa.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Abril 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Sahod, itaas!

Pambansang tigil-pasada, matagumpay na nailunsad
Dumarami ang kaaway ng rehimeng US-Arroyo
Pandarahas sa mga progresibong pwersa, nagpapatuloy
Daan-daang residente, namakwit sa Samar
Matatagumpay na opensiba ng BHB
6 na armas nasamsam, 6 na sundalo napatay sa ambus sa Samar

BHB sa Mindanao, umani ng ibayong tagumpay
Bello, tagapagtanggol ni Arroyo
Sino si Pedro Tejino?
Rehimeng US-Arroyo: Pinakamalaking bugaw sa Pilipinas
Mga batang ibinubugaw
Huwad na reporma sa lupa ng gubyerno, inutil
US, numero unong lumalabag sa karapatang-tao
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.