Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Gubyerno, walang laban sa SARS

 Read this article in English

Hindi handa ang reaksyunaryong gubyerno laban sa pananalasa ng anumang epidemya dahil hindi nito prayoridad ang pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan

Ilang buwan nang kumakalat sa iba�t ibang bansa ang nakakahawa at wala pang lunas na sakit na SARS o Severe Acute Respiratory Syndrome. Sintomas ng sakit ang mataas na lagnat na maaaring samahan ng panginginig, pananakit ng kalamnan at panghihina. Sa loob ng dalawa hanggang pitong araw ay susundan ito ng tuyo at mahigpit na pag-ubo, at sa kalaunan ay kahirapan sa paghinga, na maaaring ikamatay.

Mahigit 3,000 na ang naitatalang kaso sa iba�t ibang bansa at halos 600 na ang namamatay pag-abot ng Mayo. Unang naiulat ang sakit noong 2002 sa China at kumalat ito sa Hongkong at iba pang mga bansa pagsapit ng taong ito.

Sa Pilipinas, may lumitaw nang ilang kaso ng SARS. Subalit pilit pa ring sinasabi ng rehimen na walang dapat ikabahala.

Takot na takot ang gubyerno na mabalita na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may SARS. Nangangamba itong mabawasan ang bilang ng overseas contract workers (OCW) at ang ipinapadala nilang mga remitans sa Pilipinas kapag hinigpitan ng ibang mga bansa ang pagpasok ng mga Pilipinong OCW dahil sa takot sa SARS. Kamakailan, ang Libya, Bahrain, Turkey at Singapore kung saan nagtatrabaho ang aabot sa puu-puong libong OCW, ay nagbawal na sa pagpasok doon ng mga Pilipino dahil sa mga napabalitang kaso ng SARS sa bansa. Nag-aalala rin ang rehimen na lalo pang babagsak ang turismo at lalong iimpis ang dayuhang pamumuhunan.

Sadyang mas pangunahin sa rehimen ang desperasyong kumita ng dolyar kaysa anumang hakbanging pag-iingat. Halimbawa, urong-sulong ang gubyerno sa patakaran nito hinggil sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa mga lugar na grabeng tinamaan ng SARS, tulad ng Hongkong. Noong Marso ay inianunsyo ng gubyerno na pagbabawalan na muna ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Hongkong. Subalit mabilis ding binawi ang deklarasyong ito. Ito ay dahil sa takot na mabawasan ang remitans ng dolyar na bumubuhay sa ekonomya ng Pilipinas at dahil na rin sa reklamo ng mga nais magtrabaho sa Hongkong. Makikipagsapalaran na lamang sila sa SARS, anila, sa halip na mamatay dito sa gutom.

Ang totoo, wala talagang matinong programa ang reaksyunaryong gubyerno para harapin ang isang epidemyang tulad ng SARS o anupamang malalang sakit na mananalasa sa bansa. Ipinagmamalaki ng rehimen ang awtomatikong paglaan nito ng P1.5 bilyon para sa mga programang kontra-SARS. Subalit napakaliit nito kumpara sa malaking pangangailangang pangkalusugan ng mamamayan. Kinukwestyon na rin ngayon ng ilang senador kung saan napunta ang pondo dahil hanggang ngayon ay wala pa silang nakikitang signipikanteng pag-unlad sa mga kagamitan at programang kontra-SARS. Nagtukoy ang rehimen ng isang pasilidad (ang Research Institute for Tropical Medicine o RITM) na kokonsentra sa pag-aalaga ng mga biktima ng SARS, subalit ito�y may lilimampung higaan lamang. Ang ibang pasyente ng RITM na may ibang malalalang sakit na siyang pinagkakadalubhasaan ng RITM ay sapilitang pinalipat sa ibang ospital.

Ang mga manggagawang pangkalusugan sa pampublikong sektor na inaasahang direktang mangangalaga sa mga pasyenteng may SARS at kabilang sa mga pinakabulnerable sa sakit na ito, ay kulang na kulang sa proteksyon. Malaki ang kakulangan sa mga N95 mask (surgical mask na sumasala sa mikrobyo) na iniisyu sa kanila. Kulang din ang kagamitan, gamot at tauhan sa mga pampublikong ospital. Dahil sa kakulangan sa tauhan, nababanat nang husto sa trabaho ang mga manggagawang pangkalusugan sa gubyerno. Sa kabila nito, mababa ang kanilang sahod, at kailanman ay hindi pinaglaanan ng gubyerno ng pondo ang kanilang mga benepisyo tulad ng hazard pay, overtime pay at night shift differential pay. Nananatili ang kalunus-lunos na kalagayang ito sa kabila ng bantang dulot ng SARS.

Katunayan, halos walang proteksyon ang mga manggagawang pangkalusugan laban sa anumang sakit. Kapag dinapuan sila ng karamdaman, pahirapan pa ang pagutang sa Government Service Insurance System kahit may kaugnayan sa paggampan ng kanilang trabaho ang kanilang sakit.

Ang mayorya ng mamamayang Pilipino ay bulnerable sa napakaraming sakit bukod sa SARS, dahil sa tahasang pagpapabaya ng reaksyunaryong gubyerno. Ngayong taon, P9.9 bilyon lamang ang badyet ng gubyerno para sa buong Department of Health, katumbas ng 1.2% ng kabuuang badyet na P804 bilyon. Sa kabilang banda, P48.6 bilyon o 27.7% ng badyet ay nakalaan sa bayad-utang.

Dagdag lamang ang wala pang lunas na SARS sa mga panganib na kinakaharap ng napakaraming Pilipinong nagkakasakit at namamatay dahil sa mga simple, madaling iwasan at may lunas na mga karamdaman tulad ng tuberkulosis (TB), malarya at dengue at kahit pagtatae lang.

Tatlumpung milyong Pilipino o 30% ng populasyon ang may TB at 75 ang namamatay dito araw-araw samantalang napuksa na ang sakit na ito sa mauunlad na bansa. Problemang pangkalusugan ang malarya sa 66 o 84% ng mga prubinsya sa bansa. Halos tuwing dalawang taon ay may epidemya ng dengue sa mga lunsod at bayan. Pawang mga maralitang pinagkakaitan ng kalinga ng gubyerno ang mga biktima nito.

Anang mga nagpoprotestang manggagawang pangkalusugan, SARS nga ang dahilan ng lahat ng ito�ang Severely Anemic Resources for Health Services o grabeng kakulangan ng rekurso para sa serbisyong pangkalusugan.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Mayo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Suportahan ang pakikibaka ng mamamayang Moro laban sa tumitinding atake ng rehimeng US-Arroyo!

Pambobomba sa Mindanao
Pasiklab ng rehimen sa US

Bt corn: nakakalasong mais ng Monsanto
Gubyerno, walang laban sa SARS
Ka Elvira, mapagkalingang rebolusyonaryo
Sa ibayong dagat:
Tagibang na daan tungong kapayapaan sa Palestine

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.