Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Dalawang kampo ng PAF sa Batangas, magkasabay na sinalakay ng BHB

 Read this article in English

Magkasabay na sinalakay ng BHB noong Enero 10 ang kampo ng 740th Combat Support Group ng Philippine Air Force (PAF) sa Barangay Ruhatan, Balayan at ang detatsment nito sa Barangay Dacanlao, sa tabi ng planta ng NAPOCOR�parehong sa Batangas. Pinagsanib na mga pwersa ng Melito Glor Command ng Southern Tagalog at Edgardo Dagle Command sa Batangas ang naglunsad ng pagsalakay.

Layunin ng pananalakay na parusahan ang yunit ng PAF, na pangunahing responsable sa walang habas na kampanyang "counter-insurgency" sa kanlurang Batangas. Mahaba ang listahan ng mga paglabag nito sa karapatang-tao ng mamamayan. Ang yunit ding ito ang nagbabantay at pumuprotekta sa 600 megawatt coal-fired thermal plant ng Napocor, na kinamumuhian at nilalabanan ng mamamayan sa lugar.

Apat na tauhan ng PAF ang napatay at anim ang nasugatan sa reyd sa dalawang kampo. Isa pang sarhento ng Philippine Army ang napatay nang tambangan ng BHB ang dalawang grupo ng reinforcement na galing pa sa Nasugbu at Tuy. Tatlong magigiting na Pulang mandirigma ang nagbuwis ng buhay.

Hindi na maitanggi na AFP na may malakas na presensya at baseng masa ang BHB sa Batangas. Ayon mismo sa punong propagandista ng AFP na si Lt. Col. Daniel Lucero, hindi nakapaglunsad ng ganoong mga aksyong militar ang BHB doon kung wala ito. Ikinatwiran niya na masyadong nakakalat ang mga pwersa ng AFP kaya�t nakapaglulunsad ng mga atake ang BHB kung saan manipis ang pwersa ng AFP.

Nagkalat na lamang ng mga kasinungalingan si Lucero upang matakpan ang tagumpay ng taktikal na operasyon ng BHB. Pilit nitong ipalabas na ang layunin ng mga pagsalakay ay para pasabugin umano ang planta ng NAPOCOR, samantalang ginawang patibong lamang ito para malansi ang mga pwersa ng AFP sa dalawang kampo nila sa Balayan, na siyang talagang target ng taktikal na opensiba.

Pinatunayan ng mga gerilya ng BHB na sa kabila ng konsentrasyon ng napakalaking pwersa ng AFP at PNP sa Southern Tagalog, partikular sa Mindoro, Laguna at Batangas, matagumpay na nakapaglulunsad ang hukbong bayan doon ng mga taktikal na opensiba at nakapipinsala sa AFP at PNP.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Enero 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Patakaran sa pangangampanya sa mga rebolusyonaryong teritoryo, matagumpay na ipinatutupad

Mga kagyat at pangmatagalang hinaharap ng usapang pangkapayapaan
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Dalawang kampo ng PAF sa Batangas, magkasabay na sinalakay ng BHB
Matatagumpay na Opensiba ng BHB
Pulitiko, dinisarmahan ng BHB

Mga Ulat Koresponsal:
"Peace zones"�panloloko sa mamamayan

Mga Ulat Koresponsal:
Parola Development Plan:
Huwad na pabahay

Rebyu:
Buhay Barya

Sa Ibayong Dagat:
Mga tagumpay ng Cuba sa pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan: Kalusugan para sa lahat

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.