Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pananalanta ng Pasistang Estado:
Lumalawak ang paglaban sa mga pasistang krimen ng rehimeng US-Arroyo

 Read this article in English

Nitong Abril 7, libu-libo ang nagmartsa patungong Department of Justice sa Maynila upang kundenahin ang terorismo ng rehimeng Arroyo. Subalit patunay ng kamay na bakal na nais pairalin ng reaksyunaryong estado, marahas na binuwag ang hanay ng mga demonstrador, at apat na raliyista ang iligal na inaresto.

Sa kabila nito, papalawak na kilusang masang nananawagan para kagyat na itigil ng rehimen ang mga pasistang atake nito sa mga demokratikong sektor. Bago ito, naglunsad ng hunger strike ang mga progresibong partido sa kongreso upang ipakita sa mga dayuhang myembro ng Inter-Parliament Union na nasa bansa ngayon ang epekto ng pasistang kampanya ng rehimeng Arroyo. Nakahanda ang mga demokratikong organisasyon na maglunsad ng papalaking mga aksyong protesta sa susunod na mga araw.

Kabilang sa mariing tumutuligsa sa rehimeng Arroyo ang mga taong simbahan. Makailang beses nang naglabas ng pastoral letter ang simbahang Katoliko kaugnay ng tumitinding paglabag ng mga pulis at militar sa karapatang-tao. Iginigiit nila ang kagyat na pagresolba sa mga pagpatay sa Hacienda Luisita kung saan nagsisilbing tagapamagitan ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines sa negosasyon ng pamilyang Cojuangco at mga welgista.

Mula Enero hanggang Marso 17, umabot na sa 32 lider at myembro ng mga demokratikong organisasyon ang pinaslang bunga ng pinaigting na mga pasistang atake ng rehimeng US-Arroyo. Bukod rito, lima ang dinukot at hindi pa natatagpuan at apat ang malubhang nasugatan bunga ng mga tangkang pagpatay. Marami rin ang iligal na inaresto at ibinimbin, gayundin ang mga dumanas ng matinding pananakot at harasment.

Pinakahuling insidente ang pambobomba sa upisina ng Bayan Muna sa Barangay Kawayan, Catarman, Northern Samar nitong Abril 6. Isang aktibista ang nasaktan nang hagisan ng mga molotov ang upisina.

Nadagdag din sa listahan ng mga krimen ng rehimen ang tangkang pagpatay kay Charles Juloya, abugado at myembro ng Bayan Muna. Papunta si Juloya sa San Fernando, La Union upang makipagpulong sa iba pang lider ng Bayan at Bayan Muna nang siya ay barilin. Isa si Juloya sa mga convenor ng Justice for Romy Sanchez Movement na itinatag para igiit ang imbestigasyon at hustisya para kay Sanchez, dating pangkalahatang kalihim ng Bayan Muna para sa rehiyong Ilocos, na pinaslang noong Marso 9.

Sentro ng panibagong bugso ng mga pasistang atake ang Central Luzon kung saan nagaganap ang isa sa pinakamadudugo at pinakamatitinding makauring tunggalian. Noong Disyembre 16, minasaker ng mga elemento ng militar at pulis ang mga manggagawa, manggagawang bukid at mga sumusuporta sa welga sa Hacienda Luisita. Matapos ang masaker, inisa-isa na ng mga elemento ng militar at kanilang mga galamay ang mga lider at prominenteng tagasuporta ng mga welgista sa asyenda. Mula Enero hanggang kalagitnaan ng Marso, aabot na sa 12 ang napapatay at nawawala sa rehiyon. Ginagamit ng North Luzon Command ang buong rehiyon upang ieksperimento ang patakaran ng rehimen sa paggamit ng mga death squad laban sa mga mga organisasyon ng mamamayan at mga prominenteng lider nito.


Ang iba pang mga biktima ay mula sa Northern Luzon, Southern Tagalog at Eastern Visayas. Ang panibagong bugso ng mga atake ay sumusunod sa serye ng mga pagpatay noong 2001 kung kailan idineklara ng rehimeng US-Arroyo ang Mindoro bilang "pambansang prayoridad" ng Armed Forces of the Philippines. Nitong taon, itinalaga na ng rehimeng Arroyo sa Eastern Visayas si Col. Jovito Palparan, ang tinaguriang "berdugo ng Mindoro."

Nitong Marso, kinundena ng mga progresibong organisasyon ang dokumentong "Knowing the Enemy", isang briefing paper ng AFP na ikinakalat ngayon sa iba't ibang yunit militar. Dito, tinukoy ang mga progresibong organisasyon, mga institusyon at kahit mga organisasyon ng simbahan bilang mga prenteng organisasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas at sa gayon ay mga "kaaway ng estado". Tahasang ikinakampanya ng dokumentong ito ang paglipol sa mga lider at myembro ng naturang mga organisasyon at institusyon bilang bahagi ng pakikidigma ng AFP sa PKP at Bagong Hukbong Bayan. Ngayo'y pinagsasabihan pa ng AFP ang naturang mga organisasyon na tigilan na ang pagtuligsa at sa halip ay patunayan ang kani-kanilang "kawalang-kasalanan."

Kasabay ng mga karumal-dumal na krimen laban sa demokratikong kilusan, pinupuntirya rin ng naghaharing uri ang sektor ng mga mamamahayag. Partikular na target ang mga peryodista at brodkaster na hayagang bumabatikos sa korapsyon at mga anomalya kapwa sa lokal at pambansang antas.

Nitong Marso 24, pinatay si Marlene Garcia Esperat sa harap ng kanyang 10-taong gulang na anak sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Manunulat si Esperat sa pahayagang Midland Review at kilalang kritiko ng korapsyon at nepotismo ng mga pambansa at lokal na upisyal. Bago ito, pinatay sa Naic, Cavite noong Pebrero 18 si Arnulfo Villanueva, manunulat ng Asian Star Express. Ngayong taon, apat na mamamahayag na ang pinatay habang anim ang tinangka o pinagbantaang patayin.

Ayon sa Reporters without Borders, isang pandaigdigang organisasyon na nagtataguyod ng karapatan sa pamamahayag, pumapangalawa sa Iraq ang Pilipinas bilang pinakamapanganib na lugar para sa mga mamamahayag. Noong nakaraang taon, umabot sa 14 na mamamahayag ang pinatay habang sampu ang tinangkang patayin.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Abril 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Naghuhukay ng sariling libingan ang rehimeng US-Arroyo

Pananalanta ng Pasistang Estado:
Lumalawak ang paglaban sa mga pasistang krimen ng rehimeng US-Arroyo
Pananalanta ng Pasistang Estado:
Pagpaslang kay Esperat, iimbestigahan ng BHB

Mga karumal-dumal na detalye ng masaker sa Camp Bagong Diwa
Inosente ang karamihan
Paul Wolfowitz, alagad ng neo-konserbatismo sa World Bank
Pakikialam ng US sa Kyrgyzstan
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.