![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Naglunsad ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) ng mga taktikal na opensiba sa Laguna, Quezon at Palawan nitong Setyembre at Oktubre na nagresulta sa pagkamatay ng walong sundalo ng kaaway. Sa Laguna, dalawang sundalo ng 1st IB ang namatay at di bababa sa dalawa ang nasugatan nang tambangan ang kanilang yunit ng isa ring platun ng mga Pulang mandirigma ng Nilo Hatol Command ng BHB sa Barangay Kalaminaue, Cavinti, Laguna noong hapon ng Oktubre 13. Ang mga sundalo ay kabilang sa malaking bilang ng tropang ilang araw nang nag-ooperasyon sa hangganan ng Laguna at Quezon. Lingid sa kanilang kaalaman, matagal nang naipaabot ng masa sa mga Pulang mandirigma ang presensya ng kaaway, kaya handa ang BHB sa anumang mangyayaring labanan. Kabilang sa kanilang paghahanda ang pagpapakat ng bomba. Nang dumating na ang militar, di lamang nila nasugagaan ang nakahandang bomba kundi sinalubong pa sila ng mga punglo mula sa malalakas na armas ng BHB. Pagkatapos ng labanan, ligtas na nakaatras lahat ng mga Pulang mandirigma, dala ang lahat ng kanilang kagamitan. Para pagtakpan ang kanilang kahihiyan, pinalabas ng 1st IB na nakapatay sila ng dalawang Pulang mandirigma sa operasyong pagtugis noong madaling araw ng Oktubre 15. Subalit ayon sa Nilo Hatol Command, walang labanang naganap sa petsang nabanggit at wala itong natamong kaswalti. Sa isang panayam, sinabi ni Gregorio "Ka Roger" Rosal na ang sinasabi ng 1st IB na mga patay na gerilya na kanilang dinala sa munisipyo ng Cavinti ay sina Alberto Belena at Clemente Calatrava, kapwa mga treasure hunter na taga-Sariaya, Quezon na nasugagaan ng AFP habang patungo sa Barangay Caldong sa kalapit na bayan ng Sampaloc, Quezon. Sa Quezon, iniulat ng Apolonio Mendoza Command ang dalawang matagumpay na operasyong isnayping sa Mauban noong Setyembre. Noong Setyembre 30, dalawang sundalong magkatabi ang sabay na namatay nang tagusin sila ng iisang bala mula sa isnayper ng BHB sa Barangay Ilayang Bagumbungan. Noon namang Setyembre 19, isang upisyal-militar ang namatay nang isnaypin siya sa Barangay Rosario. Hindi na nakapanlaban ang upisyal at nagpaputok lang ito nang walang direksyon dahil hindi niya alam kung saan nanggaling ang balang tumama sa kanya. Sa Palawan, tatlong elemento ng Philippine Marines ang napatay sa ambus na inilunsad ng BHB sa Barangay Bayumbongan, Taytay nitong Setyembre 28. Isinagawa ang ambus habang papabalik na sa kanilang hedkwarters ang mga sundalong kabilang sa Task Force Malampaya. ![]()
|
| ||||||||||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|