![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Kasabay ng mga agresibong pagsalakay ng pasistang militar at pulis sa masa at rebolusyonaryong pwersa sa kanayunan, atake-militar din ang tugon sa makatarungan at mga lehitimong adhikain ng mga progresibo at ligal na demokratikong pwersa sa kalunsuran. Nitong Pebrero 12, sa utos ni Chief Supt. Edgardo Aglipay, hepe ng PNP-National Capital Region, marahas na binuwag ng mga pulis ang piketlayn ng mga nagpuprotestang empleyado ng Manila Hotel. Marami sa kasapi ng Manila Hotel Employees' Association (MHEA) ang nasaktan sa pagbuwag na isinagawa ng may 150 pulis ng Western Police District, Central Police District at Special Weapons and Tactics Team. Labindalawa naman, kabilang ang presidente ng MHEA na si Ferdinand Barles, ang hinuli at kinasuhan. Sa kabila ng karahasang ito, nagtuluy-tuloy ang protesta ng mga empleyado ng Manila Hotel at mga tagasuporta nito. Ngunit sadyang kamay na bakal ang tugon ng rehimen sa kanilang mga hinaing. Nitong Pebrero 14, naulit ang marahas na dispersal sa kanila. Hinuli sina Crispin Beltran at Arnaldo Seminiano ng Kilusang Mayo Uno KMU), Teddy Casi�o ng Bagong Alyansang Makabayan at Peter Banatan, myembro ng MHEA. Bago pa nito, binomba naman ng tubig ang 300 myembro ng KMU, Anakbayan at League of Filipino Students (LFS) sa tapat ng upisina ng Pilipinas Shell sa Makati noong Pebrero 4 habang naglulunsad ng pagkilos laban sa panibagong pagtaas ng presyo ng langis. Pinagpapalo ng mga pulis ng truncheon ang mga demonstrador. Tatlumpo ang iniulat na nasaktan sa insidenteng ito. Kasabay din nito ang marahas na dispersal sa mga nagraraling estudyante sa harap ng embahada ng US. Pinagbabatuta ang mga estudyante sa kanilang ginawang pagtuligsa sa nagaganap na "Balikatan 2000". Nitong Enero 27, apat ang inaresto sa rali sa Malakanyang matapos ang marahas na dispersal na ginawa ng mga pulis sa mga nagpuprotestang estudyante mula sa LFS, College Editors Guild of the Philippines, National Union of Students of the Philippines at Anakbayan. Hinihiling nilang itaas ang badyet sa edukasyon. Sa harap mismo ng mga kongresista, pakaladkad namang inilabas ng mga bantay sa Kongreso ang mga aktibistang estudyante noong Enero 10 nang ipahayag nila ang kanilang pagtutol sa ginawang pagbawas sa badyet sa Unibersidad ng Pilipinas at iba pang pampublikong kolehiyo at pamantasan. Ang tumitinding lantarang pasismo sa kalunsuran ang patakaran ng estado upang pahupain ang umaalimpuyong galit ng mamamayan. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|