|
|
Sa lubos na pagsang-ayon ng rehimen sa pagbabansag ng US sa PKP at BHB bilang mga terorista, winawakasan na nito sa esensya ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng reaksyunaryong Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at ng NDFP. Ginagamit ito ng rehimen upang umano�y pilitin ang rebolusyonaryong kilusan na paluhod na bumalik sa negosasyon gayong ang rehimen ang nagsuspinde at gumagawa ng kung anu-anong balakid sa usapan. Malaon nang ipinipilit ng GRP negotiating panel na madaliin ang pagbubuo ng isang �pinal na kasunduan� taliwas sa mga nauna nang napagkasunduang balangkas at adyenda ng negosasyon. Patuloy ding tumatanggi ang rehimen na tupdin ang mga responsibilidad nito kaugnay ng mga pirmado nang kasunduan. Sa halip na pormal na makipag-usap, iginigiit ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang �walang taning na di-pormal na pag-uusap� upang pagtakpan ang katotohanang tinatalikuran na nito ang negosasyon. Ayon sa NDFP, nananatili itong bukas na makipag-usap sa kasalukuyang rehimen kung nakahanda itong muling buksan ang pormal na usapang pangkapayapaan. Kung hindi, nakahanda rin ang NDFP na hintayin na lamang ang susunod na rehimen bago muling makipag-usap.
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|