|
Paglapastangan sa prinsipyo ng pambansang kasarinlan: Nanganganib ang pagpapatuloy ng usapan
Matapos ilang buwang sagkaan ang pagsulong ng usapang pangkapayapaan, tuluyan na itong isinasapanganib ng rehimeng Macapagal-Arroyo bunsod ng pagpapapasok nito ng daan-daang tropang Amerikano sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
Ang bagay na ito, pati na ang ipinakitang kawalan ng interes ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa usapang pangkapayapaan, ay isinasaaalang-alang ngayon ng Pambansang Konseho ng National Democratic Front. Pagpapasyahan ng NDF kung itutuloy pa o hindi ang pakikipagnegosasyon nito sa gubyerno ni Macapagal-Arroyo.
Isinasaad sa The Hague Joint Declaration ng 1992, ang dokumentong naglalatag ng mga saligang alituntunin sa pagdaraos ng usapang pangkapayapaan, na isa sa mga prinsipyong kapwa itataguyod ng dalawang panig sa usapan ay ang prinsipyo ng pambansang kasarinlan.
Ang pagpapasok sa mga tropang Amerikano sa teritoryo ng bansa ay tahasang paglapastangan ng rehimen sa prinsipyo ng pambansang kasarinlan. Isa itong hakbanging mas masahol pa sa ratipikasyon ng Visiting Forces Agreement noong 1998 na naging dahilan sa likod ng pagpapasya ng NDF na itigil ang usapang pangkapayapaan sa rehimeng Estrada sa parehong taon.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) Enero 2002 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|