Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Sahod, itaas!

 Read this article in English

Wasto at lalong nagiging kagyat ang panawagang dagdagan ang sahod ng mga manggagawa at sweldo ng mga kawani sa harap ng papatinding pang-aapi at pagpapahirap ng rehimeng US-Arroyo. Hindi na ito kailangang palawigin pa laluna sa mga manggagawang araw-araw na nagtataguyod sa kanilang pamilya sa gitna ng matinding kahirapan. Sa darating na Mayo Uno, marapat lamang na muli itong itambol sa buong bansa, kasabay ng panawagang patalsikin na ang reaksyunaryong rehimen.

Paano pa man duktorin ng gubyerno ang mga estadistika, hindi nito maikakaila ang naghuhumiyaw na pangangailangan para sa dagdag na sahod. Bago pa man aminin ng rehimen na dumoble ang tantos ng implasyon nitong Marso kumpara noong nakaraang taon, malaon nang nagdurusa ang mamamayan sa pagsirit ng presyo ng mga pangunahing serbisyo at bilihin. Bagu-baguhin man ng pinakamasusugid na alagad ng rehimen ang depinisyon ng disempleyo, hindi nito maitatago ang pagdami ng mga walang trabaho, kabilang ang mga katatapos lamang sa kolehiyo.

Tanging ang dagdag na `125 sa kasalukuyang `250 arawang sahod ang magbibigay ng kagyat na ginhawa sa milyun-milyong pamilya ng mga manggagawa. Bago pa man ang mga bagong buwis at lingguhang pagtaas ng presyo ng langis, aabot na sa mahigit `500 ang kinakailangan ng isang anim-kataong pamilya upang mabuhay nang disente.

Harap-harapang kinukutya ng rehimen ang paglaban ng mga manggagawa hindi lamang sa patuloy na pagtanggi nitong itaas ang sahod kundi pati sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa tuluy-tuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin at serbisyo. Labis-labis ang galit ng mga manggagawa sa rehimeng Arroyo nang igiit nitong aprubahan muna ang mga dagdag na buwis bago pag-isipan ang pagtataas ng sahod. Hindi pa man sumasayad sa kamay ng mga manggagawa ang sahod ay binabawi na ito ng reaksyunaryong gubyerno at mga monopolyong kumpanya!

Gayundin, magkakaroon lamang diumano ng sapat na dahilan para itaas ang sahod kung tataas ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan. Ginagawang pain ng rehimen ang posibleng pagpapataas ng pamasahe upang wasakin ang pagkakaisa ng sektor ng transportasyon at malawak na hanay ng mamamayan, kabilang na ang mga manggagawa, laban sa Oil Deregulation Law at iba pang batas at patakarang nagpapahirap sa mamamayan. Sa pamamagitan nito, inaasahan ng rehimeng Arroyo na magbubulag-bulagan na lang ang mga manggagawa sa arbitraryong pagtataas ng mga kumpanya ng langis sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Marapat na ipamalas sa rehimen ang aktwal na lakas ng organisadong pagkilos ng mga manggagawa at mamamayan upang tigilan na nito ang pagmamaliit sa pakikibaka para sa dagdag na sahod.

 


 Back to topNext article

21 Abril 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Sahod, itaas!
Pambansang tigil-pasada, matagumpay na nailunsad
Dumarami ang kaaway ng rehimeng US-Arroyo
Pandarahas sa mga progresibong pwersa, nagpapatuloy
Daan-daang residente, namakwit sa Samar
Matatagumpay na opensiba ng BHB
6 na armas nasamsam, 6 na sundalo napatay sa ambus sa Samar

BHB sa Mindanao, umani ng ibayong tagumpay
Bello, tagapagtanggol ni Arroyo
Sino si Pedro Tejino?
Rehimeng US-Arroyo: Pinakamalaking bugaw sa Pilipinas
Mga batang ibinubugaw
Huwad na reporma sa lupa ng gubyerno, inutil
US, numero unong lumalabag sa karapatang-tao
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.