Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Tungkol sa diumano�y malawakang pagrerekrut ng BHB ng mga mandirigmang bata

 Read this article in English

Komisyong Militar ng Komite Sentral
Partido Komunista ng Pilipinas
30 Agosto 1999

Ang mga bata at kabataan ay mga sektor ng lipunan na itinuturing ng rebolusyonaryong kilusan na dapat pukawin, organisahin at pakilusin para sa rebolusyon. Milyun-milyong bata at kabataang anak ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang pinagsasamantalahan at inaapi ang isinasadlak ng bulok na naghaharing sistemang malakolonyal at malapyudal sa labis-labis na paghihikahos, pagkabusabos at madilim na kinabukasan.

Ibayo pa silang pinahihirapan ng kasalukuyang sagadsaring reaksyunaryo, papet, anti-demokratiko at antimasang rehimeng US-Estrada. Sa patakaran ng imperyalistang �globalisasyon� at todong denasyunalisasyon, deregulasyon at liberalisasyon�sila at ang kanilang mga ama at ina ay walang-awang ipinauubaya sa kasakiman sa dambuhalang sobrang tubo ng dayuhang monopolyong kapital at paghuthot ng mga lokal na malaking burgesyang kumprador at uring panginoong maylupa. Biktima sila ng malaganap na mga kampanya at operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police na tinatampukan ng mga sapilitang pagpapalikas, pagkontrol sa pagkain at populasyon, walang patumanggang panganganyon at pamamaril, mga iligal na panghahalughog at pag-aresto, at iba pang klase ng pasistang pang-aabuso at pananakot.

Ang rebolusyonaryong kilusan sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang Bagong Hukbong Bayan sa partikular, ay isang batang kilusan. Mga kabataang nasa kasibulan ng gulang ang bumubuo ng malaking mayorya ng mga kadre, kasapi, upisyal at kawal ng rebolusyonaryong kilusan. Karapat-dapat lamang ito. Sa kasaysayan ng bansa paulit-ulit na pinatunayan ng kabataan na sila ang pinakabukas at pinakainteresado sa rebolusyonaryong pagbabago at pagsulong. Kailangan din ang sigasig ng kabataan at ang matatag na pananalig nila sa kinabukasan para sa pagpupunyagi sa pakikibaka sa kabila ng napakaraming hirap at pagsubok. Isang matingkad na tagumpay ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto ang muling pagsigla ng paglahok ng mga kabataan sa rebolusyonaryong pakikibaka at ang kapuna-punang paglaki ng bilang ng bagong dugo sa mga buong-panahong pwersa ng kilusan.

Kaalinsabay, mulat ang Partido, BHB at kilusan sa kabuuan sa mga partikular na katayuan at pangangailangan ng mga nasa murang gulang, laluna ang mga bata. Ang kilusan ay binubuo rin ng iba�t ibang tipo ng organisasyon at pwersang militar at di militar at lumalahok sa iba�t ibang tipo ng aktibidad at pakikibakang armado at di armado, ligal at iligal, sa mga larangang pulitikal, ekonomiko, kultural, pang-organisasyon, pangkalusugan, militar at iba pa. Kaya habang ubos-kayang pinalalahok sila sa rebolusyon, ang mga murang gulang ay sadyang inaalis sa mga gawaing pangkombat at pangmilitar. Ang mga bata ay inoorganisa sa ilalim ng pagkalinga ng rebolusyonaryong samahan ng kababaihan para bigyan ng namumukod na pansin ang kanilang mga pangangailangan sa kalusugan at edukasyon na labis na pinababayaan ng mga reaksyunaryong naghaharing uri.

Sadyang tumatalima ang rebolusyonaryong kilusan sa mga internasyunal na batas at tuntunin sa digma, na nagbabawal sa pagrerekrut ng mga batang wala pang 15 taong gulang para sa mga gawaing pangkombat. Higit pa rito, noong 1988 ay gumawa ng malinaw na desisyon ang Kawanihang Pampulitika ng Komite Sentral ng Partido na nagtatadhanang di bababa sa 18 taong gulang ang maaaring rekrutin sa mga yunit na pangkombat ng BHB. Ang usaping ito at iba pang usapin sa paggalang sa mga karapatangtao ay sinaklaw ng unang yugto ng usapang pangkapayaan ng GRP at NDFP at ng Komprehensibong Kasunduan (CARHRIHL) na inaprubahan at pinirmahan ng dalawang panig pero tinatanggihang ipatupad ng rehimeng Estrada.

Habang pinapawalang-sala at ibinabalik sa kapangyarihan ang mga Marcos at mga pinakamasahol na yumuyurak sa mga karapatang-tao sa Pilipinas, ang pangkating Estrada at ang mga alipures nito sa AFP at PNP ay pilit na nagpapakulo ng isyu ng paglabag daw ng BHB sa mga karapatang-tao at pagparatang ng malawakang pagrekrut ng mga mandirigmang bata. Hanggang ngayon, wala silang naipakikita kundi ilang hiwa-hiwalay na kaso sa ilang lugar na ang mas marami ay mga biktima ng mga iligal na pag-aresto at huwad na paratang na mga kasapi ng BHB. Matagal nang gawi ng AFP at PNP na akusahang mga kagawad ng BHB at taniman ng huwad na ebidensyang baril kahit ang mga kasapi ng mga organisasyong masang di armado at di pangmilitar at maging ang mga elementong nasa ligal na kilusang demokratiko. Inaasahan ng Partido at BHB na hindi titigil, bagkus ay mas sasahol pa ang panlalait at pang-iintriga ng reaksyunaryo at pasistang rehimeng US-Estrada habang kanilang pinaiigting ang militaristang Oplan Makabayan na naglalayong patigilin ang armadong labanan sa bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal.

Pinatutunayan ng mga datos na ang BHB sa kabuuan ay tumutupad sa mga internasyunal na batas at tuntunin sa digma kabilang ang pagbabawal sa pagrekrut ng mga bata sa mga gawaing pangkombat. May malinaw na sariling mga internal na tuntunin din ang Partido Komunista at ang BHB tungkol sa pagpapatupad nito. Sa pagkakataong ito ay muling pinaaalalahanan ng Komisyong Militar ng Partido at Pambansang Pamatnugutan sa Operasyon ng BHB ang lahat ng kumand at yunit ng BHB sa iba�t ibang dako ng bansa na mahigpit na tiyakin ang pagpapatupad ng patakaran ng Partido at alituntunin ng BHB kaugnay nito.

Ilantad at labanan ang walang habas na pang-aapi
at pagsasamantala sa kabataan ng imperyalismong US
at mga naghaharing uring kumprador burgesya at panginoong maylupa!
Pag-ibayuhin ang pagmumulat sa mga bata at kabataan para sa rebolusyon!

 


Previous articleBack to topNext article

12 Nobyembre 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Samantalahin ang krisis sa paghahari ng reaksyunaryong rehimeng Estrada

Editoryal:
Batiin ang ika-21 siglo at ang bagong milenyo nang may kapasyahang paigtingin ang rebolusyon

Hinggil sa mga batayan at espesyal na taktikal na opensiba
Ang unos ng paglaban sa globalisasyon
Ang lumalawak na imperyo ni Lucio Tan
Sa pag-upo ni Lacson bilang hepe ng PNP:
Paghasa sa pasistang pangil ng rehimeng US-Estrada

Tumitinding pasismo ng rehimeng US-Estrada
Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Tungkol sa diumano�y malawakang pagrerekrut ng BHB ng mga mandirigmang bata
Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ilang mahahalagang impormasyon

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Memorandum hinggil sa minimum na rekisitong edad para sa mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Pag-oorganisa ng mga bata sa kanayunan

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ang miserableng kalagayan ng mga manggagawang bata sa Pilipinas

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Kontra-rebolusyonaryong karahasan laban sa mga bata sa kanayunan

Hinggil sa usapin ng nasyunalidad at karapatan sa pagpapasya sa sarili
Malawakang pagkilos para sa karapatang-tao, idinaos
Ang moro-morong negosasyon sa pagitan ng rehimeng US-Estrada at pangkating Tabara-dela Cruz
Di makataong pagtrato kay Ka Parago, kinundena
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.