Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa ibayong dagat:
Upisyal na patakaran ng US ang paggamit ng tortyur

 Read this article in English

Sa nakaraang ilang linggo, sunud-sunod na nabunyag ang sistematiko at laganap na paggamit ng mga pwersa ng US ng tortyur sa mga mandirigma at maging mga sibilyang Iraqi sa kulungan ng Abu Ghraib. Sinikap itong pagtakpan ng mga upisyal ng gubyerno at militar ng US. Ang mga ito diumano ay gawa lamang ng ilang bulok na indibidwal at hindi kailanman hinihikayat ng US.

Sa katunayan, ang paggamit ng US ng tortyur, pang-aabuso at brutalidad laban sa mga sibilyan at bihag ng digma ay isang sadya at laganap na patakaran. Hindi kakaiba ang mga pangyayari sa Abu Ghraib at sa iba pang kulungang pinatatakbo ng US sa iba pang dako ng mundo.

Ang burukrasyang militar ng US ang siya mismong nagluluwal ng mga libro at manwal sa "syensya" at mga teknik sa tortyur na ginagamit ng mga sandatahang pwersa nito. Nagpapatakbo ito ng mga paaralan, katulad ng School of the Americas, na nagsasanay ng mga regular na pwersang militar at pulis at mga grupong vigilante at paramilitar mula sa iba't ibang bahagi ng mundo sa pinakaabanteng paraan ng tortyur, ekstorsyon at asasinasyon. Ang mga sinanay rito ay naghasik ng pinakamasasahol na kaso ng panonortyur, pangmamasaker at terorismo ng estado sa mundo.

Nabunyag noong nakaraang taon na aprubado ng Defense Department ng US ang paggamit ng 20 teknik sa interogasyon ng mga bihag sa digmaan. Kabilang sa mga teknik na ito ang paggamit ng sikolohikal at pisikal na dahas.

Ginawang upisyal na patakaran ang paggamit ng pinakabrutal na mga pamamaraan. Kabilang dito ang walang taning na solitary confinement (detensyon nang nag-iisa), sobrang pananakot at ingay upang hindi makatulog ang mga bilanggo at pagmanipula sa kanilang pagkain. Dagdag dito, pinahintulutan ding hubaran, hiyain at tratuhing hayop ang mga bilanggo.

Sa Afghanistan, libu-libong bilanggong Taliban na nabihag ng mga pwersang Amerikano noong Nobyembre 2001 ang isiniksik lamang sa mga container van at hinayaang mamatay sa gutom at sobrang init. Dokumentado rin ang paggamit ng tortyur at pagpatay ng mahigit 3,000 kalalakihang Afghan sa kulungan ng Mazar-i-sharif sa base militar ng US sa Afghanistan. Katulad ng nangyari sa Abu Ghraib, nabunyag din ang kahayupan ng mga pwersang Amerikano nang lumabas sa mga pahayagan at telebisyon ang mga litrato ng mga bilanggong Afghan na nakahubad, nakatali at binusalan. Hindi ligtas maging ang Amerikanong si John Walker Lindh na nabihag kasama ng mga pwersang Taliban at nakilala bilang "American Taliban." Ibinunyag ni Lindh na kabilang siya sa mga bilanggong ikinulong sa container van na walang pumapasok na hangin, tubig at pagkain. Hinubaran at itinali rin siya na parang hayop upang hiyain at takutin.

Sa base militar nito sa Guantanamo, Cuba, pinatatakbo ng US ang Camp X-Ray kung saan dalawang taon na silang iligal na nagkukulong ng mahigit 600 na bihag na umano'y mga terorista. Tumatanggi ang US na ipailalim ang mga ito sa Geneva Conventions na gumagabay sa wasto at sibilisadong pagtrato sa mga bihag ng digma. Walang kinikilala ang US na anumang karapatang-tao ng mga bilanggo rito. Ayon sa ilang napalaya na bunga ng mga pagkakasiwalat at kampanya laban sa mga kahayupan ng US sa Guantanamo, dumaranas ang mga bilanggo roon ng pinakamalulupit na tortyur at pang-aabuso sa kamay ng mga nag-iimbestiga at mga gwardya.

Kahit na sinasabi ng mga upisyal ng gubyerno at militar ng US na may pagkakaiba ang mga patakaran at pamamaraan sa pagtrato nila sa mga bilanggo sa Guantanamo, sa kalahatan ay parehong mga patakaran at pamamaraan ang ginagamit nila sa mga bihag nila sa Afghanistan, Iraq at iba pang lugar.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Hunyo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Krisis sa pulitika, matabang lupa para sa rebolusyon

Mga kaso ng pandaraya at pandarahas sa eleksyon
NDF, nagbabalang aatras sa usapang pangkapayapaan
Ibayong pagtindi ng krisis pangkabuhayan
Panandaliang ilusyon ng pag-unlad
Malawakang paghihikahos: Ilang tampok na datos
Sumisirit ang presyo ng langis
Ang matinding kaapihan ng kababaihang magbubukid
Sa ibayong dagat:
Upisyal na patakaran ng US ang paggamit ng tortyur
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.