|
Sadyang magkaiba ang AFP at BHB�Gen. Jarque
Mariing binatikos ni Brig. Gen. Raymundo T. Jarque (ret.) ang Armed Forces of the Philippines sa sagad-sa-butong korapsyon nito habang pinuri naman niya ang Bagong Hukbong Bayan (BHB).
Ang mga kasong kinakaharap ni Gen. Carlos Garcia at ang tangkang pagtakpan ito ng mga heneral, ayon kay Gen. Jarque, ay patunay na batbat ng korapsyon ang buong burukrasyang militar. Ani Jarque sa isang panayam sa Negros Occidental, pinakamasamang lihim ng militar at maging ng Philippine National Police ang korapsyon. Kahit siya ay nakagawa rin ng maliitang korapsyon nang nasa serbisyo pa, pag-amin ng dating heneral.
Matatandaang noong 1995 ay nagulat ang bansa nang talikuran ng heneral ang AFP at umanib siya sa BHB dahil sa gawa-gawang mga kaso laban sa kanya. Si Jarque ay nagtagal nang dalawang taon sa kabundukan at kanayunan ng Negros upang humingi ng tawad sa masang sinalanta ng AFP. Lumantad siya noong 1997 upang maging konsultant ng NDF peace panel.
Ayon kay Jarque, sinusunod ng BHB ang sistema ng kumand na halos sandaang porsyentong mas mabuti kaysa sa AFP. Aniya, sa BHB ay "walang mga heneral, lahat ay mga kasama. Walang hinihintay na sweldo� at ginugugol ng lahat ang kanilang panahon para sa bayan."
"Di hamak na malaki ang pagkakaiba ng AFP sa BHB," wika ni Gen. Jarque.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 07 Nobyembre 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|