Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa kabila ng tigil-putukan:
Patuloy ang atake ng AFP sa MILF

 Read this article in English

Tahasang tinanggihan at patuloy na binabalewala ng rehimeng Arroyo ang deklarasyon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ng 10 araw na tigil-putukan mula Hunyo 2 upang mabigyang-daan ang muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan nito at ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP).

Sa halip, iniutos ni Arroyo sa AFP na pag-ibayuhin pa ang mga atake laban sa MILF. Pinipilit din ni Arroyo ang MILF na pumirma sa isang "pinal na kasunduang pangkapayapaan" na nagtatakda ng pagsuko nito sa rehimen, pagpapadakip sa mga pwersa ng MILF na nagsagawa umano ng mga pambobomba at pagbubunyag sa kanilang mga pusisyon � na pawang imposibleng sundin ng MILF.

Dahil dito, halos tiyak nang maibabasura ang usapang pangkapayapaan. Ani Ignacio Bunye, tagapagsalita ni Arroyo, anumang araw ay posibleng pormal nang ibilang ng GRP sa talaan nito ng mga "terorista" ang MILF at tuluyan nang isara ang negosasyon.

Isang araw matapos ianunsyo ng MILF ang planong tigil-putukan mula Hunyo 2 hanggang Hunyo 12, binomba ng mga eroplanong OV-10 Bronco at Tora-Tora ng AFP ang isang baryo sa Butig, Lanao del Sur. Marami umanong tauhan ng MILF ang napinsala, ayon sa matataas na upisyal ng militar.

Mariing kinundena ng Muslim Multisectoral Movement for Peace and Development ang pambobomba. Ayon naman kay Al Haj Murad, Vice Chairman for Military Affairs ng MILF, tiyak na mga sibilyan ang tinamaan sa mga pambobomba dahil walang kampo ang MILF sa lugar.

Ayon kay Murad, idineklara ng Komite Sentral ng MILF ang tigil-putukan bilang tugon sa panawagang kapayapaan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, Bishops-Ulama Conference at iba pang nagtataguyod ng kapayapaan sa Mindanao. Nagbabala naman si Ghadzali Jaafar, Vice Chairman for Political Affairs ng MILF, na magiging malaking pagkakamali ng gubyernong Arroyo kung hindi nito positibong tutugunin ang tigil-putukan.

Habang wala pang tigil-putukan, ipinagpatuloy ng MILF ang mga gerilyang atake nito sa AFP para labanan ang mga walang humpay na opensibang militar ng rehimen.

Noong Mayo 31, pitong elemento ng CAFGU ang namatay nang ambusin sila ng mga gerilya ng MILF sa South Upi, Maguindanao. Noon namang Mayo 29, tatlong sundalo at 12 elemento ng CAFGU ang namatay nang salakayin ng MILF ang dalawang magkalapit na detatsment ng 40th IB sa Carmen, North Cotabato. Nakasamsam ang MILF ng dalawang garan at isang M16.

Samantala, walang patid ang pananalakay ng mga pwersa ng gubyerno sa mga pwersa ng MILF, kaya naoobliga itong patuloy na magtanggol at lumaban.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Hunyo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ibayong inaarmasan ng US ang rehimeng Arroyo

Mas malaking palagiang presensyang militar, itinutulak ng US
Sa kabila ng tigil-putukan:
Patuloy ang atake ng AFP sa MILF
Mga Ulat Koresponsal:
Mga tagumpay sa rebolusyong agraryo, inaani sa Samar

Sa Ibayong Dagat:
Kasinungalingan sa likod ng gera sa Iraq

Sa Ibayong Dagat:
Bagong planong nukleyar ni Bush

Sa Ibayong Dagat:
Dambuhalang propagandista ng imperyalismo

Sa Ibayong Dagat:
Mga sundalong British, nantortyur ng mga Iraqi

Sa Ibayong Dagat:
Parang pelikulang Rambo

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.