![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Kabulastugan ang astang kontra-krimen at kontra-katiwalian ng rehimeng Estrada. Sa sistemang malapyudal at malakolonyal, ang masang Pilipino ay kriminal na pinagsasamantalahan at inaapi ng magkasanib na diktadura ng malaking burgesyang komprador at uring panginoong maylupa sa mando ng imperyalismong US. Ang pinakamasahol na mga kriminal ay yaong mga nasa kapangyarihan na nagtataguyod ng sistemang antinasyunal at antimamamayan. Nangunguna sa mga ito ang mga armadong tagapagtanggol nila, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) at ang mataas na kumand ng mga ito. Ang bulok na sistemang ito ang nagluluwal at nagkakanlong ng mga pusakal na sindikato, mga �nakaunipormeng kriminal� at ng lahat ng mga tiwali at magnanakaw na pulitiko at burukrata. Mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas na andana ng burukrasyang militar at sibil, karaniwan ang katiwalian at sabwatan ng mga kriminal na tinutugis ng batas at mga alagad diumano ng batas. Hindi sikreto ang malapit na kuneksyon ni Estrada at iba pang pulitiko sa mga kilalang �panginoon� ng mga kriminal na sindikato. Ayon na mismo sa Presidential Task Force on Intelligence and Counter-Intelligence, mayroong 2,423 pulis at militar na natukoy na kabilang sa mga sindikatong kriminal; 1,842 sa kanila ang nasa aktibong serbisyo. Sila ang nasa gulugod ng 507 sindikatong may 6,020 kasapi na nag-ooperasyon sa iba�t ibang bahagi ng Pilipinas. Ipinakikita ng nag-aapoy na alitan sa pagitan ng kalihim sa depensa na si Orlando Mercado at mga heneral na hindi na maaaring ilihim sa publiko ang malalaking katiwalian sa loob ng burukrasyang militar. Nabunyag na bilyon-bilyong pondong laan para sa benepisyo ng mga karaniwang sundalo (tulad ng Retirement and Separation Benefits System) ay nilustay ng mga heneral. Agawan ng Pwesto sa Burukrasya Kasabay ng pagpwesto sa Malakanyang, agad inumpisahan ni Estrada ang pagpapalakas at pagkonsolida ng kontrol sa burukrasya ng sandatahang hukbo at pulisya. Pangunahing umaasa si Estrada sa paksyon ng dating pasistang diktador na si Marcos, ilang elemento ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) at ilan ding dating tauhan ni Ramos sa loob ng AFP. Upang makonsolida ang kanyang kontrol dito, hinirang niya si Mercado sa Kagawaran sa Depensa. Katuwang nila ang bagong hepe ng AFP na si Tin. Hen. Joselin Nazareno. Pinili si Nazareno sa kabila ng kanyang mahinang rekord sa pamamatnugot bilang gantimpala sa aktibo niyang pangangalaga sa mga boto ni Estrada sa Mindanao. Para matiyak ang kontrol sa pulisya, hinirang ni Estrada ang sarili bilang Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal, ang ahensyang nangangasiwa sa PNP. Tulad ng alkalde ng isang maliit na bayan, kanyang hinahalukay at binabalasa ang PNP para ipwesto ang kanyang mga tao at ipabatid sa mga pulis at mga kriminal kung sino ang bagong amo. Hinirang si Hen. Roberto Lastimoso bilang bagong hepe ng PNP sa kabila ng kakulangan nito ng �seniority�--bagay na ikinagalit ng mga nakatataas na upisyal ng pulisya. Ipinwesto sa mga estratehikong kumand ng PNP ang pinakamasugid na mga alipures ni Estrada na pawang bahagi ng Class �71 ng Philippine Military Academy at naging mga �bata� niya sa Presidential Anti-Crime Commission (PACC). Mahaba ang rekord ng grupong ito sa paglabag sa mga karapatang-tao. Mga bagong tinyente pa lamang sila sa Philippine Constabulary noong unang mga taon ng batas militar nang napabilang sa pusakal na Metropolitan Intelligence and Security Group (MISG) ng berdugong si Kor. Rolando Abadilla. Responsable ang MISG sa pagdakip, pagtortyur at pagpatay sa daan-daang aktibista, progresibong pwersa at iba pang kalaban ng diktadurang Marcos. Bilang babala sa mga pulis at militar na hindi aayon sa palakad ng rehimen, nagbanta si Estrada na �hindi bibigyan ng pangalawang pagkakataon� ang mga tiwaling pulis at militar. Sa kabilang banda, tinangka rin niyang amu-amuin ang mga ito sa pamamagitan ng pangakong umento sa sweldo at alawans at proyektong pabahay. (Pero dahil sa laki ng depisit sa badyet, agad binawi ang pangakong dagdag sa sweldo at sinabing take-home pay lamang ang palalakihin sa pamamagitan ng pagbabawas sa kinakaltas na buwis.) Mapanupil na Patakaran: Nakakubli sa Programang Anti-Krimen Tusong ginagamit ng rehimeng Estrada ang malawak na pagkamuhi ng mamamayan sa laganap na krimen at katiwalian sa lipunan para ipuslit ang mga mapanupil na hakbangin. Itinatag ni Estrada ang Presidential Commission Against Organized Crime para ibaling ang atake at pagtutol laban sa pagbuo ng kanyang death squad: ang makapangyarihang Task Force Against Organized Crime (TFAOC). Iniupo niya sa Komisyon ang mga sibilyang grupong antikrimen para pabanguhin ang pangalan ni Hen.Panfilo Lacson at ng kanyang mga alipures sa dating PACC. Sa pamumuno ni Estrada, ang TFAOC ay may kapangyarihang lusutan kahit ang mga burgis na proseso ng paglilitis at paghatol. Sa loob nito�y nakapwesto ang mga tauhang may mahabang rekord ng katiwalian at pangaabuso. Tiyak na gagamitin ito ni Estrada upang lipulin ang maliliit na sindikatong kakumpitensya ni Atong Ang at mga �panginoon� ng krimen sa hanay ng mga upisyal ng PNP at AFP.
Hindi malayong gayahin ni Estrada ang mga operasyong anti-droga sa Latina Amerika na ginagamit ng gubyernong US para tuwirang manghimasok sa mga usaping militar at pulisya at tuwirang makialam sa mga kampanya ng �pagsugpo� sa mga rebolusyonaryong pwersa. Dito sa Pilipinas nitong dekada �90, mayroon nang mga pagkakataong sumasama ang mga tauhan ng US Drug Enforcement Agency sa mga tropa ng AFP sa mga operasyong laban diumano sa mga plantasyon ng marijuana sa Kordilyera. Pagtutol Ang pagkukumahog ni Estrada na isailalim sa kanyang kontrol ang AFP at PNP ay mag-uudyok lamang ng ibayo pa nitong pagkakahati-hati, lalo pa�t masasagasaan ang mga reaksyunaryong anti-Estrada at mga kakumpitensyang sindikatong kriminal. Bulok sa kaibuturan ang pulisya at militar. Ang �kapayapaan at kaayusang� kanilang pinananatili ay para lamang sa kapakanan ng naghaharing uri at mga kasabwat nilang kriminal. Ang pagkaligalig ng mamamayan sa harap ng papatinding krisis pangkabuhayan at pampulitika at lumalalang kriminalidad ay mabilis na natatransporma sa pagkundena sa estadong hindi lamang inutil sa pagtugis at pagsakdal sa mga kriminal, kundi kakutsaba pa ng malalaking sindikato. Tiyak na tutugunan ng papatinding paglaban ng mamamayan ang bawat mapagsamantala, mapang-api at kriminal na hakbang ng rehimen. ![]()
| ||||||||||||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|