Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ang miserableng kalagayan ng mga manggagawang bata sa Pilipinas

 Read this article in English

Umaabot sa 5.7 milyong bata ang nagtatrabaho bilang mga manggagawa upang itaguyod ang kanilang mga sarili at ang kanilang pamilya. Hindi pa kabilang dito ang libu-libong di nakatalang mga migranteng manggagawang bata. Ang mga manggagawang bata ay may edad na 17 anyos pababa, buong panahong nagtatrabaho at gumagampan ng mga gawaing bumabansot o nakasisira sa kanilang pisikal, emosyunal at sikolohikal na pag-unlad.

Karamihan ng mga manggagawang bata ay matatagpuan sa mga plantasyon at asyenda; sa mga bahay na saklaw ng out-jobbing ng ilang pabrika; at sa mga mala-impyernong maliliit na pagawaang nakakalat sa buong Pilipinas. Nagtatrabaho rin sila bilang mga katulong at ang iba ay nasa mga lansangan, nabubuhay sa pamamagitan ng paglalako at gayundin ng prostitusyon. Dahil walang kaseguruhan at karaniwang iligal na ineempleyo, di hamak na mas matindi ang pagsasamantala at paghihirap na dinaranas ng mga manggagawang bata sa mga lugar na ito. Nagtatrabaho sila sa pinakamasahol na kundisyon sa paggawa kapalit ng kakarampot na sahod, kung meron man.

Ipinagbabawal man sa batas ang paggamit ng lakas-paggawa ng mga bata, nagbubulag-bulagan ang reaksyunaryong gubyerno sa garapalan at walang pakundangang paglabag dito ng mga kapitalista at asendero. Katunayan, ang pagtutulak nito sa �globalisasyon� at pakikipag-unahan sa iba pang atrasadong bayang malakolonyal sa pag-aalok ng pinakamababang sahod sa mga dayuhang mamumuhunan, ay pag-engganyo sa kalakaran ng paggamit ng mga manggagawang bata na karaniwa�y tumatanggap ng ilang ulit na mas mababa sa minimum na sahod. Lalong lumalala ang kanilang miserableng kalagayan na ibinunsod ng atrasadong produksyon at lipunang pinahihirapan ng lumang pyudalismo at imperyalismo.

Mala-aliping katayuan

Napakamura, kundi man sagad sa kababaan ang presyo ng lakas-paggawa ng mga bata. Dahil sa matinding pangangailangan, marami sa kanila ang namamasukan kapalit ng barya-baryang sahod. Ang iba sa kanila ay nagtatrabaho bilang kabayaran sa mga utang ng kanilang mga magulang o kaya�y sumasama sa trabaho ng magulang nang hindi tumatanggap ng sariling sahod. Marami ang pinupwersang magtrabaho nang lagpas sa walong oras ng paggawa sa isang araw kapalit ng pagkain, tirahan at ilang kagamitan.

Sa industriya ng damit, karaniwang nagtatrabaho ang mga bata, edad 11 hanggang 14, sa kani-kanilang mga bahay o pabrika sa loob ng 11 oras sa isang araw. Sumasahod lamang sila ng sangkatlo sa itinakdang minimum. Yaong mga nakatira na rin sa loob ng maliliit na pabrika ay pinagbabayad pa ng upa. Kinakaltas din sa kanilang sahod ang gastos sa mga gamit tulad ng sinulid, karayom at iba pa at sa pagpapagawa ng mga makina.

Sa mga paggawaan ng mwebles na ratan at kahoy, sumasahod ang mga bata ng P15-P25 kada araw. Ang iba naman ay binabayaran sa bawat pirasong kanilang malilikha. Ang mga bata sa minahan ay tumatanggap lamang ng P40-P50 para sa buong araw nilang paghahakot ng mga sako ng batong-mina. Ang mga nasa edad ay sumasahod ng P250-P400 sa bawat araw.

Sa mga plantasyon ng gulay sa Hilagang Luzon, nagtatrabaho ang mga bata mula Lunes hanggang Sabado sa sahod na P25, mas mababa pa sa kalahati ng sahod ng nasa edad na manggagawang bukid. Sa mga plantasyon ng tubo, mga bata ang nagpuputol ng damo kapalit ng ilang sentimo sa isang araw. Pagabot nila ng 12 taong gulang, nagsisimula na silang magtabas ng tubo kapalit ng barya-baryang sahod.

Sa pangisdang sistemang muro ami, hindi sumasahod ang mga bata hanggat hindi nila nakukumpleto ang sampung buwang kontrata sa laot. Ang kakarampot na sahod ay kinakaltasan pa ng gastos sa pagkain habang nasa barko, sahod ng tagaluto, upa sa mga gamit at gastos pangmedikal. Doble pa ang tubo ng komersyante dahil may malaking patong sa presyo ng mga gastusing ito. Habang kadalasang umaabot sa 30-40% ang kinakaltas, may mga kasong umaabot ito sa 100%, at minsa�y sobra pa kaya�t napipilitang sumanib muli ang mga bata sa susunod na sampung buwang operasyon upang mabayaran ang kanilang mga utang.

Ang mga batang katulong, edad 10-17, ay naninilbihan sa kanilang mga amo nang mahigit 15 oras bawat araw, pitong araw sa isang linggo, at tumatanggap lamang ng mas mababa pa sa sangkatlo ng itinakdang minimum.

Makahayop na kundisyon sa paggawa

Nagtatrabaho ang mga batang manggagawa sa ilalim ng pinakamasasahol na kundisyon sa paggawa na malupit na pumipinsala sa kanilang murang pangangatawan at isipan. Marurumi at siksikan ang kanilang pinapasukang mga pagawaan o lugar ng paggawa. Madalas na walang maaayos na pasilidad at bentilasyon ang mga ito. Kadalasan ay wala, at kung mayroon man ay kulang, ang mga mekanismo at proteksyon na magtitiyak ng kanilang kaligtasan habang nagtatrabaho. Mas masahol pa, marami sa kanila ang nagtatrabaho sa napakapeligrosong gawain katulad ng underground mining, kung saan sila�y nakalalanghap ng nakalalasong kemikal at malapit sa malalaking makinaryang mapanganib para sa kanila.

Mas bulnerable ang maseselang katawan ng mga bata sa mabibigat na gawain at delikadong kundisyon sa paggawa. Mas madaling mapagod ang kanilang maliliit na katawan sa gawaing paulit-ulit at nakakaubos-lakas, lalupa�t nagdurusa na sila sa malnutrisyon. Wala silang kamuwang-muwang sa mga kinakailangang proteksyon upang mapangalagaan ang kanilang kaligtasan, at kung gayon ay mas malimit na magkasakit at maaksidente kaysa sa mga nasa edad na. Mayroong mga namamatay dulot ng sakit, pagod o aksidenteng dala ng kanilang mga trabaho.

Karaniwang idinadaing ng mga batang nagtatrabaho sa maliliit na pabrika ang pananakit ng likod at mata at paninigas ng kamay at binti. Ang palagiang eksposyur sa nakalalasong kemikal ay nagreresulta sa sakit sa balat, baga at mata.

Sa muro ami, ang mga batang walang gamit kundi kahoy na gagels (wooden goggles) ay pinasisisid nang may lalim na 100 talampakan. Dahil dito, pumuputok ang tainga nila. Dulot ng paulit-ulit at mahabang pamamalagi sa maruming tubig, madali silang kapitan ng mga sakit tulad ng tipus. Nanganganib sila sa mga pating at ibang malalaking isda.

Ang mga batang nagtatrabaho sa mga plantasyon at asyenda ay nakararamdam ng pananakit ng likod at paninigas ng binti at kamay. Madalas silang magkasugat at sa ilang pagkakataon, nagkakaroon ng permanenteng karamdaman o pinsala sa katawan (pagkaputol ng daliri o kamay) dulot ng paggamit ng matatalas na gamit pansaka.

Dagdag sa mga panganib ng pinasukang trabaho, dumaranas ang mga batang manggagawa ng sikolohikal at pisikal na pang-aabuso at pananakit.

Mayroong mga batang ikinukulong sa mga napakarurumi at siksikang pagawaan at pinagtatrabaho na animo�y mga hayop. Pinupwersa silang magtrabaho nang lagpas sa kanilang pisikal na kakayahan at pinagkakaitan ng karapatang umugnay sa pamilya at mga kaibigan. Hindi sila pinahihintulutan na makihalubilo sa isa�t isa ni magpahinga kahit ilang saglit. Madalas silang binubugbog, sinisigawan at dumaranas ng pangaabusong sekswal.

Sa harap ng walang habas na hambalos ng mga patakarang maka-imperyalista sa mga manggagawang bata at kanilang mga magulang, ibayong tumitindi ang kasalatan at paghihirap na kinasasadlakan nila sa gayong kadusta-dustang kalagayan.

Dito, ipinagkakait sa kanila hindi lamang ang nararapat na kabayaran sa kanilang paggawa kundi ang pagkakataon at kundisyong umunlad bilang mga bata � ang panahon para sa paglalaro, pakikipagkaibigan at pag-aaral.

Kailangang ilantad at mariiing batikusin ang sistema ng paggamit ng lakas-paggawa ng mga bata at ang kaayusang panlipunang nagbubunsod ng gayong pagsasamantala.

Gayundin, malaki ang pangangailangang organisahin ang mga manggagawang bata, kasabay ang kanilang mga magulang, upang aktibo nilang maipaglaban hindi lamang ang karapat-dapat sa kanila bilang mga manggagawang bata kundi pati ang kanilang mga karapatan bilang mga bata.

 


Previous articleBack to topNext article

12 Nobyembre 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Samantalahin ang krisis sa paghahari ng reaksyunaryong rehimeng Estrada

Editoryal:
Batiin ang ika-21 siglo at ang bagong milenyo nang may kapasyahang paigtingin ang rebolusyon

Hinggil sa mga batayan at espesyal na taktikal na opensiba
Ang unos ng paglaban sa globalisasyon
Ang lumalawak na imperyo ni Lucio Tan
Sa pag-upo ni Lacson bilang hepe ng PNP:
Paghasa sa pasistang pangil ng rehimeng US-Estrada

Tumitinding pasismo ng rehimeng US-Estrada
Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Tungkol sa diumano�y malawakang pagrerekrut ng BHB ng mga mandirigmang bata

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ilang mahahalagang impormasyon

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Memorandum hinggil sa minimum na rekisitong edad para sa mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Pag-oorganisa ng mga bata sa kanayunan

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ang miserableng kalagayan ng mga manggagawang bata sa Pilipinas
Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Kontra-rebolusyonaryong karahasan laban sa mga bata sa kanayunan

Hinggil sa usapin ng nasyunalidad at karapatan sa pagpapasya sa sarili
Malawakang pagkilos para sa karapatang-tao, idinaos
Ang moro-morong negosasyon sa pagitan ng rehimeng US-Estrada at pangkating Tabara-dela Cruz
Di makataong pagtrato kay Ka Parago, kinundena
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.