Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

"Malakas at matatag na republika" ni Macapagal-Arroyo: Pagsusulong ng pasismo at neokolonyalismo

 Read this article in English

Isang papuri sa pasismo at neokolonyalismo ang talumpati ni Gloria Macapagal-Arroyo sa harap ng Kongreso nitong Hulyo 22 na nagdeklarang itataguyod niya ang isang "malakas at matatag na republika". Taliwas sa ipinapangakong kaunlaran, ang "malakas at matatag na republika" ni Macapagal-Arroyo ay lipos ng kabulukan at magsisilbi lamang na pabigat at magpapalubha sa pagkabusabos at pagkaapi ng mamamayan.

Ang temang ito ng kanyang ikalawang State of the Nation Address ay nagbabanta ng ibayong panunupil sa mga karapatang-sibil at pagbasura sa mga natitirang sagabal sa todo-todong interbensyong militar ng US at mga operasyon ng dayuhang kapital sa bansa.

Kailangang hadlangan ang mga hakbanging ito. Kailangang buuin ang malawak na hanay ng pagkakaisa ng mamamayan upang harapin at puspusang labanan ang "malakas at matatag na republika" ni Macapagal-Arroyo.

BANTA SA MGA KARAPATANG SIBIL AT DIREKTIBANG PAIGTINGIN ANG DIGMA LABAN SA MAMAMAYAN

Sa pamamagitan ng "malakas at matatag na republika", nais ni Macapagal-Arroyo na bigyang-katwiran ang paglalatag ng mga batas at patakarang magpapasidhi ng pasistang pang-aapi sa mamamayan.

Ginagamit ngayon ni Macapagal-Arroyo ang animo�y bwelo ng kampanya laban sa "terorismo" at ang idineklara niyang tagumpay laban sa Abu Sayyaf at ilang tampok na kaso ng kriminalidad upang bigyang-katwiran ang pagsasakatuparan ng mga batas na umano�y susugpo sa terorismo at kriminalidad at magtataguyod ng kaayusan at kapayapaan.

Kaugnay nito, minamadali ni Macapagal-Arroyo ang kongreso na ipasa ang panukalang batas na "kontra-terorismo". Ang panukalang ito ay inihapag sa senado at kongrseo nina Sen. Robert Barbers at Kong. Imee Marcos (House Bill 3802). Halos kopya ito ng dati nang panukalang inihapag nina Sen. Orly Mercado at Sen. Juan Ponce Enrile noong 1995, pero hindi tuluyang naisabatas dahil puspusang nilabanan ng mamamayan.

Ayon sa pinalawak na depinisyon ng "terorista" sa panukalang ito, ang sinumang pumuna o bumatikos sa mga patakaran ng gubyerno ay maaaring ituring na "terorista" at isakdal at parusahan nang hanggang habambuhay na pagkabilanggo o bitay. Sa naturang depinisyon, pati ang mga rebolusyonaryo, mga progresibo, at lahat ng nagsasagawa o nagpapahayag man lamang ng pagtutol sa rehimen, ay maaaring ituring na "terorista". Isa itong kontra-rebolusyonaryo at pasistang panukala. Kung maisasabatas, yuyurakan nito ang mga saligang karapatang sibil, kabilang ang karapatan laban sa pag-aresto at detensyon nang walang mandamyento.

Kung si Macapagal-Arroyo ang masusunod, walang puwang ang kritisismo at mga protesta laban sa kanyang mga patakaran.

Kung si Macapagal-Arroyo ang masusunod, walang puwang ang kritisismo at mga protesta laban sa kanyang mga patakaran. Ang walang-patawad na pambabatuta at pambobomba ng tubig laban sa libu-libong mapayapang demonstrador noong Hulyo 22 sa Quezon City ay isinagawa sa mismong utos ni Macapagal-Arroyo, upang ipakitang siya�y isang matigas na lider at may kakayahang magtatag ng isang "malakas at matatag na republika".

Isinagawa ang marahas na pagbuwag na ito sa mga demonstrasyon bilang pasakalye sa deklarasyon ni Macapagal-Arroyo nitong Hulyo 24 na ibabasura na niya ang patakarang "maximum tolerance" (pagbibigay ng pinakamaluwag na puwang) sa pagharap sa mga demonstrasyon. Idineklara niyang ang pagharap ng kanyang gubyerno sa mga demonstrasyon noong Hulyo 22 ay pinakahuli nang pagkakataong makikita ang "maximum tolerance". Muling ipatutupad ang pasistang patakarang "no permit-no rally" at ang paggamit ng kamay na bakal upang buwagin ang militanteng mga pagkilos ng mamamayan. Idineklara rin niya ang "no maximum tolerance" laban sa mga rali sa pagdating ni US State Sec. Colin Powell sa unang linggo ng Agosto.

Muling binuhay ni Macapagal-Arroyo at ng kanyang militar ang "anti-komunistang" pananakot upang mabigyang-katwiran ang ginagawang pagsupil sa mga ligal na organisasyon at personahe at bigyan ng baluktot na katwiran ang mga brutal na operasyong militar. Ayon kay Macapagal-Arroyo, mga "komunista" na lamang ang tumutuligsa sa kanya. Nitong huli, binansagan pa niyang mga "kriminal" at "terorista" ang mga organisasyong nagtataguyod sa karapatang-tao.

Ginagamit ni Macapagal-Arroyo ang "anti-terorismo" na animo�y isang pangkalahatang lisensya upang gamitan ng pwersa at dahas ang sinumang babansagan niya at ng kanyang gubyerno bilang "terorista".

Gayon na lamang ang pagpupumilit niyang ipailalim ang armadong rebolusyonaryong kilusang pinamumunuan ng Partido Komunista sa kategoryang "terorista" at "mga kriminal na pumapatay sa ngalan ng pulitika". Binibigyang katwiran na lamang niya ang tuluyan nang pagbabasura sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDF at GRP at paglulunsad ng mababangis na atake sa rebolusyonaryong kilusan. Nais ni Macapagal-Arroyo at ng mga militarista sa kanyang gabinete na tuluyan nang alisin ang mga hadlang sa pagsasagawa ng todo-todong digma laban sa mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan sa kanayunan.

LAHATANG-PANIG NA DOMINASYON NG IMPERYALISMONG US

Sa kadulu-duluhan, nakaayon at nagsisilbi ang "malakas at matatag na republika" ni Macapagal-Arroyo sa hangaring lahatang-panig na isulong ang interes ng imperyalismong US sa Pilipinas. Nais ni Macapagal-Arroyo na gamitin ang buong pwersa ng estado upang sugpuin ang patriyotikong kilusan ng mamamayan at bigyang-daan ang pagsagasa ng imperyalismong US sa soberanya at pambansang patrimonya ng Pilipinas.

Tinitiyak ni Macapagal-Arroyo ang permanenteng presensya ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagdaraos ng mga "pinagsanib na pagsasanay militar" at pagbubuo ng mga karagdagang batas at kasunduan.

Matapos ituon sa Abu Sayyaf, nais ngayon ng rehimeng Macapagal-Arroyo na dalhin ang mga "pagsasanay" na ito sa mga teritoryo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) upang makapanghimasok ang US sa kontra-rebolusyonaryong digma.

Napipinto na ang pagpapatibay sa Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) na magbibigay-daan sa tuluy-tuloy na presensya ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas. Pinahihintulutan nito ang mga tropang Amerikano na magtayo ng mala-permanenteng mga pasilidad at istruktura para sa kanilang akomodasyon sa iba�t ibang panig ng bansa. Sa gayon, iniikutan nito ang mga probisyon ng konstitusyon na nagbabawal sa pagtatayo ng mga dayuhang base militar sa bansa.

Ipinwesto na rin niya sa Department of Foreign Affairs si Sen. Blas Ople, sagad-sagarang tuta ng imperyalismong US, upang madulas na pagtibayin ang MLSA at iba pang kasunduan at patakarang maka-US.

Sa ekonomya ng "malakas at matatag na republika", isasagad ang patakarang liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at denasyunalisasyon tungo sa todo-todong pagbubukas ng ekonomya ng Pilipinas sa imperyalistang "globalisasyon".

Balak ni Macapagal-Arroyo na lumikha ng mga bagong batas at baklasin ang nalalabi pang mga hadlang sa malayang pagpasok at operasyon ng dayuhang monopolyong kapital sa bansa.

Kabilang dito ang pagsasabatas ng Special Purpose Assets Vehicle (SPAV) na magbibigay-daan sa dayuhang kapitalista na magmay-ari ng mga lupain sa bansa � na pormal na ipinagbabawal pa rin ng reaksyunaryong konstitusyon.

Sa hangaring akitin ang dayuhang kapital sa bansa, sinusuportahan ni Macapagal-Arroyo ang panawagan ng US na magkaroon ng malalaking pagbabago sa mga probisyon ng reaksyunaryong konstitusyon na itinuturing nilang sagabal pa rin sa malayang operasyon ng dayuhang pamumuhunan, kabilang ang mga probisyon na pumipigil sa 100% dayuhang pag-aari sa mga negosyo sa Pilipinas.

HARAPIN AT BIGUIN ANG MGA PATAKARAN NG "MALAKAS AT MATATAG NA REPUBLIKA"

Ang deklarasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo na kanyang itatatag ang isang "malakas at matatag na republika" ay isang pagtatakip lamang sa mabuway niyang gubyerno at sa nabubulok at naagnas nang reaksyunaryong naghaharing sistema. Tanda ito ng desperasyon ng mga naghaharing uri na ipagtanggol ang mapagsamantala�t mapang-aping kaayusan sa harap ng napakatinding krisis sa loob at labas ng bansa at sa harap ng mabilis na sumusulong na mga paglaban upang wasakin ang reaksyunaryong paghaharing malapyudal at neokolonyal.

Habang buong hambog na nagtatalumpati si Macapagal-Arroyo, nanginginig naman ang kanyang tuhod sa pangambang hindi makatatagal sa poder. Sa harap ng mabilis na pagbulusok ng kanyang popularidad at lumalawak na panawagan na siya�y patalsikin, inilalatag ni Macapagal-Arroyo ang mga hakbangin upang busalan ang mamamayan at nyutralisahin ang mga reaksyunaryong kalaban niya sa pulitika.

Partikular na kailangang paghandaan ng BHB ang banta ng direktang pagsangkot ng mga tropang Amerikano sa mga kontrarebolusyonaryong operasyon...

Kailangang mabilis na kumilos ang mga rebolusyonaryong pwersa upang pagkaisahin ang mamamayan sa paglaban sa mga napipintong hakbanging pasista�t maka-imperyalista. Kinakailangang samantalahin ang pagkakahiwalay ni Macapagal-Arroyo sa pulitika, pati na ang pagkahiwalay niya sa ilang panggitnang pwersa at reaksyunaryong dati�y nasa kanyang paksyon, upang palawakin ang hanay ng mga pwersang bibigo sa pagtataguyod niya ng "malakas at matatag na republika".

Ang mga pwersang pambansa-demokratiko ay kailangang handang makipagkaisa sa iba�t ibang pwersa laban sa rehimeng Macapagal-Arroyo, maging sa mga batayang taktikal. Kasabay nito, kinakailangang pangunahan ng mga pambansa-demokratikong pwersa ang pagbubuo ng malawak na nagkakaisang prenteng nagtataguyod sa demokrasya, kapakanan ng mamamayan at pambansang soberanya.

Kailangang samantalahin ng BHB ang pagkamabuway at mabilis na panghihina ng rehimen ni Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng patuloy na paglulunsad ng malalaki at maliliit na taktikal na opensibang kayang ipagwagi habang patuloy na pinalalawak at pinalalakas ang baseng masa sa kanayunan.

Partikular na kailangang paghandaan ng BHB ang banta ng direktang paglahok ng mga tropang Amerikano sa mga kontra-rebolusyonaryong operasyon sa pamamagitan ng paglahok sa paniniktik, pagtataktisa o sa mga aktwal na armadong operasyon sa mga larangang gerilya ng rebolusyonaryong kilusan.

Ngayon pa ma�y kinakailangan nang puspusang kumilos ang mga patriyotiko�t demokratikong pwersa sa kalunsuran at sa kanayunan upang igiit ang pagpapalayas ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng puspusan at militanteng paglaban ng mamamayan, mabibigo si Macapagal-Arroyo sa hangarin niyang itaguyod ang kanyang "malakas at matatag na republika". Kung ipagpipilitan ni Macapagal-Arroyo na ipatupad ang mga patakarang pasista at maka-imperyalista, lalong magiging malinaw para sa malawak na mamamayang Pilipino na kailangang sama-sama at mapagpasyang kumilos upang wakasan ang kanyang rehimen.

 


 Back to topNext article

31 Hulyo 2002
Edisyong Pilipino


"Malakas at matatag na republika" ni Macapagal-Arroyo: Pagsusulong ng pasismo at neokolonyalismo
37,000�biktima ng mga paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Mga ilusyon ng kaunlaran
Sa labas ng Kongreso:
Ang totoong kalagayan ng bansa

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.