Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Balita:
Serye ng mga welga sa transportasyon, pumutok

 Read this article in English

Niyanig ng mga welga ang iba't ibang linya ng transportasyon pagkatapos ng matagumpay na pambansang tigil-pasada noong Marso 1-2.

Sunud-sunod na nag-aklas ngayong Marso ang mga manggagawa ng Sulpicio Lines, mga gwardya ng Metro Rail Transit at mga bus, dyip, traysikel, traysikad at kalesa na pumapasada sa buong rehiyon ng Caraga.

Sulpicio Lines. Limang araw na pinilay ng welga ang mga byahe ng Sulpicio Lines, Inc. (SLI), ang pangalawang pinakamalaking kumpanya ng barko sa bansa. Hindi bumyahe ang 22 sa 27 barko nito mula Marso 9 hanggang 14.

Ang welga ay inilunsad ng mga kasapi ng Unyon ng mga Mandaragat sa Sulpicio Solid (UMSS)-Alliance of Nationalist Genuine Labor Organizations (ANGLO)-KMU. Pangalawang welga na ito ng mga manggagawa ng Sulpicio sa loob ng walong buwan.

Iginigiit ng mga manggagawa sa Sulpicio na kilalanin ang kanilang unyon, dagdagan ang kanilang overtime pay at alawans sa pagkain at itigil ang iba pang di makatarungang patakaran sa paggawa. Ayaw makipagnegosasyon ng maneydsment ng Sulpicio Lines sa mga welgista. Idinahilan ang umiiral daw nitong CBA sa isang dilawang unyong malaon nang itinakwil ng mga manggagawa.

Nagpatuloy ang welga na inilunsad sa mga daungan ng Maynila, Iloilo, Cebu, Ormoc, Davao at Cotabato sa kabila ng return to work order ng Department of Labor and Employment at pandarahas ng mga bayarang goonsat mga pulis. Bukod sa KMU, suportado ng BAYAN, Anakpawis, Bayan Muna at Anak ng Bayan ang welga.

MRT. Naglunsad ng sit-down strike noong Marso 11-12 ang 300 kasapi ng Vanguards Security Agency na nakatalaga sa Metro Rail Transit 3.

Bago ito, nagpiket muna sila upang igiit ang pagbabayad sa kanila ng ahensya ng isang buwan at sampung araw na sweldo.

Caraga Region. Umabot sa 98% ng mga sasakyan sa Caraga Region ang tumigil sa pagpapasada nitong Marso 15 at 16 sa pamumuno ng Transport Federation of Caraga at Butuan Auto Calesa Operators and Drivers Association.

Iginigiit nila ang P1.50 dagdag na pasahe, P1 rolbak sa presyo ng langis at pagbabasura sa oil deregulation law. Apektado ng welga ang mga byahe patungong lunsod ng Davao, Cagayan de Oro, Butuan at Surigao, mga bayan ng Bayugan at San Francisco sa Agusan del Sur at Tandag, Surigao del Sur.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Marso 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ipagbunyi ang isang taong mga tagumpay ng armadong pakikibaka

Mga larawan ng BHB
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
20 armas naagaw sa iba�t ibang opensiba

Rehimeng Arroyo, nagmamatigas sa kaso ng mga POW
Bayan Muna, iba pang progresibong partido, ginigipit
Minimum na 18 edad ng mga Pulang mandirigma, mahigpit na ipinatutupad
Ka Joan: Kakaibang mandirigma
Bakit naninindigan ang Partido sa paggalang at pagkilala sa karapatan sa pagpili sa kasarian ng indibidwal na kasapi ng Partido?
Mga ulat koresponsal:
Umaabante ang rebolusyonaryong kilusan sa Negros

Sa ibayong dagat:
Matinding panghihimasok ng US sa Haiti

Balita:
Serye ng mga welga sa transportasyon, pumutok
Balita:
Maka-US na prime minister ng Spain, inilampaso

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.