![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ang katangian at kaayusan ng Cordillera People's Democratic Front (CPDF) ay higit pang nilinaw at pinagtibay ng kumperensya ng pinagsanib na rehiyon ng Ilokos at Kordilyera noong Hulyo 1998. Nilutas ng kumperensya ang anumang natitirang kalabuan at pag-aatubili sa katangian ng CPDF bilang isang alyansa at ipinirmi ang relasyon nito sa mga organo ng kapangyarihang pampulitika at mga organisasyong masa laluna sa hanay ng mamamayang minorya. Sa gabay ng KT-KS, nagkaisa ang kumperensya matapos isinaalangalang ang katangian at obhetibong kalagayan ng mamamayan ng Kordilyera. Ang Resolusyon Hinggil sa CPDF ang magiging gabay sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos ng mamamayang minorya at di-minorya sa Kordilyera para sa pambansa-demokratikong rebolusyon. Isa sa mga mayor na puntong binigyan ng konsiderayon ang katangian ng mamamayang minorya ng Kordilyera bilang isang espesyal na grupo. Ang mga usapin sa rehiyon ay hindi maihihiwalay sa kanilang pakikibaka para sa pagpapasya-sa-sarili. Binubuo ng iba't ibang uri at sektor ang mamamayang minorya. May ilan sa kanilang napapabilang sa naghaharing uri. Ngunit ang nakararami, na binubuo ng iba't ibang demokratikong uri, ay inaapi at pinagsasamantalahan. Ang pakikibaka ng mamamayang minorya sa pambansang pang-aapi, ay isinusulong, pangunahin sa balangkas ng rebolusyonaryo at demokratikong prente. Samantala ang pakikibaka ng bawat demokratikong uri ay pangunahing isinusulong at itinataguyod sa balangkas ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa. Ang maralita, mababang panggitna at panggitnang magsasaka ng Kordilyera ang pinakamalaking sektor sa rehiyon. Ang kanilang rebolusyonaryong organisasyong masa ang pinakamalaking organisasyon sa loob ng demokratikong prente. Sasaklawin ng organisasyong ito ang mga magbubukid sa "interyor" ng Kordilyera na nagsusulong ng antipyudal na pakikibaka ayon sa partikular na ekspresyon at anyo nito sa lugar.* Mga ResolusyonNiresolba sa kumperensya na ang CPDF ay isang rebolusyonaryong prente na nagdadala at naglalapat ng linya ng demokratikong rebolusyong bayan sa Kordilyera. Pinagsasanib ang pakikibaka ng mamamayang minorya para sa karapatan sa pagpapasya-sasarili at ang pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa pambansang demokrasya. Sa programa ng demokratikong rebolusyong bayan, nag-aanyo ito sa pagkilala sa panrehiyong awtonomya sa ilalim ng sentral na demokratikong pamahalaang bayan. Ang prenteng ito ay bubuuin ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa ng mga batayang pwersa ng rebolusyon (na kalakha'y mga mamamayang minorya ngunit kinabibilangan din ng mga di-minorya) sa Kordilyera. Isa itong panteritoryong prente na sumasaklaw sa buong rehiyon. Ang CPDF ang tatayong panrehiyong pormasyon ng Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas (PDPP) sa Kordilyera. Tulad ng PDPP, itataguyod ang katangiang konsultatibo, kumperensyal at konsenswal sa loob nito. Gayundin, kikilalanin ang kasarinlan at inisyatiba ng bawat alyadong organisasyon. Sasanib sa CPDF ang mga seksyon ng mga pambansang rebolusyonaryong organisasyong masa na nasa rehiyon. Sasanib din ang Partido at Bagong Hukbong Bayan sa Kordilyera. Tutulong ang CPDF sa pagbubuo ng mga organo ng kapangyarihang pampulitika. Tulad ng PDPP sa mga larangang gerilya, pinag-iiba ito sa mga binhi ng probisyunal na rebolusyonaryong gubyerno sa rehiyon. Labas sa CPDF, maaaring magtayo ng iba pang panrehiyong organisasyon sa Kordilyera. Gayundin, bukas ang larangan para sa pagbubuo ng mga panteritoryong pormasyon ng CPDF na mas mababa sa antas rehiyon. Niresolba rin sa kumperensya na lehitimo ang naunang kongreso ng CPDF noong Marso 1989. Bagamat inilunsad sa panahon ng pangkalahatang disoryentasyon ng rebolusyonaryong kilusan, itinaguyod nito ang pamumuno ng Partido, sosyalistang perspektiba at ang dalawang-yugtong rebolusyon. Kinakailangan na lamang na muling isaayos ang konstitusyon at programa ng CPDF upang salaminin ang itinakdang katangian at ang muling pagpapatibay sa mga batayang rebolusyonaryong prinsipyo nito. * Tinutukoy dito ang mga katutubong magsasaka sa kabundukan ng Kordilyera. Sadyang atrasado at bansot ang produksyong agrikultural sa mga lugar na ito. Kasalukuyang dumaranas ng matinding dislokasyon at militarisasyon ang mga katutubong magsasaka. Dulot ito ng malawakang pangangamkam ng estado at mga dayuhang korporasyon sa kanilang lupang ninuno. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|