Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga ulat koresponsal:
Cordillera Day 2004:

Kasaysayan ng magiting na pakikibaka sa Cordillera, ipinagbunyi

 Read this article in English

Militanteng ipinagdiwang ng mga dumalo sa Cordillera Day 2004 ang magiting na kasaysayan at ang di-natitinag at maigting na pakikibaka ng mga pambansang minorya at mamamayan sa Cordillera.

Idinaos ang pagdiriwang sa Tocucan, Bontoc, Mt. Province noong Abril 24. Dinaluhan ito ng mahigit 3,000 katao mula sa iba't ibang ili (komunidad) sa Cordillera, mga kinatawan ng mga pambansang minorya at iba pang mga sektor ng mamamayan sa iba pang bahagi ng bansa, at mga alyado at kaibigan mula sa loob at labas ng Pilipinas.

Ang Cordillera Day ay nagsimula bilang Macliing Memorial o paggunita sa pagpaslang ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines noong Abril 24, 1980 kay Ama Macliing Dulag. Noong siya ay nabubuhay pa, si Macliing ay isang respetadong pangat (pinuno ng tribo) ng mga Kalinga na magiting na nanindigan hanggang sa kamatayan niya laban sa pagtatayo ng Chico River Basin Hydroelectric Project (mga proyektong Chico Dam) noong panahon ng diktadurang US-Marcos. Ang Macliing Memorial ay idinaos mula 1981-84, una bilang taunang paggunita ng mga tribo sa Kalinga at Bontoc sa paglaban at pagkamartir ni Macliing. Lumahok dito ang iba pang tribo sa Cordillera hanggang sa sumaklaw sa iba�t iba pang sektor ng mamamayan at lugar sa Cordillera, kabilang na ang mga di pambansang minorya.

Mula 1985, tinawag nang Cordillera Day (CD) ang mga pagdiriwang bilang pagkilala at pagpapatibay sa nagpapatuloy at mas malawak na militanteng pakikibaka ng mamamayan di na lamang sa Chico River kundi sa buong saklaw ng Cordillera laban sa makauri at pambansang pang-aapi sa kanila. Sinasaklaw na rin ng CD ang mga isyu at laban sa ilang bahagi ng rehiyong Ilocos na kanugnog ng Cordillera.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay "Itaas ang sulo ng mga martir ng Cordillera! Palakasin ang pakikibaka ng mamamayan laban sa pambansang pang-aapi at imperyalistang globalisasyon!"

Makasaysayan din ang CD sa taong ito na ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) na namuno sa pakikibaka ng mga taga-Cordillera mula noon. Ang CPA rin ang nangunguna sa taunang pagdaraos ng CD.

Ngayong taon din muling idinaos ang selebrasyon sa isa sa mga ili sa Chico River na nanindigan laban sa mga proyektong Chico Dam. Pinatingkad nito ang kalagayan na hanggang sa kasalukuyan ay tinatangka pa ring agawin ng mga reaksyunaryong naghaharing uri at estado nila ang mga rekurso at likas na yaman sa Cordillera gaya ng Chico River, habang pinababayaan, pinagsasamantalahan at inaapi ang mamamayan sa mga ili.

Pinarangalan sa pagdiriwang ang walang pag-iimbot na pagaalay ng mga taga-Cordillera ng buhay, pag-aari, lakas, talino at yaman para isulong ang pakikibaka at ipagtanggol ang kanilang lupa, buhay, kabuhayan at mga rekurso.

Noong nakaraang mga taon, ginanap ang CD sa iba't ibang ili sa Cordillera upang ipakita ang mahigpit na pagkakaisa ng mga pambansang minorya at mamamayan sa Cordillera at patampukin ang mga isyung kinakaharap nila sa iba't ibang bahagi ng Cordillera, gaya ng pandarambong ng mga dambuhalang kumpanya sa pagmimina, militarisasyon, pangangamkam ng mga minanang lupa at rekurso, pagkakait ng gubyerno sa mamamayan ng mga batayang serbisyong panlipunan, at pagwawasak ng "globalisasyon" sa agrikultura at kabuhayan ng mamamayan.

Higit sa pagiging isang masayang pagtitipon para sa paggunita, ang CD ay isang malawakang pag-aaral at madagundong na pampulitikang pahayag ng militanteng kilusang masa sa Cordillera tungkol sa mga umiiral na mga riyalidad —mabibigat sa suliranin at mapagpunyaging mga pakikibaka ng mamamayan sa rehiyon. Sa loob ng tatlong araw mula Abril 22 hanggang sa mismong araw ng CD, sa pamamagitan ng mga palihan, pinag-aralan ng lahat ng mga dumalo sa CD ang iba't ibang maiinit na isyu sa Cordillera. Nagbahagian sila ng mga karanasan at pananaw sa militarisasyon, "globalisasyon" (laluna sa agrikultura), mga mapanirang proyekto, mga paglabag sa karapatang-tao, mga gera ng mga tribo at panunulsol sa mga ito ng militar at marami pang iba. Mula sa resulta ng mga palihan, nagbuo sila ng mga resolusyon para sa mahigpit na pagtutulungan at pagsusulong ng pakikibaka tungkol sa iba't ibang isyu at laban sa Cordillera. Binasa rin ang mga mensahe ng CPA at mga kaalyadong organisasyon at maging ng ilang kinatawan ng gubyerno.

Pinarangalan sa pagdiriwang ang walang pag-iimbot na pag-aalay ng mga taga-Cordillera ng buhay, pag-aari, lakas, talino at yaman para isulong ang pakikibaka at ipagtanggol ang kanilang lupa, buhay, kabuhayan at mga rekurso. Binigyan ng pinakamataas na parangal ang mga martir at bayaning nagpundar ng pakikibaka ng mamamayan sa Cordillera.

Sa saliw ng mga tunog ng gangsa (gong) at umaalingawngaw na mga katutubong kanta at tula, ginunita ng mga dumalo ang mahigit isang kwartong siglo ng pagbubuwis ng dugo, pawis at mga sakripisyo ng mga mamamayan at martir at ang taimtim na panatang patuloy na paglalagablabin ang sulo ng mga martir at bayani ng mga pambansang minorya. Mariin din nilang pinagtibay na hangga't hindi tinatamasa ng pambansang minorya ang tunay na awtonomya't kalayaang magpasya sa sarili, magpapatuloy ang pakikibaka ng mamamayan sa Cordillera.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Mayo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Walang pundamental na pagbabagong idudulot ang eleksyon sa Mayo 10

Panggigipit sa mga progresibong partido:
Walang tigil ang paninira at pamamaslang

Mga kandidatong lumabag sa PTC, dinisarmahan ng BHB
Imperyalismong US, nanghihimasok sa eleksyon
Koleksyon ng mga litrato ng BHB, inilunsad
Itakwil ang mga gumagamit sa OPML para walang tigil na siraan ang Partido —Ka Basil
Mga ulat koresponsal:
Mga tulisan, instrumento ng AFP sa Northeastern Mindanao

Mga ulat koresponsal:
Cordillera Day 2004:

Kasaysayan ng magiting na pakikibaka sa Cordillera, ipinagbunyi
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.