|
BHB sa Mindanao, umani ng ibayong tagumpay
Umani ng ibayong tagumpay ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Mindanao noong 2004 sa pagsusulong ng matagalang digmang bayan. Ayon sa pahayag ng Komisyon sa Mindanao ng Partido Komunista ng Pilipinas sa ika-36 na anibersaryo ng BHB, mula sa 93 aksyong militar na nailunsad noong 2003, nakapaglunsad ang BHB sa isla ng 116 na aksyong militar at nakasamsam ng maraming malalakas na armas nitong 2004. Nabawasan din nang husto ang mga depensiba, anang Komisyon. Subalit kahit sa mga depensibong aksyon, nagpamalas pa rin ng katapangan at kahusayang militar ang mga Pulang kumander at mandirigma at sa maraming pagkakataon ay naagaw nila ang inisyatiba mula sa mga tropang militar.
Libu-libo pa rin ang kasapian ng BHB sa Mindanao na organisado sa mga pormasyong platun at iskwad, ayon sa Komisyon. Kabilang dito ang daan-daang narekrut noong isang taon.
Mantinido rin ng BHB ang 38 larangang gerilya sa buong isla na sumasaklaw sa 19 na prubinsya, mahigit 200 bayan at lunsod at mahigit 2,000 baryo. Nakatayo sa mga larangang gerilyang ito ang iba't ibang organisasyong masa ng mga magsasaka, kababaihan, kabataan, lumad at mga Moro. Umaabot na sa mahigit 500,000 ang rebolusyonaryong baseng masa sa Mindanao, na mas malaki kaysa noong 2003. Libu-libong mamamayan ang nakatamo ng mga benepisyo mula sa mga antipyudal na pakikibaka at mga serbisyong hatid ng mga yunit gerilya ng BHB tulad ng libreng pangangalagang medikal at mga programa sa literasiya.
Sa kabilang banda, mantinido pa rin ang mapagkaibigang relasyon ng BHB sa marami-raming elemento ng CAFGU, AFP at PNP na sumisimpatya sa mga rebolusyonaryong mithiin at lihim na nagbibigay ng suporta sa rebolusyonaryong kilusan.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 21 Abril 2005 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|