Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Obispo ng Mahihirap

 Read this article in English


Humigit-kumulang 30,000 katao ang naghatid kay Bishop Antonio Fortich sa kanyang huling hantungan sa San Sebastian Cathedral sa Bacolod City nitong Hulyo 16.

Ipinrusisyon nila ang mga labi ng obispo sa plasa ng lunsod bandang alas-9 ng umaga. Kabilang sa mga dumalo ang iba�t ibang militanteng organisasyon sa pangunguna ng Bayan Muna.

Bandang alas-9:30, sinimulan ang misa kung saan binasa ang parangal ni Pope John Paul II sa tinaguriang Obispo ng Mahihirap. Pinarangalan ng lider ng simbahang Katoliko ang �masigasig na pamumuno ni Fortich bilang Obispo ng Dyosesis ng Bacolod at ang kanyang aktibong pagmamalasakit sa dignidad at mga karapatan ng mahihirap.�

Bago ang araw ng kanyang libing, tumanggap din ng parangal si Bishop Fortich mula sa iba�t ibang rebolusyonaryong lider at organisasyon.

Nitong Hulyo 4, pinarangalan siya ni Frank Fernandez, dating tagapagsalita ng NDF. Ani Fernandez, tanda ng kadakilaan ni Bishop Fortich sa malagim na panahon ng batas militar, hindi niya isinuko ang kanyang mga prinsipyo sa kabila ng panggigipit mula kay Marcos at lokal na berdugo nitong si Roberto Benedicto. Sa pamumuno ng obispo, ang mga taong simbahan ay patuloy na nakipagkapit-bisig sa mga rebolusyonaryo at progresibong pwersa hanggang sa pagbagsak ng pasistang rehimen.

Nitong Hulyo 15, nagpugay kay Bishop Fortich si Gregorio �Ka Roger� Rosal, tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas. Tinukoy ni Ka Roger ang militanteng pagtataguyod ng obispo sa katarungang sibil at ang paglahok niya sa mga pakikibaka ng mamamayan laban sa pasismo at pyudal na pagsasamantala.

�Matindi niyang ikinagagalit at kinukundena ang di makatarungang kalagayang hati ang lipunan, sa isang banda, sa iilang nasa naghaharing uri na nagpapakasasa sa kanilang sobrang yamang nagmumula lamang sa ganid na pagsasamantala at pandarambong at, sa kabilang banda, sa nakararaming mamamayang lubhang nagugutom, busabos at api,� ani Ka Roger.

Nagpahayag din nitong Hulyo 10 ng taimtim na pagdadalamhati sa pagpanaw ni Bishop Fortich sina Ka Luis Jalandoni at Ka Coni Ledesma ng National Democratic Front. Anila, �Para sa ating lahat, at sa mga darating pang salinlahing magsusulong sa mataas na hangarin ni Monsignor Fortich para sa katarungang panlipunan, tunay na reporma sa lupa, matagalang kapayapaang nakabatay sa katarungan at sa kanyang paninindigang itaguyod ang dignidad at kalayaan ng nakikibakang mamamayan, madarama natin ang kanyang presensya, lakas at walang-kamatayang inspirasyon.�

Isa ring parangal ang inialay ng rebolusyonaryong Christians for National Liberation (CNL) sa yumaong obispo nitong Hulyo 13. Itinuturing ng CNL ang ulirang buhay ni Bishop Fortich bilang walang-kupas na inspirasyon at hamon sa lahat ng Kristyano na yakapin ang adhikain ng mga uring pinagsasamantalahan at inaapi.

�Sa harap ng brutal na pasismo ng estado, pyudal na pang-aapi at imperyalistang dominasyon sa Negros at sa buong bansa, ang kanyang buhay bilang isang rebolusyonaryong Kristyanong taimtim na nanalangin, nagsalita at kumilos para sa mga saligang karapatan at interes ng mahihirap ay isang di-matatawarang ambag sa pagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka,� dagdag pa ng CNL.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Hulyo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan at biguin ang panunupil
sa ligal na demokratikong kilusan

Karahasan at pandaraya sa eleksyon
sa Isabela

Mga lider-magsasaka sa Cagayan,
tinangkang patayin ng 41stIB

Tumitindi ang giriang Cojuangco-Arroyo
Matatagumpay na opensiba ng BHB
Mga Ulat Koresponsal:
Pagbubuo ng balangay ng MAKIBAKA sa isang baryo sa Bikol

Mga Ulat Koresponsal:
Paglaban sa iligal na droga
sa Eastern Visayas

Mga Ulat Koresponsal:
Ang AFP at PNP ang pinakamalalaking sindikato sa droga sa bansa

Mga Ulat Koresponsal:
3 elemento ng RHB, nilitis
sa hukumang Bayan

Obispo ng Mahihirap
Mabababang upisyal at karaniwang kawal ng AFP, ligalig
Sa ibayong dagat:
Papalalang kundisyon ng ekonomya
ng US

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.