![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
ni Jose Maria Sison Kaduda-duda kung totoong may balak si G. Joseph Estrada na ipatupad ang kanyang pangako na bigyangindemnipikasyon ang mga biktima ng paglabag sa karapatang-tao... Mayroong hindi kukulangin sa limang palatandaan.... Una, bilang paglabag sa Pinagsamang Deklarasyon ng The Hague, iginiit (ni Estrada) ang pagsuko ng PDPP sa konstitusyunal na balangkas ng GRP bilang kundisyon... sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ng GRP-PDPP at pagpapatupad ng Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa mga Karapatang-tao at sa Internasyunal na Makataong Batas... Ikalawa, ibinabangga mismo ni Estrada si Robert Swift laban sa SELDA bilang lehitimong kinatawan ng mga biktima ng diktadurang Marcos... Ikatlo, imbwelto (rin) si Estrada sa sarswela ng pamilyang Marcos kung saan urong-sulong si Imelda sa pag-alok ng benepisyo sa mga biktima ng diktadurang Marcos, at pumupostura naman si Estradang humihiling ng higit pa sa inaalok ni Imelda... Ikaapat, nangako si Estrada na bibigyang-indemnipikasyon ang mga biktima ng Batas Militar para magpasikat at ibaling ang atensyon ng publiko mula sa iskandalosong katotohanang nababawi na ng pamilyang Marcos at ng pinakamalalaking kroni nito ang kumpiskado nilang kayamanan at muli na silang tumatamasa ng mga pribilehiyo para ibayong pagsamantalahan ang mamamayan at dambungin ang ekonomya. Ikalima, pinanatili si Howard Dee bilang pinuno ng negotiating panel ng GRP dahil sa kanyang masamang gawi na piliting sumuko ang PDPP at ideklara ang pagbagsak at walang-taning na suspensyon ng mga pormal na pulong sa usapang pangkapayapaan ng GRP-PDPP. Malinaw sa itinakbo ng panahon na hindi sinsero ang naging pakikitungo ng rehimeng Estrada sa PDPP. Dapat maghanda ang rebolusyonaryong mamamayan sa pag-igting ng armadong kontra-rebolusyon ng rehimeng US-Estrada. Ang rehimeng ito ay sadyang hindi makapagbibigay-katarungan sa mga biktima ng paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng rehimeng Marcos; bagkus ay gagawa pa ito ng ibayong paglabag sa karapatang-tao. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|