Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyong agraryo sumusulong sa Cagayan Valley
Masigla ngayong sumusulong ang rebolusyong agraryo sa iba�t ibang larangan sa Cagayan Valley. Mula sa malalalang pag-atras dulot ng mga pagkakamali sa adbenturismo at insureksyunismo at mula rin sa pagdaan sa konserbatismo sa unang mga taon ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto, puspusan ngayong pinanghahawakan sa rehiyon ang rebolusyong agraryo bilang susing kawing sa pagsusulong ng kilusang masa sa kanayunan. Sumusunod ang ilang ulat hinggil sa mga tagumpay sa rebolusyong agraryo na nakamit sa Larangang Reynaldo Pi�on sa Isabela at Larangang Venerando Villacillo sa Quirino.
Mahigit 1,000 pamilya, nakinabang sa rebolusyong agraryo sa Isabela
Sa Larangang Reynaldo Pi�on sa Isabela, mahigit 1,000 pamilya na ang nagbenepisyo sa masiglang kampanya sa rebolusyong agraryo. Naging susi ito sa pagkamit ng mga tagumpay sa larangan ng pulitika�t organisasyon. Bunga nito, nakapagtayo ng komiteng pang-organisa sa 11 baryo.
Nagsimulang bumwelo ang kampanya noong Hulyo 2000, at parang titis sa kaparangan, mabilis na kumalat ang apoy at init nito sa karatig pang mga lugar.
Pagpapataas sa sahod ang pinakamalaking nakamit na tagumpay ng mamamayan sa kampanya ng rebolusyong agraryo. Naitaas ang arawang sahod ng mga manggagawang bukid nang P10-P20 sa mga gawain tulad ng paglilinis, pagtatabas, pag-aani, pag-aabono at pagtatanim. Sa pag-aararo, naging P150-P160 ang sahod mula sa P120 kada araw. Humigit-kumulang 990 pamilya o 4,940 mamamayan sa 11 baryo ang nagbenepisyo sa naturang kampanya.
Naigiit ng mga samahang magbubukid sa pulong barangay ang P10 pagtaas. Bago pa nito ay mahigpit munang nagkaisa ang mga organisadong magbubukid sa pangangailangang magtaas ng sahod. Sabay-sabay na ikinampanya ito sa magkakaratig na lugar. Nakaalyado rin ng mga samahang magsasaka ang ilang mga kasapi ng mga konseho ng barangay.
Ang ilang baryo naman ay nakapagtaas din ng sahod sa pamamagitan ng pagkumpronta sa ilang mga panginoong maylupa, at paghikayat sa mayayamang magsasaka.
Kasabay nito�y binuhay at pinatibay ang mga ammoyo (pangkat-tulungan) at iba pang sistema ng kooperasyon para maiwasan ang mataas na gastos sa produksyon at pangungutang.
Naibaba ang upa ng kiskisan mula P20 tungo sa P18 kada lata (humigit-kumulang 17 kilo ang katumbas) ng palay. Nakinabang dito ang humigit-kumulang 180 pamilya o mahigit 900 na mamamayan sa limang baryo.
Naisagawa rin sa dalawang baryo ang pagpapababa ng presyo ng mga paninda sa tindahan na sobra kung magpatong. Hinimok ang mga may-ari ng tindahan na ibaba sa makatwirang presyo ang kanilang mga paninda nang hindi naman nasasakripisyo ang kanilang makatwirang ganansya.
Nagtagumpay ang isang antas-baryo na pagkilos para ibaba ang interes sa pautang. Nahikayat ang lokal na usurero na ibaba nang 50% ang interes ng pautang kada anihan. Mula 30%, naging 15% na lamang ito. Walong pamilya ang kagyat na nagbenepisyo.
Matagumpay ding tinutulan ng mga organisasyong masa sa tatlong baryo ang mapanlinlang na mga proyekto ng gubyerno na Community Based Forestry Program o Integrated Social Forestry Program ng DENR na sa esensya�y sistematikong pang-aagaw ng lupa.
Matagumpay na pagpapataas ng presyo ng saging sa Quirino
Militanteng kumikilos ang mga organisadong magsasaka sa Venerando Villacillo Front (VVF) sa prubinsya ng Quirino para isulong ang pagpapataas ng presyo ng kanilang mga produkto, partikular ang saging. Kumikilos din sila para pawiin ang pandaraya sa bilangan ng saging na lalong nakakabawas sa nararapat nilang matanggap na bayad para sa kanilang produkto. Sa umiiral na bilangan, sa bawat isang pirasong saging na binabayaran ng negosyante ay isa hanggang dalawa ang nakukuha niyang libre mula sa pandaraya.
Nitong unang kwarto ng taong 2001, naitaas ang presyo nang higit pa sa 50% na minimum na itinakdang layunin ng pakikibaka para sa pagpapataas ng presyo ng mga produkto.
Naging linggo-linggo ang ginawang pagtaas ng presyo sa loob ng walong linggo. Sa lakatan, naitaas ito sa minimum na P5 bawat isang linggo. Mula sa dating presyo na P65 bawat isang daan, naipaabot ito sa presyong P119. Sa damilig (saba) naman, naitaas ito nang 100%. Mula sa presyong P35 bawat isang daan, ito ay naging P70.
Sa tagumpay na ito, nakinabang ang humigit-kumulang 60 pamilya ng maralitang magsasaka sa isang baryo. Inaasahang lalawak pa ang bilang ng makikinabang habang ipinalalaganap ang kampanya sa iba pang baryo.
Kasalukuyan ding pinagtutuunan ng rebolusyonaryong kilusan ang pagpapataas ng antas ng organisasyon at kamulatan ng mga magsasaka. Isinasaayos din ang transpormasyon ng kanilang organisasyon para maging epektibong kooperatiba. Para makamit ito, pinagsisikapang konsolidahin at patatagin ang komiteng pang-organisa ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid at ang pagbubuo ng ganap na samahang masa sa baryo.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|