![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Pumirma para sa gubyernong US si Roberts Fitts, charge d'affaires ng embahada ng US sa Pilipinas. Sa panig ng gubyernong Macapagal-Arroyo, ang pinapirma ay si Assistant Foreign Secretary for American Affairs Minerva Falcon. Nais sana ng gubyerno ng Pilipinas na ang Foreign Affairs Secretary, si Teofisto Guingona, ang pumirma sa dokumento pero minaliit ng US ang ToR at tumangging pumirma ang upisyal ng US na dapat katapat ni Guingona, si Secretary of State Colin Powell. Ipinagmalaki ni Macapagal-Arroyo na ang pagkakaroon ng ToR ay bunga ng paggigiit niya na maisulat ang mga alituntunin ng Balikatan 02-1 upang "mapawi ang pangamba na ang pagsasanay ay di lamang pagsasanay at na ang ating soberanya ay pahihinain nito". Subalit iwinaksi pa rin ito ng mga patriyotikong organisasyon at ng maraming mamamayan dahil hindi lubusang matakpan ng ToR ang katangiang operasyon ng Balikatan 02-1. Pinatutunayan nito na armadong interbensyon sa panloob na usapin ang sadya ng mga tropang Amerikano sa Mindanao.
Kabi-kabila ang pagtuligsa sa pahayag na ito ni Macapagal-Arroyo. Kinundena ito ng mga patriyotiko at militanteng pwersa at maraming mamamayan. Binatikos din ito ng ilang kapartido niya, kabilang sina Sen. Manuel Villar at Sen. Joker Arroyo.
Sa Kamaynilaan sunud-sunod ang mga protesta ng mga estudyante at iba pang mga grupo sa harap ng embahada ng US. Marahas na binubuwag ang kanilang mga piket at rali laban sa Balikatan 02-1 at sa armadong panghihimasok ng US sa bansa. Nitong Pebrero 4, kasabay ng paggunita sa ika-103 anibersaryo ng digmaang Pilipino-Amerikano, inilunsad ng libu-libong militanteng mamamayan ang "pambansang araw ng protesta laban sa panghihimasok ng US". Sa Butuan City, nagmartsa ang mga residente at nagsisigaw ng mga islogang anti-imperyalistang US. Sa Baguio City naman, nagsagawa ng mga katutubong sayaw sa lansangan ang mga pambansang minorya habang sinusunog ang bandila ng US. Nagkaroon din ng mga pagkilos sa harap ng embahada ng US sa Maynila, Clark Field sa Angeles, Pampanga; Cebu; Davao; Naga at iba pang lunsod sa Pilipinas. Nitong Pebrero 6, binuo ng 54 organisasyon ng mamamayan, tatlong panrehiyong koalisyon, tatlong alyansang sektoral at 75 prominenteng indibidwal ang Out with US Troops Now! o OUT NOW!, isang pambansang koalisyon laban sa panghihimasok ng US. Layunin ng koalisyon na mag-ipon ng isang milyong lagda laban sa Balikatan. Sa Davao, umabot sa 7,000 ang mga nagprotesta at pumirma sa isang manipesto laban sa Balikatan. Nitong Pebrero 15, isang caravan laban sa Balikatan ang inilunsad ng BAYAN sa Cebu City. Tumungo ito sa Benito Ebuen Airbase sa Mactan, Lapu-lapu City. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|