Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal
Radyo Gil-ayab sa Cagayan

Dagdag na armas sa gawaing edukasyon, propaganda at kultura

 Read this article in English

Animo'y titis na nagpasimula ng malawak na apoy sa buong Cagayan Valley ang trial broadcast ng Radyo Gil-ayab.

Nag-aalab ngayon sa buong Cagayan Valley ang Radyo Gil-ayab ("lagablab" sa Pilipino), ang himpilan sa radyo ng rebolusyonaryong kilusan sa Northeastern Luzon. Matapos ang matagumpay na trial broadcast, regular na ilalabas ang Radyo Gil-ayab tuwing dalawang buwan at palalaganapin sa anyo ng CD at cassette tape.

Layunin ng Gil-ayab na ilinaw sa mamamayan ang tindig at pagsusuri ng rebolusyonaryong kilusan hinggil sa maiinit na isyu sa rehiyon at buong bansa, ihatid ang mga balita kaugnay ng pakikibaka ng sambayanan at palaganapin ang rebolusyonaryong kultura at sining.

Sa pagsubok na brodkas nito noong Oktubre, itinampok ang mensahe sa Linggo ng mga Magsasaka ni Ka Salvador del Pueblo, ang tagapagsalita ng NDF sa rehiyon.

Lubos namang kinagiliwan ng mga kasama at masa ang

Paran, isang paggaya sa patalastas sa Bombo Radyo-Cagayan hinggil sa kabulukan ng hweteng at sa paggamit dito bilang palabigasan ng mga pulitiko. Pero sa adaptasyong ito, ang pinagtatalunan ni Paran at ng kanyang asawa ay hindi ang pagtaya sa hweteng, kundi ang pagsama sa rali-kumprontasyon ng mga magsasaka para sa pagpapababa ng interes sa pautang.

Ibinalita naman sa bahaging Tangguyob ti Gubat ("Tambuli ng Digma") ang maiinit na pangyayari sa rehiyon at sa buong bansa noong Agosto at Setyembre.

Labis ding ikinatuwa ng masa ang pagpapatampok sa seksyong pangkultura ng Laglagipen, Ilaban Nagbannugan! ("Tandaan, Ipaglaban ang Pinagpaguran"). Isang kanta ito hinggil sa paglaban ng mamamayan sa Community-based Forest Management o CBFM na isa sa maiinit na isyu ng magsasaka sa buong rehiyon.

Ang unang regular na brodkas ay planong ilunsad ngayong buwan. Bilang pagtulad sa kinagigiliwang mga programa sa burges na masmidya, magtatampok ang Radyo Gil-ayab ng mga dagdag na bahagi tulad ng Toy Nagsurat a Kadasig yo ("Itong Sumulat na Kauri Ninyo"), isang drama tungkol sa buhay at pakikibaka ng mga kasama at masa; Takder Proletaryo ("Proletaryong Tindig"), isang 20-minutong talakayan; at iba pa.

Katulad rin sa iba pang radyong gerilya, simple lamang ang kagamitan at proseso para makabuo ng isang brodkas ang Radyo Gil-ayab. Ginagamit dito ang computer program na Sound Forge 5.0 para sa pagrerekord, pagtitimpla ng tunog at paglalagay ng sound effects; at Adobe Premiere para naman sa pag-eedit. Ang iba pang kagamitan ay binubuo ng lapelle microphone, headphones, at tape recorder. Pinupuntahan ang iba't ibang yunit gerilya para makakuha ng voice talents. Ang istap ay binubuo ng tatlong tao na naggagawaing masa sa pagitan ng mga gawain sa radyo.

Dumadaan sa apat na yugto ang paggawa ng isang brodkas. Ang una ay pre-production o pagsusulat ng iskrip. Pagkatapos, isinasagawa ang mismong produksyon o recording.

Sunod ang pag-eedit at panghuli naman ang pagpaparami ng mga kopya. Ang isang produksyon ay karaniwang tumatagal nang isa hanggang dalawang linggo. Plano rin ng Radyo Gil-ayab na magtayo ng katulad na yunit o mga grupong pangradyo sa bawat larangang gerilya sa rehiyon.

Ang Radyo Gil-ayab ang pinakabago sa maraming anyo ng propaganda na minamaksimisa ngayon ng rebolusyonaryong kilusan sa Cagayan Valley para tugunan ang panawagan ng Partido na ibayong paghusayin at pasaklawin ang gawaing propaganda at edukasyon.

Sa pagsasahimpapawid ng Radyo Gil-ayab, inaasahang libu-libo pang mamamayan ang aabutin ng rebolusyonaryong propaganda na ibayong magpapataas sa kamulatan at militansya ng masa at mga kasama, at ibayo pang magpapaalab ng apoy ng pakikibaka sa buong Cagayan Valley.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Disyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Bagong programang amnestiya ng rehimeng Arroyo

Isa na namang pagtraydor sa mamamayan

Usapang NDFP-GRP
Wala pa ring kaisahan

Paglabag sa mga karapatang pangmanggagawa
General Agreement on Trade in Services
Ibayong pagsasamantala, ibayong pahirap

Operasyong militar sa panahon ng tigil putukan:
230 pamilyang Aeta nagsilikas

Mga Ulat Koresponsal
Christians for National Liberation

Lumalakas, sumusulong

Mga Ulat Koresponsal
Radyo Gil-ayab sa Cagayan

Dagdag na armas sa gawaing edukasyon, propaganda at kultura
Pagtatanghal ng kambal-dula
Pagsasabuhay sa makauring kultura at sa diwa ni Gat Amado

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.