![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Tanda ng mas mataas na kakayahang lumaban ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Central Luzon ang inilunsad na apat na magkakasunod na taktikal na opensiba nitong ikalawang linggo ng Disyembre. Dagdag sa nasamsam sa pananambang sa Bulacan noong Nobyembre 30, nakatipon ang mga Pulang mandirigma ng 32 iba�t ibang kalibreng armas, kabilang ang tatlong M203 at isang M60 masinggan, mga kompyuter, kagamitang pangkomunikasyon at mahahalagang dokumento. Labingwalong tropa ng gubyerno at isang gwardya ang napatay sa mga opensibang ito.
Sa Tarlac. Inaresto at pinarusahan ng mga partisano ng BHB si SPO2 Froilan Biag, isang operatiba ng Tarlac PNP Intelligence Division, sa Sityo Molave, Barangay San Isidro, Tarlac City noong gabi ng Disyembre 14. Ayon sa Nelson Mesina Command, hinatulan ng kamatayan si Biag dahil sa kanyang aktibong pang-eespiya laban sa rebolusyonaryong kilusan. Hindi naman sinaktan ang isang pulis na kasama ni Biag nang arestuhin ito. Dinisarmahan lamang siya ng kanyang sandata. Nakasamsam ang mga partisano sa operasyong ito ng isang M16, isang .45 pistola at ilang mahahalagang dokumento. Sa Pampanga. Sinalakay ng mga Pulang mandirigma ang tactical command post (TCP) ng Special Operations Team ng 69th IB sa Barangay Masangsang, Mexico noong Disyembre 12. Ayon sa Josepino Corpuz Command ng BHB-Central Luzon, isinagawa ang reyd ilang linggo makaraang magreklamo ang mga lokal na upisyal sa BHB tungkol sa presensya ng mga abusadong militar sa mga baryo sa silangang bahagi ng Mexico. Bandang 2:30 ng hapon, sakay sa isang van dumating ang isang tim ng Palermo Ortanez Command sa Castro Building sa poblasyon. Mabilis na pumasok sa gusali ang apat na Pulang mandirigmang nakaunipormeng sundalo. Inakyat nila ang TCP sa ikalawang palapag ng gusali na nagsisilbi ring safehouse ng military intelligence. Maayos na tinrato ang dalawang sundalong dinisarmahan. Natapos ang buong operasyon sa loob ng 20 minuto. Nakasamsam ang BHB ng tatlong M16, isang M203, dalawang kompyuter, dalawang cellphone, isang GPS receiver, mga dokumento at ilang uniporme. Sa Zambales. Nilusob ng mga Pulang mandirigmang lulan ng isang sasakyan ang isang detatsment ng pulisya sa Barangay Bareto, Olongapo City noong gabi ng Disyembre 9. Napatay ang tatlong pulis at ang aset nilang security guard. Isa pang pulis ang nasugatan. Kabilang sa mga napatay si Sr. Insp. Ernesto Cruz, deputy commander ng Police Station 6. Tatlong M16 ang naagaw ng BHB. Ang mga taktikal na opensibang ito, ayon kay Salud Rojas, tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Central Luzon, ay hudyat ng pagpapaigting ng mga taktikal na opensiba ng BHB sa rehiyon laban sa AFP at PNP na bumibiktima sa mga di-armado at walang kalaban-labang sibilyan. ![]()
|
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|