North Korea handang lumaban sa agresyong US
"Kung gusto ng US ng digmaan, walang ibang opsyon ang aming sandatahang pwersa at ang mamamayang Koreano kundi ang lumaban". Ito ang ipinahayag ni Pak Gil Yon, ambasador ng North Korea sa United Nations, nitong Pebrero 7 bilang reaksyon sa talumpating State of the Union ni Presidente Bush. Sinabi ng ambasador na, sa pagturing ng US sa North Korea bilang bahagi ng tinatawag nitong "sentro ng kasamaan", kulang na lang na magdeklara ng digma ang US.
Noong Pebrero 8, epektibong sinagkaan ni Bush ang negosasyon para sa unipikasyon ng dalawang Korea nang ipataw nito ang prekundisyong dapat alisin ang North Korea ang ilang tropa nito sa hangganan ng South Korea.
Sinabi pa ng ambasador, "Lagi kaming handang humarap sa negosasyon at usapan sa US upang lutasin ang mga isyung panseguridad, ngunit ang ganitong mga negosasyon ay dapat nakabatay sa pagkakapantay-pantay at walang mga prekundisyon."
Dahil malakas ang pagtutol ng gubyerno at mamamayan ng South Korea sa planong agresyon ng US sa North Korea at hinahangad nilang makamit ang mapayapang pag-iisa ng dalawang Korea, napilitan si Bush na iatras muna ang kanyang banta sa North Korea.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|