Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Karamihan sa mga Amerikano, tutol sa gerang agresyon sa Iraq

 Read this article in English

Tutol ang karamihang Amerikano ngayon sa inilulunsad na gerang agresyon ng US laban sa Iraq. Ito ang opinyong nakasaad sa dalawang magkahiwalay na sarbey na inilathala nitong Enero 18. Kabaligtaran ito sa paniniwala ni Pres. George W. Bush na ang muling paghalal sa kanya bilang pangulo ng US ay pagpapakita ng suporta ng mga Amerikano sa gera sa Iraq.

Ipinapakita sa sarbey ng Washington Post/ABC News na 55% ng mga Amerikano ang naniniwalang mali ang paglulunsad ng gera laban sa Iraq samantalang 44% ang nag-aapruba nito. Limampu't limang porsyento (55%) ng mga Amerikano ang hindi naniniwala na magiging istable na ang gubyerno sa Iraq pagkatapos ng eleksyon. Halos ganito rin ang sarbey ng USA Today/CNN/Gallup kung saan 52% ng mga Amerikano ang hindi pabor sa pagpapadala ng mga mapanakop na tropa sa Iraq.

Samantala, inulan ng batikos ang maluhong inagurasyon ni Bush nitong Enero 20. Aabot sa $60 milyon ang gastos para sa siyam na selebrasyon. Dalawampung milyong dolyar ($20 milyon) dito ay para tiyakin ang seguridad sa White House. Aabot sa 6,000 unipormado at di-unipormadong pulis at 2,500 sundalo ang ipinakat sa Washington D.C. dahil sa laki ng bilang ng mga demonstrador na tutol kay Bush.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Enero 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Pamunuan ang nabubuong nagkakaisang prenteng anti-Arroyo!

Mga buladas ni Arroyo
Col. Sebastian, pusakal na pasista at war criminal, pinarusahan ng BHB
Rebolusyonaryong pagsulong sa Quezon
Pulang pagdiriwang
Kalagayan ng mga magbubukid at manggagawang bukid sa mga tubuhan ng Batangas
US Armed Forces, nakaunipormeng halimaw
Pasistang kontratista
Paghahanap ng WMD sa Iraq, itinigil na ng US
Karamihan sa mga Amerikano, tutol sa gerang agresyon sa Iraq
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Ilang tampok na taktikal na opensiba sa Mindanao

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.