|
|
Gumamit ng anumang kompyuter na nakakabit sa internet1. Itayp ang www.philippinerevolution.org o prwc.netfirms.com sa browser2. Sa ilang saglit lamang, bubungad na parang larawan sa telebisyon ang pahinang nagtatanghal ng paninindigan, pananaw, programa, kultura, kasaysayan at iba pang aspeto ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng rebolusyong Pilipino. Ito ang Philippine Revolution Web Central o PRWC, ang sentral na website3 hinggil sa rebolusyonaryong pakikibaka sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng internet, nagsisilbing daluyan ang PRWC upang ang propaganda, mga panawagan at mga hayag na publikasyon at dokumento ng Partido, Bagong Hukbong Bayan at iba pang rebolusyonaryong organisasyong pinamumunuan ng Partido ay malawak at mabilis na naipalalaganap sa rebolusyonaryong hanay, sa mga kaibigan, sa buong bayan at sa buong daigdig. Ibayong itinatanghal at ipinakikilala ng PRWC ang Partido at rebolusyong Pilipino sa malawak na hanay ng mamamayan sa loob at labas ng bansa. Sa ngayon, isa na itong establisadong hayag na daluyan upang mabilis na palaganapin ang rebolusyonaryong paninindigan sa mga kasama, mga kapatid na komunista at rebolusyonaryong partido at organisasyon, masmidya, kaibigan at sinuman sa loob at labas ng bansa. Mabisang nagagamit din ng iba't ibang yunit at mga kasama sa Partido at rebolusyonaryong kilusan ang internet bilang mabilis at episyenteng daluyan ng komunikasyon nang may kaukulang pagtitiyak sa seguridad. Unang pagsisikapNagsimula ang masiglang paggamit ng Partido at rebolusyonaryong kilusan sa internet noong 1997 nang unang lumabas ang website ng National Democratic Front. Noong 1999 naman ay binuo ang www.angbayan.org. Mula noon, ang AB ay mas mabilis nang nakukuha ng mga mambabasa saanmang dako ng bansa at daigdig kung saan pwedeng makaugnay sa internet. Noong 2000, sinundan ito ng Ka Roger Online na naging instrumento rin sa mabilis at malawak na pagpapalaganap ng mga pahayag ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, tagapagsalita ng Partido. Sa panahong ito, may pailan-ilan na ring rebolusyonaryong pahayagang masa sa mga rehiyon na nakapagtayo ng kani-kanilang website. Nawala sa internet ang AB, NDF, Ka Roger Online at iba pang website na pinamamahalaan ng iba't ibang yunit ng Partido sa mahabang panahon mula pagtatapos ng 2001. Ito ay dahil sa pang-iipit at unilateral na pagsasara ng US sa mga server na ginagamit ng mga website natin na iniuugnay sa terorismo. Binigyang-katwiran ang pagpapasara sa mga ito ng US Patriot Act, isang mapanupil na batas na binuo bilang reaksyon sa mga atake sa US noong Setyembre 11, 2001. Kalagitnaan na ng 2002 nang muling maitayo ang upisyal na website ng Partido at rebolusyong Pilipino. Tumulong ang isang grupo ng mga Maoistang nakabase sa US na nag-alok ng kanilang server. Pinangalanan itong Philippine Revolution Web Central noong Hulyo 2002 at mula noon ay nagsilbi nang sentral na website ng Partido at rebolusyong Pilipino. Lagakan ng rebolusyonaryong dokumentoAng PRWC ay nagsisilbing lagakan ng mga makasaysayan at mahahalagang rebolusyonaryong dokumento. Halimbawa, matatagpuan sa seksyon nitong "CPP Documents" ang Konstitusyon ng Partido at Programa para sa Demokratikong Rebolusyong Bayan. Samantala, ang mga seksyong "Ang Bayan" (kung saan makukuha ang mga nagdaan at pinakabagong isyu ng AB), "Public Information", NDF at "Ka Roger Online" ay mapagkukunan ng mga pinakasariwang balita, impormasyon, pahayag at paglilinaw ukol sa mga tampok na isyung pambansa at internasyunal. Sa "Publications," tampok ang mga pambansa, pang-organisasyon at panrehiyong rebolusyonaryong publikasyon. Itinatanghal naman ang mga tula, dula, awit, sanaysay, maigsing kwento, drowing, komiks, poster at iba't iba pang makasining na lathalain sa seksyong "Kultura." Sa "Gallery of Heroes and Martyrs," pinararangalan ang kabayanihan ng mga kasamang nag-alay ng buhay para sa sambayanan. Mula sa PRWC, maaaring tumawid patungo sa bagong tayong website ng National Democratic Front (http://ndf.wanadoo.nl). Gayundin, maaaring makita ang daan patungo sa Fortunato Camus Online, website ng rehiyunal na organisasyon ng Partido sa North-eastern Luzon, Rebolusyon (teoretikal na organo ng PKP), Kabataang Makabayan at Filipino Artists for National Democracy. Ipinakikita ng dinamismo ng PRWC ang masiglang gawaing propaganda ng buong Partido at rebolusyonaryong kilusan. Ang mga laman nito ay ambag ng mga kasama mula sa iba't ibang bahagi ng organisasyon ng Partido at rebolusyonaryong kilusan. PamamahalaAng PRWC ay buong panahong pinangangasiwaan ng isang komite ng Partido. Bagamat walang pormal na pagsasanay, kolektibo't tuluy-tuloy na pinag-aaralan ng mga kasama rito ang iba't ibang kaalaman sa kompyuter at internet upang epektibong mapatakbo at maitaguyod ang website. Nagpapakabihasa sila sa mga kaalamang teknikal at paggamit ng mga kinakailangang programa sa kompyuter. Gumagamit sila kapwa ng Windows at Linux operating system kung saan tumatakbo ang Apache web server. Nag-aaral din sila ng lenggwaheng Perl at JavaScript para sa mga kinakailangang pagpoprograma ng kompyuter. Ginagamit din nila ang iba't ibang software tulad ng Dreamweaver para sa paghabi ng mga pahina. Sa pamamagitan ng regular at napapanahong paglalabas ng PRWC at ng iba pang mga pagsisikap na gamitin ang internet, hindi nahuhuli ang Partido at rebolusyonaryong kilusan sa paggamit ng relatibong bagong midyum at mga bagong teknolohiya para sa Partido at rebolusyon. Sinasalamin nito ang dinamismo ng Partido at rebolusyonaryong kilusang pinamumunuan nito. __________________________ Fortunato Camus OnlinePinakabagong dagdag na rebolusyonaryong pahina sa internet ang Fortunato Camus Online (http://www.fortunatocamus.tk), ang upisyal na website ng Partido Komunista ng Pilipinas-Northeastern Luzon (PKP-NEL). Tampok sa website ang mga pahayag, sitwasyon ng rehiyon at mga prubinsya sa NEL at talaan ng mga martir ng rebolusyon sa rehiyon. Dito mababasa ang mga pinakahuling isyu ng Baringkuas, ang rebolusyonaryong dyaryo sa NEL, mga pinakasariwang pahayag ng mga organo ng Partido at kumand ng BHB sa mga maiinit na isyung lokal at pambansa, gayundin ang talaan at parangal sa mga kasamang nagbuwis ng buhay para sa rebolusyon at mga parangal sa kanila. May isang seksyon din para sa mga litrato ng pagkilos ng mga kasama. __________________________
|
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|