Taktikal na opensiba ng BHB laban sa panrehiyong kampo ng pulisya sa Bohol: 84 na armas, nasamsam ng BHBWalumpu't apat na armas ang nasamsam ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) nang salakayin nito ang punong himpilan ng 7th Regional Mobile Group-Combat Support Company sa Barangay Rizal, Batuan, Bohol. Ito ang pinakamalaking bilang ng armas na nasamsam ng BHB sa isang taktikal na opensiba mula nang inilunsad ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto noong 1992.
Ang walang-putok na reyd ay inilunsad noong umaga ng Hunyo 11. Ang taktikal na opensiba ay isinagawa ng mga Pulang mandirigma sa pamumuno ng Panrehiyong Kumand sa Operasyon ng BHB sa Gitnang Kabisayaan
Ang 7th Regional Mobile Police ang pangunahing yunit ng PNP na naglulunsad ng mga kampanya ng panunupil laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan sa Gitnang Kabisayaan at responsable sa maraming paglabag sa karapatang-tao. Ayon sa pahayag ng BHB, ang reyd ay tugon nito sa malaon nang kahilingan ng mamamayan ng Barangay Rizal na parusahan ang abusadong yunit ng pulisya.
Ang matagumpay na taktikal na opensiba ay bunga ng masinop na pagsisiyasat at pagpaplano, bagay na maisasagawa lamang sa batayan ng tinatamasang malalim at malawak na suporta ng Bagong Hukbong Bayan mula sa mamamayan sa lokalidad.
Sa proseso ng pagsisiyasat, napag-alamang nakapwesto ang mga tropa ng kaaway sa bandang itaas at ibaba ng bundok. Natukoy na hindi angkop ang taktikang putok at maniobra. Ipinasyang magsagawa ng commando raid sa pamamagitan ng panlalansi at gumamit ng superyor na pwersa.
Mapangahas na isinakatuparan ang taktikal na opensiba.
![](../../angbayan/images/990506/samsam.gif)
Dumating sa detatsment ganap na 6:56 n.u. ang higit sa 100 mga Pulang mandirigma lulan ng mga van at nagpanggap na mga tropa ng PNP na may dalang bihag na gerilya. Dahil dito, nakapasok sa loob ng kampo ang mga Pulang mandirigma. Huli na nang matuklasan ng mga pulis ang panlalansi. Dala ng pagkabigla, hindi na nakalaban ni isa sa 36 na elemento ng PNP na nasa kampo.
MGA KARAGDAGANG ARMAS AT GAMIT NG BHB
Dami
| Nasamsam
| Dami
| Nasamsam
|
---|
55 | M16 at M14 | 52 | bala ng mortar |
3 | tatlong M203 | 50+ | bala ng M203 |
1 | light machinegun | 20+ | granada |
1 | 60mm mortar | 20+ | rifle grenade |
1 | shotgun | 50+ | military pack |
18 | pistulang awtomatik | 50+ | vest |
5 | rebolber | 100+ | uniporme |
12,000+ | bala ng M16 at M14 | at marami pang iba |
Tumagal hanggang 9:00 n.u. ang taktikal na opensiba. Bago umatras ang mga Pulang mandirigma, nakapaglunsad sila ng pulong masa, napropagandahan ang mga tropa ng pulisya sa detatsment, at nakapamudmod ng mga polyetong nagpapaliwanag sa batayang pampulitika ng ginanap na reyd. Dalawang pulis na bihag ang agad ding pinakawalan pagkatapos ng masinsinang pakikipag-usap sa kanila.
Ang matagumpay na taktikal na opensiba ay patunay ng kawastuan ng isa sa mga batayang prinsipyong itinataguyod ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto�na hakbang-hakbang na susulong ang armadong pakikibaka batay sa masikhay na pagpapalawak at pagpapalalim ng baseng masa.
Maging ang mga napahiyang upisyal ng pulisya ay walang nagawa kundi aminin na hindi mailulunsad ang naturang reyd nang walang kooperasyon mula sa mga mamamayan ng Batuan. Dahil sa matinding kahihiyan, kinabukasan ay tinanggal ng kumand ng PNP sa Gitnang Kabisayaan ang hepe ng detatsment na si Insp. Richard Caballero sampu ng buong Combat Support Company.
Ang matagumpay na reyd sa Batuan ay mariing sampal sa rehimeng Estrada na todo ang pananakot at mga pagbabanta ng kontra-rebolusyonaryong karahasan laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|