|
Bakit naninindigan ang Partido sa paggalang at pagkilala sa karapatan sa pagpili sa kasarian ng indibidwal na kasapi ng Partido?
Tutol ang Partido sa anumang uri ng diskriminasyon, pang-aapi at pagsasamantala na umiiral sa lipunan. Bahagi rito ang pagtutol sa diskriminasyong nakabatay sa piniling kasarian, sa pagkakait ng mga karapatan at oportunidad batay sa piniling kasarian. Nakabatay ang pagsapi sa Partido sa pagkilala at pagtataguyod sa Marxismo-Leninismo-Maoismo bilang ideolohiya ng proletaryado, sa saligang batas ng Partido Komunista ng Pilipinas at sa kahandaang magrebolusyon. Walang dahilan upang ang isang indibidwal na tumutugon sa ganitong mga rekisito ay tanggihan ng Partido dahil lamang sa mayroon siyang naiibang piniling kasarian.
Gayunman, ang mga prinsipyo at tuntunin ng Partido ang saligang gabay sa personal na buhay ng mga Komunista. Kaya't marapat lamang na iayon ng sinumang kasapi ng Partido na may ibang piniling kasarian, tulad din ng iba pang kasapi ng Partido, ang kondukta ng kanyang personal na mga relasyon alinsunod sa mga ito. Ang mga saligang prinsipyo at tuntunin sa pag-aasawa sa loob ng Partido ay aplikable sa kanilang kaso.
Dapat mulat na bakahin ang mga sektaryong pananaw at aktitud, ang prehudisyal na pakikitungo at di magandang pagpapalagay sa pagkatao ng mga indibidwal na may ibang piniling kasarian.
(Halaw sa "Ilang Paliwanag sa mga Tuntunin sa Pag-aasawa sa Loob ng Partido� at "Mga Gabay at Tuntunin sa Pag-aasawa sa loob ng Partido" na inamyendahan noong 1998 ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komite Sentral alinsunod sa mga susog ng ika-10 Plenum ng Komite Sentral.)
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 21 Marso 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|