![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Di bababa sa 20 armas ang nasamsam ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga taktikal na opensibang inilunsad nitong Marso sa iba�t ibang dako ng Pilipinas. Dalawa ring sundalo ang napatay at 14 ang sugatan sa mga opensibang ito. Pinakamatingkad sa mga aksyong militar ng BHB ang sabayang pag-atake sa istasyon ng PNP at detatsment ng Philippine Army nitong Marso 17 sa Samar;
Sa Samar. Labindalawang armas kabilang ang dalawang M16, tatlong M14 at pitong .45 pistola at .38 rebolber ang nasamsam nang salakayin ng BHB ang himpilan ng pulisya sa bayan ng San Jose de Buan, Samar nitoong madaling araw ng Marso 17. Tatlong elemento ng PNP, kabilang ang kanilang hepe ang nasugatan sa halos limang oras na labanan. Kasabay nito, isang sundalo rin ang nasugatan nang tambangan ng mga Pulang mandirigma ang mga tropang reimporsment mula sa detatsment ng 34th IB na may himpilang malapit sa hedkwarters ng PNP. Dalawang kasama ang nasawi sa labanang ito. Sa Compostela Valley. Hindi nabahala ang mga armadong gwardya ng Nova Vista Plantation sa Barangay Tagnana, Mabini nang manaog mula sa isang trak at isang dyip ang isang grupo ng mga babae para magpaskil ng mga pangampanyang poster sa pader ng plantasyon, malapit sa main gate, bandang 6:15 ng gabi noong Marso 12. Huli na nang matanto nila na panlalansi pala ito ng mga Pulang mandirigma ng BHB para malapitan ang kanilang detatsment. Makaraan ang ilang sandali, nabuksan ang main gate at biglang pinaputukan ang detatsment. Sinamsam ng BHB mula sa limang sugatang gwardya ang apat na M16, isang garan at isang radyong VHF. Apat na pulis din ang nasugatan nang makasagupa ng BHB nitong Marso 15 sa kalapit na bayan ng Maco ang pwersa ng PNP na tumutugis sa kanila. Nueva Ecija. Hindi na nakapanlaban ang nagulantang na hepe ng Gabaldon PNP na si Insp. Victor Bautista at kasama nitong dalawang tauhan nang biglang pasukin ng BHB ang kanilang hedkwarters at samsamin ang isang M16, isang 9 mm na pistola, isang .38 rebolber, isang radio transceiver at tatlong cellphone. Misamis Occidental. Apat na sundalo ang napatay at di bababa sa tatlo ang grabeng nasugatan nang maagaw ng mga gerilya sa ilalim ng BHB-Front Monterosa Command ang inisyatiba laban sa umaatakeng mga tropa ng 10th IB noong Marso 14 sa Lower Bautista, Sapang Dalaga. Napaglamangan pa rin ng BHB ang 10th IB sa kabila ng tinanggap na espesyal na pagsasanay ng mga tropa nito mula sa US. Isang Pulang mandirigma ang nasawi sa 45-minutong labanan. Camarines Sur. Pinarusahan nitong Marso 14 ng Romulo Jallores Command ng Bicol si Lt. Col. Ramon Claros, retiradong upisyal sa paniktik ng PNP. Ang pamamarusa ay inilunsad sa Barangay Concepcion Pequena, Naga City. Si Claros ang namuno sa pagdukot at pagpatay sa mga aktibistang sina Nona Sta. Clara, Angelina Llenaresas, Lauro Velasquez at isa pa nilang kasama noong Abril 1989 sa Sta. Cruz, Naga City. Nanatiling aktibo sa gawaing paniktik si Claros kahit nang magretiro na siya. Sangkot din siya sa pagtutulak ng iligal na droga at sa kidnapping-for-ransom. Bohol. Nagsagupaan ang BHB at 28th Special Forces Company ng 302nd Infantry Brigade noong umaga ng Marso 14 sa Sityo Casingi, Barangay San Jose, Batuan. Tinamaan sa dibdib at agarang namatay ang isang sarhento. Leyte. Sinalakay ng isang platun ng BHB noong madaling araw ng Marso 10 ang detatsment ng PNP Regional Mobile Group na nasa loob ng Maragundong-B, Togonon power geothermal plant ng National Power Corp. sa Ormoc City. Kumaripas ng takbo ang dalawang nakabantay na pulis. Tarlac. Nireyd ng BHB noong unang linggo ng Marso ang detatsment ng Philippine Army sa Barangay Matatalaib, na kanugnog ng Tarlac City. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|