Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Paninindigan ng NDFP
Paggalang sa Karapatan ng mga Bihag sa Digmaan

 Read this article in English

Nasaksihan ng mamamayan at ng mismong mga bihag sa digmaan (prisoners of war o POWs) ang matibay na paninindigan ng rebolusyonaryong kilusan sa komitment nitong igawad ang rebolusyonaryong hustisya. Para sa mga bihag sa digmaan, ang makataong pagtrato at pagpapalaya sa kanila ay buhay na halimbawa ng rebolusyonaryong katarungan. Mula nang sila­y madakip hanggang sa sila­y palayain, nasaksihan ng mga bihag sa digmaan ang matapat na pagtalima ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga alituntunin ng demokratikong gubyernong bayan at BHB at sa mga pandaigdigang batas sa digmaan.

Sa mga sunud-sunod na taktikal na opensiba ng BHB nadakip ang mga bihag sa digmaan. Binabasag nito ang ilusyon at propaganda ng mga nagdaan at kasalukuyang rehimen, na ang rebolusyonaryong pwersa ay nadurog na o estratehiko nang nagapi.

Minaliit ng rehimen ang kakayahan ng BHB na maglunsad ng mga labanan. Ngunit ang mga nailunsad na mga opensiba ng BHB mula 1997 ay nagdulot ng malaking kahihiyan sa gubyerno. Dahil dito, ipinihit ng rehimeng Estrada ang propaganda nito sa pagbansag sa mga nakaraang taktikal na opensiba ng hukbong bayan bilang mga simpleng kasong kriminal at ang pagbihag sa mga upisyal ng militar at pulisya bilang mga kaso ng "pangingidnap".

Dinakip ng BHB-Melito Glor Command ng Timog Katagalugan si Army T/Sgt. Wivino Demol noong Pebrero 9, 1998 sa Rodriguez, Rizal. Isa siyang upisyal sa paniktik ng 16th Intelligence Unit ng Philippine Army�ang yunit na responsable sa pagkakadakip kay Kasamang Danilo Borjal, konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas o NDFP) sa usapang pangkapayapaan. Isa siyang espiya at gawain din niyang magtanim ng mga ahente sa hanay ng mga rebolusyonaryong pwersa, partikular sa BHB.

Inaresto naman sina Army Brig. Gen. Victor Obillo at Capt. Eduardo Montealto noong Pebrero 17 sa Brgy. Carmen, Baguio, Lunsod ng Davao. Si Heneral Obillo ay kumander ng 55th Engineering Brigade ng Philippine Army samantalang si Kapitan Montealto ay upisyal sa lohistika ng brigada. Dinakip sila ng Merardo Arce Command dahil sa mga kontrarebolusyonaryong aktibidad nila sa Davao.

Apat na araw matapos arestuhin ang dalawang upisyal militar, nahulog naman sa kamay ng Santos Binamira Command (BHB-Sorsogon) si Chief Insp. Roberto Bernal. Siya ay upisyal sa paniktik ng Philippine National Police. Nitong Marso 5, nadakip naman ng BHB-Pulang Diwata Command si Sgt. Alipio Lozada sa Lianga, Surigao del Sur.

Lahat ng mga bihag sa digmaan ay may mga kaso ng kontrarebolusyonaryong aktibidad laban sa pambansa-demokratikong kilusan. Malala pa, apat sa limang bihag ay may kinalaman sa pang-eespiya�-isang krimeng nangangahulugan ng mabigat na kaparusahan sa rebolusyonaryong kilusan at ginagawaran ng parusang kamatayan batay sa mga pandaigdigang alintuntunin sa digmaan.

Patakaran ng rebolusyonaryong kilusan ang makatao at maluwag na pagtrato sa mga POW at sa paggalang sa wastong proseso sa paglilitis ng mga krimen. Ito ay eksaktong kabaligtaran ng gawi ng reaksyunaryong estado. Iginalang ang kanilang mga batayang karapatan na isa nang mahabang tradisyong itinataguyod ng Partido, BHB at ng NDFP sa usapin ng pangangalaga sa mga POW.

Inutil ang rehimeng US-Estrada sa pagharap sa usapin ng mga bihag sa digmaan. Sa halip na gumawa ng mga kongkretong hakbang upang ipakita ang kaseryosohan nitong harapin ang usapin, nag-pakalulong ito sa propaganda at pag-atake sa Partido, BHB at sa NDFP sa midya. Naging abala si Joseph "Rambotete" Estrada, aktor ng pelikula, sa pagpapa-macho na walang pinatunayan kundi ang kanyang pagkaignorante at kawalang-responsibilidad sa prosesong pangkapayapaan. Arbitrayo nitong sinuspinde ang usapang pangkapayapaan at nagastang hindi makikipagnegosasyon para sa pagpapalaya ng mga bihag. Sa katunayan, naganap ang negosasyon sa pamamagitan ng mga third party.

Nangailangang kumilos ang mga progresibong indibidwal at organisasyon upang tumulong sa pagpapalaya sa mga bihag. Sa isang makataong misyon, nakipag-usap sa negotiating panel ng NDFP ang grupo nina Archbishop Fernando Capalla. Tumulong din si Senador Legarda at iba pang personahe ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas. Nagkaroon ng serye ng negosasyon na humantong sa pagkakaroon ng memorandum of agreement (MOA) nitong Marso 17.

Nilaman ng MOA ang ligtas na kondukta sa pagpapalaya sa mga bihag bilang magkatugong responsibilidad ng NDFP at GRP. Malinaw na nakasaad sa memorandum ang pangangailangang alisin ang mga tropang militar at pulis sa mga teritoryo ng NDFP kung saan maaaring isagawa ang aktwal na pagpapalaya sa mga bihag. Batay pa rin sa kasunduan, kailangang suspindihin ng militar at pulis ang mga opensibang operasyon sa saklaw na teritoryo ng NDFP mula Marso 22 hanggang Abril 19�-ang panahon na inilaan sa pagpapalaya.

Bunga nito at ng malawak na pagbatikos ng publiko sa kanyang pagmamatigas, napilitan si Estradang magdeklara ng SOMO (suspension of offensive military operations) mula Marso 28 hanggang Abril 19.

Pero tulad ng malaon nang gawi ng GRP, nilabag din nito ang sariling SOMO. Hanggang Abril 1, patuloy ang deployment ng tropa at mga operasyong militar sa Davao del Norte, North Cotabato at Bukidnon sa kabila ng anunsyo ni Estrada. Malala pa, ang pagkabalam ng pagpapalaya kay T/Sgt. Wivino Demol, na dapat sana�y palalayain bago mag- Abril 19, ay bunga rin ng patuloy na operasyong militar sa buong Timog Katagalugan. Ito­y sa kabila ng pagtukoy ni Kasamang Gregorio "Ka Roger" Rosal, Tagapagsalita ng Partido, na alinman sa Rizal, Laguna o Quezon isasagawa ang pagpapalaya sa bihag.

Malinaw ang batayan ng NDFP sa pagpapalaya. Ang pagbibigay ng gabay ng negotiating panel sa proseso ng pagpapalaya sa mga bihag ay alinsunod sa awtoridad na ipinagkaloob ng Pambansang Konseho ng NDFP. Naaayon ito sa mga batas at proseso ng Demokratikong Pamahalaang Bayan. Isinagawa rin ito bilang pagtalima sa Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa mga Karapatang-tao at sa Internasyunal na Makataong Batas at sa Unilateral na Deklarasyon ng NDFP sa Pagpapatupad ng mga Kumbensyon ng Geneva at Protocol I.

Ang paggagawad ng amnestiya laluna sa mga bihag na napatunayang may salang pangeespiya sa hukumang bayan ay ibayong nagtataas sa katayuang moral ng NDF. Ito ay pagpapakita ng hustisya at kabutihang-loob sa okasyon ng ika-30 anibersaryo ng Partido at BHB. Ito ang positibong tugon ng NDFP sa malawak na apila ng mga partido at personaheng may mabuting intensyon para sa unilateral at pinagkasunduang pagpapalaya (negotiated release) sa mga nasabing bihag.

Litaw sa usapin ng pagkahuli at pagpapalaya sa bihag sa digmaan ang nagtutunggaling makauring paninindigan ng NDFP at GRP. Inililinaw nito sa Partido ang pangangailangang pag-ibayuhin nito ang pagsisikap sa rebolusyonaryong pamumuno at sa Bagong Hukbong Bayan para sa pagpapaigting ng digmang bayan.

Nakataas ang kamao ni Major Bernal nang humarap siya sa masmidya sa panahon ng kanyang paglaya. Samantala, humingi ng kapatawaran si Army T/Sgt. Wivino Demol sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan sa mga kasalanang ginawa niya. Aniya: "...hindi na ako muling pagagamit sa mga militar."

Karanasan ang nagturo sa mga naging bihag ng BHB kung aling panig sa digmaan ang makatarungan.

 


Previous articleBack to topNext article

04 Marso 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan at labanan ang mas maigting pang mga opensibang militar at panunupil pagkatapos palayain ang mga bihag sa digmaan

Paninindigan ng NDFP
Paggalang sa Karapatan ng mga Bihag sa Digmaan
Sa okasyon ng ika-30 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan
"Labanan ang kaaway hanggang sa tagumpay ng bagong demokratikong rebolusyon!"

Sagisag ng Bagong Hukbong Bayan
Mga Ulat Koresponsal
Pananaig sa konserbatismo at pagsusulong ng armadong pakikibaka sa Gitnang Kabisayaan

Mga Ulat Koresponsal
Pagtalikod Sa Reaksyon, Pagsanib Sa Rebolusyon

Panunupil sa Texas Instruments
Pambubusabos sa mga manggagawa

Panunupil sa Texas Instruments
Pang-aapi sa kababaihan

Ang ICMLPO
Tungo sa pandaigdigang proletaryong pagkakaisa at pagtutulungan

Ang ICMLPO
MGA SIPI

Sosyalistang pagkakaisa?
Ang usapin ng pagkakaisa at ang mga Contra

Sa Ibayong Dagat
Imperyalistang pananalakay sa Balkan Peninsula

Pinagtubuan ang digma
Pahayag
Itigil ang digmang pananalakay ng U.S. at NATO

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.