Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Balik-tanaw sa modelo ni Gloria Macapagal-Arroyo:
Ang papet na rehimeng Macapagal (1962-65)

 Read this article in English

Si Diosdado Macapagal, ang yumaong ama at idineklarang modelo ng anak niyang si Gloria Macapagal-Arroyo, ay masugid na tagapagtaguyod ng imperyalistang dominasyon at pagsasamantala sa mamamayang Pilipino. Sa ilalim ng kanyang gubyerno (1962-65) ipinatupad ang ilan sa pinakamasasahol na patakarang nagbukas ng ekonomya sa walang rendang pandarambong ng mga dayuhang monopolyo kapitalista.

Ang buhay at rekord ni Macapagal ay buhay at rekord ng pagseserbisyo sa imperyalismong US. Unang-unang nagtrabaho si Macapagal sa pinakamalaking Amerikanong upisina ng mga abugado (Ross, Lawrence, Selph and Carrascoso), at pagkatapos ay sa Department of Foreign Affairs. Bago tumakbo at manalo bilang kongresista noong 1948, nagsilbi muna siya bilang pangalawang kalihim ng embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. Mula 1950-53, pinamunuan ni Macapagal ang House Committee on Foreign Affairs at itinalaga siya bilang delegado sa mga kumperensyang panrehiyon at pandaigdig na itinaguyod ng imperyalismong US. Kasama siya sa pagbalangkas ng US-Philippine Mutual Defense Treaty at paglagda sa Japanese Peace Treaty noong 1951. Kabilang din si Macapagal sa mga lumagda sa makadayuhan at mapang-aliping Laurel-Langley Agreement. Ang mga ito�y ilan sa mga pinakamasahol na di pantay na kasunduang pinasok ng papet na republika sa kasaysayan nito.

Dahil pinondohan ng imperyalismong US ang kandidatura ni Macapagal para sa pagkapresidente noong 1961, natalo ang noo�y nanunungkulang pangulo na si Carlos P. Garcia kahit pa ginastos ng huli ang salapi at rekurso ng gubyerno para sa sariling kampanya. Isang malaking kahungkagang tumakbo si Macapagal sa plataporma ng "malayang inisyatiba" at "desentralisasyon". Sa aktwal, ang pagpinansya ng US sa mga partidong nagdala kay Macapagal ay kapalit ng masugid na pagsunod ng mga ito sa mga imperyalistang dikta sa pamamagitan ng World Bank at International Monetary Fund at mga Amerikanong "tagapayo" ng papet na rehimen.

Sa ilalim ng rehimeng Macapagal, nagpatuloy at lalong pinairal ang mga makadayuhan at kontra-mamamayang patakaran. Sumusunod ang ilan sa mga ito:

  • DEKONTROL. Pagkaluklok na pagkaluklok sa poder, inalis ni Macapagal ang kontrol at mga restriksyon sa operasyon ng mga dayuhang korporasyon sa Pilipinas. Pinahintulutan ang malayang pagtatambak ng mga dayuhang produkto na inaangkat sa mataas na presyo at binaklas ang mga restriksyon sa pamumuhunan. Sinamantala ito�t pinakinabangan ng malalaking burgesyang kumprador at panginoong maylupa, na todo-largang nag-eksport ng hilaw na materyales habang buong-bwelong nag-aangkat ng mga yaring kalakal.
  • DEBALWASYON. Bunga ng dekontrol, sumirit ang gastos sa pag-import sa mga yaring kalakal, hilaw na materyales, pyesa, panggatong at iba pa mula sa US. Di naglao�y naubos ang reserbang dolyar ng Pilipinas at napilitan ang rehimeng Macapagal na ibaba sa P3.90 mula P2 ang halaga ng piso kontra sa dolyar. Ang Pilipinas ay naobligang tumanggap ng dambuhalang "stabilization fund" mula sa mga bangko ng US sa Pilipinas. Kasabay nito, sumirit ang presyo ng mga bilihin, lalong lumiit ang maliit nang sahod ng mga manggagawa at lalong bumagsak ang mababang antas ng kabuhayan ng mamamayan.
  • PAGKONTROL NG MGA DAYUHANG MAMUMUHUNAN SA LOKAL NA PONDO. Binuo ang Program Implementation Agency (PIA) at iba pang ahensya sa pagpapautang upang mapadali ang paghiram ng mga dayuhang mamumuhunan sa mga lokal na bangko. Dahil may paghihigpit sa paglalabas ng dolyar mula sa US, nagawang palakihin ng mga kumpanyang US ang kanilang kapitalisasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng paghuthot sa pondong naka-impok sa mga lokal na bangko na kontrolado ng US.
  • PAGTATAGUYOD SA PATAKARANG PANLABAS NG US. Sinuportahan ni Macapagal ang Maphilindo (Malaysia, Philippines, Indonesia) upang itaguyod ang pagkilala at pagsuporta sa "Malaysia" na binuo ng US; gayundin upang ipitin ang gubyernong Sukarno ng Indonesia at bigyan ng mga konsesyon ang mga korporasyong US sa Malaya at North Kalimantan. Upang makapagpanggap na nagtataguyod ng independyenteng patakarang panlabas, ipinabasura ni Macapagal ang US-RP Treaty of General Relations habang katunaya�y nanatili ang iba pang di pantay na kasunduang nagpapalawig sa tratadong ito.
  • PAKIKIPAGKUTSABAHAN SA US PARA AMYENDAHAN ANG US-RP MILITARY BASES AGREEMENT. Bagamat hindi ito napagtibay sa senado, sumangayon si Macapagal na palawakin ang hurisdiksyon ng kumander ng base ng US sa Pilipinas.
  • PAGPAPADALA NG MGA TROPANG PILIPINO SA GERANG AGRESYON NG US LABAN SA MAMAMAYANG VIETNAMESE. Ikinampanya ng gubyernong Macapagal ang pagsuporta sa digmang agresyon ng US laban sa Vietnam. Ang panawagan ni Macapagal na magpadala ng mga tropa sa Vietnam ay sinuportahan ng mga Pilipinong ahente ng Central Intelligence Agency na may interes sa negosyo sa gerang ito.
  • PAGTAGUYOD SA ASIAN DEVELOPMENT BANK (ADB). Inisponsor ni Macapagal ang kumperensyang nagtaguyod sa ADB at inialok pang itayo sa Maynila ang punong tanggapan nito, bilang pagtataguyod sa imperyalistang kutsabahan ng US at Japan; at pagtataguyod sa Japan bilang panrehiyong pinunong papet ng US sa Asia. Daluyan ang ADB ng mga imperyalistang patakarang nakadisensyo para panatilihing tagasuplay ng murang hilaw na materyales sa US at Japan ang Pilipinas at iba pang bansa sa Asia. Panahon ni Macapagal nang tumaas sa 20% ang parte ng Japan sa kalakalang panlabas ng Pilipinas.
  • PAGPALIT NG ARAW NG KALAYAAN SA HUNYO 12 MULA SA HULYO 4. Layunin nitong pagtakpan ang hayagang pagkamakaimperyalista ni Macapagal. Ang kasinungalingang "ibinigay" ng US ang kalayaan ng Pilipinas, ay pinalitan ng sing-aroganteng kasinungalingang "ibinalik" ito ng US.
  • AGRICULTURAL LAND REFORM CODE. Idineklara ni Macapagal na "kontra sa patakarang pampubliko" ang sistema ng pakikisam� at partihan at nangakong palalayain ang masang kasam� mula sa sistemang ito. Ang totoo, ang ginarantiyahan ni Macapagal ay ang mga panginoong maylupa na bibigyan pa ng "makatwirang bayad" ng gubyerno para sa lupang babawiin mula sa kanila. Dagdag pa, ang presyo ng lupa para sa redistribusyon ay lagpas sa kayang bayaran ng "benepisyaryong" mga magsasaka. Hindi pinalaya, bagkus ay inilagay lamang sa panibagong kaayusan sa partihan, ang mga kasam�.

Ang pagpapakapapet ng rehimen sa imperyalismo at pagtataguyod nito sa interes ng malalaking dayuhan at lokal na kapitalista at reaksyunaryo ang siyang nagpatampok sa pamahalaan ni Diosdado Macapagal. Dahil dito, siya ay pinuri ng mga reaksyunaryo. Dahil din dito, siya at ang kontra-mamamayang sistemang pinalago niya ay kinamuhian at nilabanan ng masa ng sambayanang Pilipino.

Ang buong-pagmamalaking pagturing ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa rehimeng Macapagal bilang huwaran ay bagay na ikinatutuwa ng imperyalismo; at hindi dahilan upang ipagdiwang ng mamamayan.

 


Previous articleBack to topNext article

Pebrero 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ang mga tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan kaugnay ng reaksyunaryong eleksyong 2001

Lacson: Berdugo, trapo
Ang patuloy na pamamayagpag ng mga pamilya at kroni ni Joseph Estrada
Kailangang tumayo ang usapang pangkapayapaan sa pundasyon ng mga nakaraang kasunduan
Palayain ang lahat ng mga bilanggong pulitikal!
Balik-tanaw sa modelo ni Gloria Macapagal-Arroyo:
Ang papet na rehimeng Macapagal (1962-65)
Mga Ulat Koresponsal:
Balita mula sa rehiyon ng Cagayan Valley

Mga Balita ng Pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.