Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Danding Cojuangco namamayagpag pa rin: Nakapamamayagpag pa rin si Danding sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo

 Read this article in English

Walang tigil na nagmamaniobra at patuloy na namamayagpag si Eduardo "Danding" Cojuangco Jr., pinakamakapangyarihang kroni ni Marcos at padrino ni Estrada. Binubuo sa pagitan ng gubyernong Macapagal-Arroyo at ng kampong Cojuangco ang mga aregluhang nagtitiyak sa patuloy na paghawak nina Cojuangco sa pondong coco levy (buwis sa niyog), kontrol niya sa San Miguel Corporation at suporta ng gubyerno sa malawakan niyang pangangamkam sa daan-daang libong ektarya ng lupain mula sa Isabela hanggang Negros at Mindanao.

Tulad ng dati, minamantine at pinalalawak ni Cojuangco ang kanyang imperyong pang-ekonomya sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa sinumang nakaluklok na rehimen, mga tusong maniobra, burukratikong katiwalian at pasistang karahasan. Sa desperasyon namang makabig ang suportang pampinansya at pampulitika ni Cojuangco para sa eleksyong 2004, walang kahihiyang nakikipagkutsaba ang rehimen sa kanya.

Lihim na kasunduang maka-Cojuangco.Noong Oktubre 28, lihim na nakipag-areglo ang rehimeng Macapagal-Arroyo sa kampo ni Cojuangco para magpakana ng kasunduang kunwa'y nagtutugma sa interes ng magkabilang panig kaugnay ng pag-aari sa pondong coco levy. Umabot na sa P130 bilyon ang kabuuang halaga ng pondong ito. Patuloy na sinasarili at sinasamantala ito nina Cojuangco. Gustong bawiin ng mga magsasaka sa niyugan ang kabuuan nito, dahil naipon ito sa pamamagitan ng buwis na binayaran nila mula 1973 hanggang 1982. Nilayon ng rehimen na gawing upisyal ang lihim na aregluhan sa pamamagitan sana ng isang bagong Executive Order.

Sa lihim na aregluhan, ang P50 bilyong bahagi ng pondong coco levy (27% ng sapi ng SMC) ay ibebenta at gagawing trust fund (pondong nakaseguro sa bangko) para umano sa rehabilitasyon ng agrikultura ng niyog. Ang mamamahala sa naturang trust fund ay ang Philippine Coconut Producers' Federation (COCOFED), sa ngalan umano ng mga magsasaka. Ang COCOFED ay hindi organisasyon ng mga magsasaka kundi ng malalaking panginoong maylupa at burges kumprador na may negosyo sa niyog. Pinamumunuan ito ni Maria Clara Lobregat, ang pangunahing kasapakat ni Cojuangco sa aregluhan. Sa gayon, mananatili sa kamay nina Cojuangco ang pagmamaniobra sa gamit at pakinabang ng pondong ito.

Sumingaw ang baho ng kasunduan at umani ito ng malakas na pagtutol mula sa mga organisasyon ng mga magsasaka, mga demokratikong organisasyong masa at mamamayan. Maging ang Presidential Commission on Good Government ay naggiit na ang pondong coco levy ay hindi pribado kundi pampublikong pondo. Kaakibat ng bagong kasunduan, ibinulgar ng People's Consultative Assembly (dating kaalyado ni Macapagal-Arroyo sa EDSA 2) na magbibigay si Cojuangco ng malaking kabayaran para magamit ni Macapagal-Arroyo sa halalan sa taong 2004 at iba pang balak. Sa pag-ulan ng higit na batikos, napilitan si Macapagal-Arroyo na isaisantabi ang aregluhan.

Pondong pampubliko. Tuluyan nang nawalan ng ligal na batayan ang lihim na aregluhan nina Macapagal-Arroyo at Cojuangco nang ideklara ng Korte Suprema nitong Disyembre 14 na pampubliko ang pondong coco levy. Kaakibat nito, lahat ng pinuhunanan mula rito ay hahawakan na ng gubyerno, kabilang ang UCPB at ang sekwestradong 27% sapi ng SMC. Sa gayon, maibabalik sa gubyerno ang ganap na pag-aari at kontrol sa UCPB at ang limang pwesto sa SMC na kinakatawan pa rin ng mga tauhan ni Estrada.

Subalit hindi pa rin mapakikinabangan ng mga magniniyog ang mga ito. Hindi sila bibigyan ng direktang kontrol at boses sa gamit ng pondo. Sa halip, mapapailalim lamang ang mga ito sa kontrol ng malalaking burukrata at mga burges kumprador sa gubyerno na malalapit sa rehimen. Gagamitin lamang ang pondong ito para sa ibayong burukratikong korapsyon at sa mga bogus at anti-magsasakang proyektong nagpapanggap na nagbibigay-tulong sa mga magniniyog.

SMC, kay Danding pa rin.Dahil idineklara nang pampubliko ang pondong coco levy, umano'y ang mananatili na lamang na makokontrol ni Cojuangco sa SMC ay ang inaangkin niyang 20% sapi na katunaya'y nakaw na yaman din. Kaya ilang oras bago ang deklarasyon ng Korte Suprema, nagmaniobra na si Cojuangco upang matiyak ang kanyang kontrol sa SMC. (Tingnan ang kaugnay na artikulo)

 


Previous articleBack to topNext article

Disyembre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Isang taon ng pagpapahirap at pagmamalupit sa mamamayan
National Socio-Economic Summit: Higit pang pasismo at pagtatali ng Pilipinas sa neokolonyalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Special Purpose Assets Vehicle: Pagsagad sa neokolonyal na katayuan ng Pilipinas [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Pambansang badyet para sa 2002: Pondo para sa pasismo at pagpapakatuta [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Krisis sa ekonomya: Ilang mahahalagang datos [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Ang salamangka sa datos sa disempleyo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Resesyon sa US, Japan at Germany: Krisis sa mga sentro ng kapitalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Danding Cojuangco namamayagpag pa rin: Nakapamamayagpag pa rin si Danding sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Kasunduang SMC-Kirin: Maniobra para konsolidahin ang kontrol ni Danding sa SMC
Pinakamalaki sa kasaysayan ng papet na republika: Danding, nangangamkam ng lupa sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyong agraryo, umaani ng tagumpay sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Ka Haren at Ka Baste: Rebolusyonaryong kagitingan sa harap ng kaaway
Mga Ulat Koresponsal: Paglilinaw hinggil sa kalagayan ng mga bihag ng digma sa Dulong Timog Mindanao
Pananalanta ng pasistang estado: Labing-isang buwang kalbaryo ng militarisasyon sa kanayunan
Sa suporta ng imperyalismong US: Pinaiigting ang pananalakay ng Israel sa mamamayang Palestino
Bunsod ng napakalubhang krisis: Pag-aalsa, sumiklab sa Argentina
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.